Chapter 17: Picture

52 1 0
                                    

 “Ayoko na dito sa ospital. Iuwi nyo na ako”

Isang linggo ko ng binabantayan si Summer.  Madalas si Rian ang kasama ko, mas muka pa syang magulang kesa sa mom nila. Hindi pa din ako tumitigil sa pagpilit kay Summer magpaopera. Araw araw saksi ako sa paghihirap nya. Hindi sya makakain ng normal, madalas tinuturukan na lang sya ng pampatulog ng doktor. Alam kung umatakbo ang oras, wala na akong panahon. Malala na ang sakit nya. Pero di ko susukuan ang babaeng mahal ko. Kahit kailan.

“Oo pag magaling ka na.” Nginitian ko sya, para sa isang taong may sakit ang energetic nya

“Ezekiel Jan. Pwede bang pahiga ulit sayo?”

Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama nya. Ipinatong nya ang kanyang ulo sa hita ko. Nakaharap sya sa akin. Nakataas na naman ang mga kamay nya pero yun ay para hawakan ang mukha ko.

“Alam mo parehas kayo ng kilay ni Marcus”

“Ahh ganun ba?” Hinaplos ko ang buhok nya

“Alam mo ba parehas din kayo ng mata?”

“ Mas maganda yung sa akin” Nagulat ako sa mga buhok na nasama sa kamay ko. Ayokong umiyak. Ayokong magpakita ng kahinaan sa kanya. Ayokong makita ni kuya na talo na naman ako sa kanya.

“At alam mo ba?—“ ibinaba nya ang mga daliri nya sa labi ko “you have the same scent”

She traced my lips. Ayokong umiyak pero hindi ko mapigilan, sa akin sya nakatingin pero alam ko si kuya ang nakikita nya. Ngumiti sya sa akin at pinahid ang luha ko na tumutulo na din sa mukha nya. And the she said

“Hey I miss the way you kiss me..”

And so I kissed her. I kissed this cruel girl who’s breaking my heart.

“Pare tulog na si Summer, uwi muna ako sa apartment ko kukuha lang ako ng ibang damit tsaka maglalaba na din muna ako”

Tambak na ang labahin ko. Siguro ipapalaba ko na lang sa shop, alam na ni mama ang nagyari kaya pinagtatakpan nya ako kay papa. Isang linggo na din kasi akong di pumapasok.

“O sige pre, salamat.” – Rian

“Pare tawagan mo ako kapag may nangyari ah. Sige alis na ako”

“Ahh pare..” hinawakan ako ni Rian sa balikat

“Bakit?”

“Iuuwi na namin si ate bukas”

“Ha? Bakit? Di pa sya pa magaling eh. Mahal na ba sa ospital? Pare tutulong ako..” Aish sino ba ang niloko ko, alam kong kahit isang taon pa sa ospital si Summer kayang kaya yun ng pamilya nya. Parang alam ko na kung ano ang gusto nyang sabihin pero ayokong pakinggan.

“Pre..” nagsimulang magpatakan ang luha ni Ryan, lagi syang nakatungo pag umiiyak.

“Pre..hindi na pwedeng operahan pa si ate. Malala na ang sakit nya, iuwi na natin si ate. Yun din ang payo ng doktor. ”

“Ano bang sinasabi mo!! Pipilitin ko si Summer. Kung suko ka na, hayaan mo ako. Akong gagawa ng paraan!”

“Pre,  wala na tayong magagawa. Ayaw nyang gumaling. Ayaw nya tayong tulungan.”

 “Gago ka ba! Bakit ba ang dali mong sumuko!” Hindi ko napigilan ang sarili ko at nasuntok ko sya, gumanti din naman sya s akin

“Oo na gago na ako. Wala na Kiel. Ayokong sumuko pero nahihirapan na si ate kahit di nya sabihin. Ibigay na natin ang gusto nya. Palayain mo na sya”

Sinuntok ko ulit sya. Mas malakas. Hinding hindi ko ibibigay si Summer sa kahit na sino. Hindi ako susuko. Bago ko pa mamalayan, nagsusuntukan na kami ni Rian. Inawat kami ng mga nurse at parehas na kaming duguan. Siguro nga kailangan namin to. Kailangan naming makaramdam ng sakit kesa takot.

“Uuwi na ako, babalik din ako agad. Wag mong iuuwi si Summer.!”

