Chapter 12: Date

49 1 0
                                    

Aish. Sobrang excited yata ngayon ni Summer e magsisine lang naman kami at kakain sa labas. Pasensya na mahirap lang ako. Kanina pa sya nakadungaw sa bintana ng jeep at

“May nakita akong manok!”

“May nakita akong mameow!”

“May nakita akong baboy!”

Nakakahiya. Bukod sa pinagtitinginan kami ng mga kapwa namin pasahero dahil may suot na naman syang pakpak e daig pa nya ang bagong kawala sa kabihasnan. Aish eng eng nga naman pero cute. Aish ano ba Ezekiel!

Nakarating din kami sa mall. First time ko magyaya ng ganito, ano ba dapat kung unahin? Ano ba dapat gawin?

“Summer anong gusto mong gawin?”

“Madami.”

Nakangisi na naman sya, kaya pala nakita na naman nya yung human statue. Aish pag hinayaan ko syang magdesisyon dito kawawa lang ako. Hinila ko sya palayo dun bago pa kung ano ang maisipan nyang gawin. Manunuod na lang muna kami sine. Syempre sya ang nasunod, horror yung pinanuod namin pero tawa sya ng tawa. Wirdo amp andami pa namang nanunuod aish.

“Osit bakit tawa ka ng tawa”

“Haha natatakot ka ba? Akina kamay mo.”

Aish. Wala na, aish. Hawak hawak nya ang kamay ko habang hawak din ang popcorn. Ahh takte bakit ako nakakaramdam ng ganito. Kinikilig ako anakng!

“Gusto mo?”

 “O..o.oo” Aish susubuan nya ba ako? Takte di kaya ng puso  ko to.

Sinubuan nya nga ako. Aish takte. Di ako makalunok, aaaah nababakla na ba ako.

“Eto pa oh. Kain ka lang ng kain.”

“Aaack- Tama na okay na.” Aish papatayin ata ako ng babaeng to sa popcorn o sa kilig. Aish damn Ezekiel. Fck bading

Tapos na yung movie pero wala akong naintindihan pero ayos lang magkahawak kamay naman kami. Lunchtime na din yun kaya niyaya ko na syang kumain.

“Summer anong gusto mo?”

“Chicken, wings. And extra spicy okay.”

Yun lang daw ang gusto nyang kainin. Yun ang sinabi nya kaya naman hindi ko alam kung bakit nya ako sinasakal ngayon.

“Aish! Diba sabi mo yan ang gusto mo?” Sakal sakal nya ako nakakahiya pinagtitinginan kami, aish hindi basta bastang sakal to.

“Ang anghang anghang!!” Aish ang cute.

“Syempre extra spicy yan eh!” Natatawa na naman ako. Aish pag kausap ko sya lagi akong natatawa ng walang dahilan.

“E basta ang anghang!”

“Ibibili na lang kita ng bago, anong gusto mo?” Hehe okay lang ubusin mo allowance ko Summer, masya akong kakain ng asin sa bahay hahahaha.

“Chicken, wings, extra spicy!” nakangiti nyang sabi sa akin, aish baliw nga naman.

“Aish kainin mo na yan, hihipan ko” Aish pigilan mo matawa Ezekiel! Shit

Syempre para akong tangang hinihipan yung manok kahit wala namang epekto yun sa lasa ng manok. Pero ewan ko ba at bakit nakatawa pa din ako. Isusubo naman nya at magrereklamo na maanghang. Sobrang saya ko na dun. Aish.

Natapos din naman kaming kumain at puro reklamo pa din si Summer sa anghang. Syempre ibinili ko sya ng ice cream sa DQ kaya ayun next destination, gaming area e may kasama akong babaeng nakapakpak na may dalang ice cream. Aish college na kami hindi high school.

Chasing HeavenWhere stories live. Discover now