Chapter 1: Crazy Summer

345 3 0
                                    

“Pare! Ang laki pala ng bahay nyo”

“Sus. Di yan. Pasok. Welcome”

“Ezekiel pare.” Binato ako ni Andrei ng unan, sya ang pinakamakulit sa grupo. Nadito kami ngayon sa bahay ni Rian. Bago pa lang kaming magkakaibigan. Nagkakilala kami dahil pare parehas kaming engineering students sa University.

“Oi pare, ang tagal mo nagsimula na kaming manuod” Ayan naman si Tom. Mabait yan, habulin ng chicks.

“O sige lang.”

“Buti nahanap mo tong bahay namin” si Rian [Rayan], matalino yan, mayaman, gwapo at masungit. Rain talaga ang pangalan nyan mas gusto nya lang daw yung Rian

“Marunong naman ako magbasa pre”

Nagsimula na silang manuod. Hanga din ako may sinehan sa bahay nila Rian. Iba na talaga pag mayaman. Umupo din naman ako sa tabi nila. Wala naman akong hilig sa pinapanuod nila kaya di ko na din masyadong pinansin. Kakaiba kasi talaga ang nararamdaman ko. Parang may nagmamasid sa akin. Pinangilabutan pa ako kasi yung pinapanuod nila horror. Napatingin ako sa may likuran at laking gulat ko ng parang may napansin akong nakatayo duon. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o kung ano. Hindi naman ako duwag pero parang may nakatingin talaga.

Hindi ko na lang pinansin baka namamalikmata lang ako. Ibinalik ko ang tingin ko sa mga kaibigan ko pero nanunuod pa din sila. Nilingon ko yung likuran ko at lalo akong nanghilakbot. Nakatingin sya sa akin. Isang babaeng mahaba ang buhok at nakasuot ng puti.

“Pare!” kinulbit ko si Andrei na katabi ko, hindi ko pa din inaalis ang mata ko sa babae

“Wag ka magulo pre” tinanggal nya lang nag kamay ko

“Pare” this time hinawakan ko na sya sa braso

“Ano ba naman yun Kiel? Adik ka ba?” humarap sya sa akin

“Pare, may multo dito”

“Nababading ka na haha. Ano bang tinitignan mo dyan?”

Parehas kaming di makagalaw ng lumingon sya. Hindi nga ako namamalikmata. Nakikita nya ang nakikita ko.

“Ate! Ano ba namang ginagawa mo? Matulog ka na nga!”

Biglang bumukas ang ilaw. Babae nga. Pero di sya white lady.

“Pare, bakit may multo dito pare” si Andrei talaga mas duwag pa sa akin

“Ate ko yan. Wag nyo pansinin, heart broken lang yan kaya ganyan. Tumulog ka na, maghanap ka na lang ng iba bukas”

Biglang lumabas yung babae. Weird.

“Pare mamatay ako sa ate mo, grabe naman yun.” – Andrei

“Wag nyo na pansinin.”- Rian

“Pare, inom lang ako tubig” Bigla akong nauhaw, nakakatakot kasi talaga yung ate ni Rian

“Sige pre, paglabas mo dyan..hanapin mo na lang yung ref haha” – Rian

“Magdala ka na din ng makukuha mo dun” - Andrei

Adik talaga tong si Rian. Ang laki laki ng bahay nila e, pero syempre mas adik si Andrei, ang takaw.  Nakita ko din naman yung kusina.

Iba talaga pag mayaman ang daming lamang ng ref, yung samin tubig lang e tsaka itlog haha.

Uminom naman ako kaagad. Hindi ko alam kung anong kukunin ko sa ref nila, nakakita ako ng ice cream. Ayos. Ito na lang.

Nagulat ako ng biglang may humablot ng lalagyan sa kamay ko. Muntik na akong atakihin lalo ng makita kong yung babaeng nakaputi yun..yung ate ni Rian. Hindi naman na ako natakot, hindi naman ako duwag. Nakatingin lamang sya sa akin kaya tiningnan ko din.

Tapos bigla nya akong nilakihan ng mata. Binuksan nya yung ice cream at kinain lahat ng laman nun. Oo naubos nya lahat. Hindi ko alam kung bakit nakatayo lang ako dun at pinapanuod syang ubusin yung sana’y pagkain ko. Titig na titig sya sa akin habang parang sugapang kumakain. Ibinalik nya sa akin yung lalagyan pagkatapos na parang walang nangyari. Oo kumpirmado, me toyo sa ulo tong ate ng kaibigan ko.

“Wow pare, naligaw ka ba paghahanap ng tubig?” – Andrei

“Haha di uy” sasabihin ko sana yung nangyari pero wag na lang

“Naku wala na tapos na yung pinapanuod namin” – Tom

“Ayos lang yun, ano na plano natin?” – ako

“Tara sa may pool guys, ako bahala sa inyo” yan ang gusto ko kay Rian, laging may plano.

 Sumunod naman kami sa kanya.

“Guys.” Tawag sa amin ni Rian. May dala dala syang bote ng alak.

“Yown pare. Nice!” – Andrei

“Buti wala sila Dad. Inuman na to mga pre” – Rian

Pinaikot na namin yung upuan sa bilog na table. Sisimulan na sana namin ang inuman, bubuksan na ni Rian ng hinablot ito nung babaeng nakaputi na naman. Wirdo talaga.

“Ilang taon ka na?” Ako? Ako ba yung tinatanong ng babaeng may toyo na to?

“16” napasagot na lang ako

“Ate naman, matulog ka na lang dun. Wag ka nang mangulit dito” Natatawa ako sa reaksyon ni Rian, tablado sa ate nya

 “Bawal pa sa inyo to. Tss mga bata.” Binuksan nya yung alak at sabay na tinungga sa bote at umalis na kasama yung alak namin

“Wew pre, ganun ba talaga maheart broken yung kapatid mo? Lakas trip haha nakadrugs ba yun?” – Andrei

“Sapakin kita dyan eh” – Rian “Aish pano na yan, badtrip talaga si ate Summer oh”

Napagpasyahan ng barkada na bumalik na lang sa kwarto ni Rian at magjamming.

Gabi na ng makarinig kami ng sumisigaw. Naglabasan kami lahat, sa may pool nanggagaling yung sumisigaw. Sabi ni Rian, wag na daw pansinin. Pwede ba naman yun? Pero sana di na lang namin talaga pinansin. Yung wirdong ate kasi ni Rian, nagwawala at mukhang nalasing.

“Pst. You.”

Itinulak naman ako ni Andrei. Gago talaga yun. Tiningnan ko lang sya. Weird. Maganda sana, me tama lang sa ulo.

“You’re a horse. ”

Narinig kong nagtawanan sila Tom at Andrei. Lakas trip talaga ni ate oh. Bigla syang ngumiti sa akin at sabay na nahulog sa pool.

Mas lalong lumakas ang tawanan nung dalawang gago. Nagulat naman kami ng biglang tumalon si Rian sa pool. Maya maya ay umahon sya karga karga ang ate nya. Aish ang hirap siguro magkakapatid ng me toyo.

Chasing HeavenWhere stories live. Discover now