Chapter 8: Octupos Hotdog

60 1 0
                                    

“Bakit ka sumusunod?”

Papauwi na ako ng mapansin kong nakasakay sa jeep na sinasakyan ko si Summer. Nang bumaba ako ay bumaba din sya.

Agad naman syang tumalikod. Aish baliw talaga. Tumakbo ako ng mabilis. Nilingon ko sya at hinahabol nya ako na parang tuwang tuwa.

Napahinto na lang ako.

Hirap makipagrace sa baliw mamaya madapa pa to. Aish talaga.

“Umuwi ka na sa inyo. Aish naman, wag mong sabihing papahatid ka pa. Sayang ang pamasahe ko.”

Nginitian nya lang ako at nauna pang pumasok sa bahay ko.

“Gusto ko ng adobong pusit Ezekiel Jan” sabay higa sa sofa

Aish sinasabi ko na nga ba. Mamumulubi ako sa babaeng to. San naman ako hahanap ng pusit.

“Walang pusit, nasa dagat pa” Aish ewan ko kung bakit di ko mapigilang mapangiti, nahawa na ata ako sa babaeng to.

“Igawa mo ko”

Hindi ko mapigilang tumawa. Tumawa lang ako ng tumawa. Aish nababaliw na talaga ako.

“Xa xa igagawa kita haha, dyan ka lang. Wag mong guguluhin gamit ko ah”

Pumasok ako ng kwarto ko at nagpalit ng damit. Di ko pa din mapigilang matawa. Aish di ko maintindihan. Dumirecho ako sa ref, kinuha ko yung balot hotdog. Napanuod ko na yun sa anime eh, gagawa ako ng octupos. Hahahaha.

“Kiel..o..okay ka lang  ba?”

“Oh Rica, anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok?” Aish nakakahiya, nakita nya yata akong tumatawang mag isa.

“Ah..eh pinagbuksan ako nung babae sa..” itinuro nya si Summer, wala sa sala. Agad kong sinilip sa kwarto ko. Aish nakahiga nga sa kama ko, nakataas na naman ang kamay. Bahala nga sya, binalikan ko na lang yung lulutuin ko.

“Aah bakit ka nga pala nandito?” Muntikan ko ng malimutang dumating si Rica

“Uhm kasi..may dala lang akong food. Nagluto kasi ako e napadami..”

“Ahh, salamat. Pakilagay na lang dyan, teka ah may lulutuin lang ako”

Hindi naman ito ang unang beses na nagdala sya ng pagkain sakin e, malapit lang kasi ang apartment ko sa boarding house nila, mga dalawang kanto.

“Uhm Kiel.. Diba sya yung babae sa mall?” Aish nakakahiya, pinaalala pa nya yun. Nginitian ko lang sya.

“Girlfriend mo?”

“Haha hindi ah. “ Ha. Ha. Ha. “Ah manuod ka munang tv dun, sige ako na bahala dito”

Aish. Ano ba yan, dyahe naman. Naghain na din ako, adobong baboy  yung dala ni Rica. Napatingin ako sa niluto kong hotdog na korteng octupos. Aish di ko mapigilang di matawa. Pinigilan ko na lang, nakakahiya kay Rica.

Aish! Awkward pala umupo sa isang hapag kainan kasama ang dalawang to. Nakatingin lang si Rica kay Summer na nakatingin s akin.

“Oist bakit ka nakasimangot dyan? Kumain ka na”

“Wala namang adobong pusit”

Natawa na naman ako. Aish di ko alam kung bakit, nakasimagot kasi si Summer kaya parang natatawa lng ako. Ah ewan.

“Ayan, octupos yan” Inilagay ko sa plato nya yung niluto ko.  Napatawa na naman ako ng malakas. Aish nababaliw na ata talaga ako.

“Pusit naman sabi ko eh”

 “Parehas lang yang madaming galamay, pwede na yan. O isawsaw mo sa adobo. Hahahahah - Ah kaen ka na Rics”

Nakakahiya kay Rica, daig pa kasi ni Summer ang construction worker kumain. Hindi na humihinga, diredirecho lang. Hindi tuloy ako makasubo, nakatingin lang ako kay Summer.

Isa na lang yung octodog [naks] sa plato. Akmang kukunin ni Rica, pero mabilis na tinusok ni Summer at isinubo ng buong buo. Di ko napigilan at tumawa ako ng tumawa ng malakas. Aish oo na nahawa na ako kay Summer.

“Sige ah mauna na ako” - Rica

“Ah hatid na kita, Oist wag kang makulit dyan.”

Ngumiti lang si Summer. Aish gabi na kasi baka delikado na sa daan si Rica.

“Rics, salamat pala sa pagkain ah. Pasensya ka na ginabi ka pa” – ako

“Uhm okay lang yun. Uhm Kiel..” – Rica

“Oh?”

“Ah wala, sige balik ka na. Malapit na naman e, kaya ko na umuwi magisa”

“Sigurado ka?” –ako

Tumango lamang sya. Aish ewan ko ba gusto ko na umuwi agad eh.

“O sige, ingat ka ha. Salamat pala”

Aish, gago ako. Alam ko namang may gusto sa akin yung tao eh. Aish bahala na nga.

“Oist Summer, hahatid na kita. Tumayo ka na dyan.”

Aish. Papatayin ako ni Rian pag di ko iniuwi to eh, pero alam ba nyang dito nagpunta si Summer? Aish ano bang sinasabi ko?!

“Oist Summer. Tumayo ka na dyan sa kama ko.”

Umupo ako sa gilid ng kama ko, sisilipin ko sana sya. Aish may natutulog bang nakangiti.

“Wag mo nga akong pinaglololoko Summer. Aish, anong oras na ga—“

 Bigla syang humarap sa akin at niyakap ako.

“W..wag ka ngang parang baliw.”

Kahit anong higit ko sa kanya papalayo sa akin, daig pa talaga nya ang tuko kumapit. Aish, wag naman Summer. Wag mo naman akong yakapin ng ganito, lalaki pa din ako.

Pinilit kong tumayo pero nakasabit pa din si Summer sa batok ko. Aish, hindi ko alam kung nakakatuwa ba o magagalit ako kay Summer. Namaaaaaan!

Ah may lollipop pa nga pala ako baka pwede ko pang suhulan to. Kaya lang nasa sofa sa labas yung bag ko, aish naman.

Lumabas ako ng kwarto ko ng  nakasabit sa akin si Summer. Talagang inangat pa nya yung paa nya para wag sumayad sa lupa. Hindi ko alam naisipan ko, basta lang hinawakan ko sya sa waist. Aish di naman nya pinuna pero binitawan ko na din kaagad.

“Strawberry and cream, tara na hahatid na kita.”

“Okay” ngumiti sya, Aish pakalapit ng mukha nya sa akin e. Torture talaga tong eng eng na to

“Oh tara na” Di pa din kasi sya bumibitaw sa batok ko

“Tara na nga. Kunin mo na bag ko”

Aish wag nya sabihing ihahatid ko sya ng nakasabit sya sa akin. Naku naman oh.

Chasing HeavenWhere stories live. Discover now