Chapter 14: Lies

50 1 0
                                    

Why? Why did I do that? Ah fck. Im hella happy bastard. Aish ang hirap naman kasi.. Pinilit mo ko eh.. Aish. She’s mine now. She’s really mine and Im not letting her go.

“Then wanna do it with me?”

Lahat yata ng balahibo ko sa katawan ay nagtayuan sa sinabi nya. Is she serious? Tiningnan ko sya ng direcho sa mga mata. I cant. I shouldn’t. But why is she making that face again. She looks sad. Hindi ko alam ang gagawin ko. Inalis ko sya sa kandungan ko. Kailangan kong makalayo sa kanya, magpalamig ng ulo. Pero bago pa man ako makatayo ay hinalikan nya ako. It was nothing more than our lips touching. And then my last line of defense is gone. Hinalikan ko sya. Lalaki ako, pero hindi yun ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Mahirap lang talagang pigilan kapag yung taong gusto mo, mahal mo, ang nasa harapan mo.

I lift her and then i--

Tangina! Ah shit shit shit. Bakit ko ba inaalala yun. Pakshit. Napatingin ako sa kwarto ko, aaah shit nagkalat ang mga damit ko. Gusto kong magwala at sapakin ang sarili ko, ganito ako kasaya.

Pagkatapos kong ayusin ang mga kalat ay nagpunta ako sa banyo para maligo, natutulog pa din sya pagbalik ko. Aish she must be tired. That idea made me fcking blush. Damn. Dumirecho ako sa kusina para magluto. Aish kung araw araw ba ganito eh.

“Good morning”

Napatigil ako sa pagluluto. Aish bakit ba casual lang sa kanya ang lahat, sino ba ang lalaki at sino ang babae dito. Itinuloy ko ang pagluluto ko, mukhang naligo naman sya.

Naghain na ako, nagkape muna habang iniintay sya. Ang lakas ng ulan, may bagyo yata. Pagtingin ko sa  labas sobrang lakas ng hangin, aish may klase pa naman kami ngayon.

*Crash*

“Haha hiniram ko na, wala akong damit kasi hinubad mo kagabi tapo---“

“O..oo n..na oo na..”

Aish pano nya nasasabi yun ng walang kagatol gatol. Nabasag ko pa yung tasa. Bakit ba kasi sya nagpapakita ng tshirt ko lang ang suot. Fck what is she wearing underneath---

Tumakbo agad ako sa aparador ko. Bingo. Ah shit buti na lang andito ang p.e unifrom ko. Agad ko syang pinagpalit ng damit, konti na lang at aatakihin na ako sa puso. Aish.

*toktoktoktok*

Aish sino naman kaya yun? Si Rica? Aish baka makita nya si Summer..pero aish mahal ko naman si Summer. Pasipol sipol akong lumapit sa pinto at binuksan yun.

“Ezekiel!! I miss you anak!!”

“Ma, anong ginagawa mo dito? Kasama mo ba si Papa?”

“Ay hindi, busy yun. Teka bakit parang di ka masaya na andito ako ha? Siguro may tinatago kang babae sa akin no? Ay papasukin mo na ako, ang lakas kaya ng ulan sa labas.”

Damn. Patay na. Bakit ngayon pa dumalaw si Mama. Naku naman oh.

“Actually dumaan lang ako e malapit kasi dito yung venue ng event na pinuntahan ko kagabi”

“Ah ganun ba ma, naku umuwi ka na po para makapahinga”

Ah shit anong gagawin ko..

*crash*

Ah shit. Yung tasa ko na naman, Isang tasa ko na naman ang nabasag. Tiningnan ko si Summer. Aish huli na ako ni mama. Teka bakit parang gulat na gulat sya kay mama.

“Sam hija? Is that you?”

Tama ba yung narinig ko? Kilala ni mama si Summer? Tiningnan ko si mama at kakaiba ang reaksyon ng mukha nya. Anong nangyayari. Bakit umiiyak na din si Summer?

Biglang tumakbo palabas si Summer. Aish umuulan pa naman, nagmadali akong kunin yung payong sa likod ng pintuan. Ah shit di ko alam kung anong problema nya pero di ko sya pwedeng pabayaang umalis. Akmang lalabas na ako ng may pumigil sa akin.

“Bakit kasama mo ang girlfriend ng kuya mo?”

Chasing HeavenWhere stories live. Discover now