Umalis na ako sa lugar na yun. May magagawa pa ako. Kailangang may magawa ako. Alam ko..kahit ang walang kwentang gaya ko..

Ngayon lang ulit ako nakapasok sa kwarto ni Summer simula nung pagpinturahin nya ako. Nakakaalien pa din sa twing pumapasok ako sa kwarto nya. Parang nasa langit. Nakita ko ang mga fooprints na ginawa namin nung araw na yun. Napangiti ako.

 Inuwi na sya ni Tita Ellie kagabi. Pag punta ko sa ospital hindi ko na sya nadatnan pa. Gusto kong sapakin ulit si Rian, ang bilis nilang sumuko. Pero alam ko hindi din madali sa kanya ang lahat. Narinig ko ang sinabi ng doktor.Mas makakabuti kung dalhin namin sya sa lugar na makakarelax sya. Yun din daw ang dahilan kung bakit sya nagkasakit ng ganun, stres.  Hindi na sya gagaling kahit operahan pa sya. Parang ayaw mismong gumaling ng katawan nya.. Konting panahon na lang..

Natutulog pa sya, napansin ko naman na nakabukas yung isang drawer ng bedside table nya nung lalapit ako sa kanya. Naagaw ag atensyon ko ng isang litrato. Si kuya Marcus yun at sya. Nakasandal ang ulo nya sa balikat ni kuya Marcus. Kuha nila sa ferris wheel.

Wala na akong maiiyak pero tumutulo pa din ang luha ko.

Gusto kong magalit kay Summer. Napakaunfair nya. Kung matagal na  nyang alam bakit pa nya ginawa ang lahat ng ginawa nya. Bakit hinayaan nyang mahalin ko sya.

Gusto kong magwala, I feel so useless. Ngayon ko lang nalaman kung gaano ako kawalang kwentang tao.

Pinagmasdan ko si Summer, ito ba talaga ang gusto nya? Ang saktan ako.

 “Good morning!”

Mabilis kong isinara ang drawer nya. Nakangiti sya at mukang masayang masaya sya. Nagpahid ako ng luha pero wala din palang silbi yun

“Alam mo ba? Death anniversary ngayon ni Marcus”

Nakaramdam ako ng matinding takot. Niyakap ko sya. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

“Pwede bang dalhin mo ako kay Marcus.”

“HINDI PWEDE!!”

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at lumabas ng kwarto. Hindi ko sya dadalhin kay kuya kahit kailan.

“Pre’ bakit di ka pumasok sa kwarto ni Ate?”

Nakita ko si Rian, putok ang labi at may gasgas sa mukha. Napuruhan ko ata sya.

“Andun naman yung nurse nya”

“Gusto nyang puntahan si kuya Marcus? Pare sorry hindi ko sinabi sayo ang tungkol kay ate at sa kuya mo. Nung nakilala kita nung unang araw sa school alam kong kapatid ka ni kuya Marcus. Madalas sya dito sa amin. Nung namatay sya, nagbago si ate..hindi na nya inayos ang pagaaral nya, madalas kung ano ano lang ag ginagawa nya. Palagi syang nakatawa pero alam ko, may mali kay ate. Hindi sya masaya. Nung dinala kita sa bahay, nun ko lang ult nakita si ate na masaya. Akala ko—sorry pare ”

“Hindi din naman sya masaya ngayon eh. Hindi ako ang makakapagpasaya sa kanya”

“Pare sorry.”

“Hindi ok pare pero andyan na yan, wala din namang magbabago kung sinabi mo. Mamahalin at mamahalin ko pa din ang kapatid mo.”

Aaaaaaaaaahhhhhhhhhh!!!!!!

Agad kaming napatakbo sa kwarto ni Summer. Minsan ko lamang narinig na sumigaw si Summer sa sakit. Nakita ko syang namimilipit sa kama nya habang tinuturukan ng pampatulog at gamot ng nurse.  Napasuntok sa pader si Rian, ilang minuto pa dumating na din si Tita Ellie. Iyak sya ng iyak. Wala kamiing magawang tatlo kundi umiyak. Pero di pwedeng wala akong gawin. At kahit masakit, gagawin ko ang isang bagay na kaya kong gawin.

“Rian, Tita Ellie pwede po ba tayong mag usap.”

Chasing HeavenWhere stories live. Discover now