Chapter 23

1.2K 67 6
                                    

A/N: I want to clarify something, guys. May nag-send kasi sa akin ng e-mail tungkol sa timeline nitong RR. Naguguluhan daw kasi siya sa mga dates na nababanggit.

So here's a thing: Roommate Romance started in their 3rd year in college, first semester (year 2020); at hindi po June ang simula nang pasok nila kundi August. Pinagbasehan ko rin po ang school calendar namin for A.Y. 2019 - 2020 kaya eksakto po talaga ang mga dates/schedule dito. Kung kailan ang pre-lim, midterms, finals, vacations, etc. Medyo in-adjust ko lang nang kaunti dahil nga 2020 ang taon sa istoryang 'to. I did that because I want to make this story as realistic as possible.

Ayon, sana po malinaw tayo rito. Para rin sa mga nagtatanong kung hanggang ilang chapters 'to, gano'n pa rin naman. Based on my outline, it's still 50 chapters. Marami-rami pa pong mangyayari kaya sana patuloy lang ang pagbabasa at pagsuporta niyo rito.

Anyway, enjoy reading this chapter! And don't forget to leave a lot of comments. Love y'all~

***

CHAPTER TWENTY-THREE

FOR THE past week that had passed, wala akong ibang ginawa kundi lunurin ang sarili sa kalungkutan at sakit na pinadama sa akin ni Victor matapos niyang makipag-break sa akin.

Hindi ko nga alam kung saan ako masasaktan, e. Doon ba sa nakipag-break siya sa text, doon sa nakipag-break siya nang biglaan, o doon sa nakipag-break siya at hindi na nagparamdam pagkatapos.

Sa nakalipas na isang linggo, masasabi kong nagbago talaga ang takbo ng buhay ko. Lalo na't isa na naman sa pinakamahalagang tao sa buhay ko ang nang-iwan sa akin. He's my everything that when he left, I only feel nothing. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa tuwing naiisip ko ang nangyari.

I didn't expect that he can do this to me. Yes, I know that he's capable to hurt me but not like this one; not like this kind of hurt. Because of this, I'm not only feel dead inside but I also feel lifeless outside. Parang ayaw ko nang mabuhay. Hindi ko na alam kung paano ba ako magpapatuloy sa kabila ng mga nangyari.

Marahan kong pinunasan ang luhang kumawala sa gilid ng mata ko. Sa nakalipas din na isang linggo, nakapagtataka na hindi maubos-ubos ang luhang nilalabas ng mga mata ko. Wala ata silang kapaguran dahil tuloy-tuloy lang ang pagbagsak nila.

"I can feel that this is going to be the saddest Christmas I will experience in my life," mahinang bulong ko habang nakatingin sa may bintana ng kwarto kung saan tanaw ko sa labas ang mga kumikinang na christmas lights decoration. "My first Christmas without him beside me; without him in my life."

When my parents died back then, hindi masyadong naging malungkot ang unang Pasko ko na wala sila sa aking tabi. Dahil nasa tabi ko si Victor no'ng mga panahon na 'yon. Hindi niya ako iniwan at hindi niya talaga pinaramdam na nag-iisa ako.

Then this happened.

'Yong taong nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa noon, wala na ngayon. Iniwan niya na rin ako; iiwan niya rin pala ako.

Pitong araw na lang at Pasko na. Kung dati, todo na ang paghahanda namin ni Victor — mula sa christmas tree na itatayo namin dito sa apartment at kami mismo ang magde-decorate hanggang sa pamimili ng regalo para sa mga mahal namin sa buhay — hindi na ngayon. We're doing that for two years already at ito na sana ang pangatlong taon para roon . . . pero wala, e. Mas pinili niyang iwan ako kaysa i-celebrate 'tong paparating na Pasko sa tabi ko.

Hindi ko rin alam kung dapat ba akong matuwa sa timing na tapos na ang first semester at saktong christmas break na. Dahil paniguradong hindi ako makakapasok at makakapag-focus sa pag-aaral kung nagkataon.

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon