Chapter 11: 21

48 1 0
                                    

“Pare..” - ako

Inihatid ko si Summer sa bahay nila. Handa na ako sa sagasa na aabutin sa akin ni Rian. Si Summer naman ayun pumasok  agad, iniwan ako sa leon nyang kapatid. Daig pa nya ang tatay kung humarap sa akin, kahit kasing edad ko sya at kaibigan nakakatakot pa din. Aish siguro kasi guilty ako. Asan nga ba ang magulang ng mga to?

“Binalaan na kita Kiel.” Tinalikuran nya ako

“Pare mahal ko na eh” Napatigil sya sa sinabi ko

 “Pare kung mamahalin mo si Ate Summer, siguraduhin mong kakayanin mo”

Sinara na nya yung gate. Aish. Ano bang pinagsasabi ni Rian. Pero hindi naman nya ako pinagbawalan diba. Aish ang saya ko, parang gago lang. Makauwi na nga lang.

“Pre’ may nagbago sayo” – Andrei

“Ha? Sus wala.”

“Aish may nangyari bang hindi namin nalalaman?” – Tom

“Gago wala.”

“Wala daw e yang ngiti mo parang tanga. Oi pareng Rian..oh anong problema non?”

Aish galit ata si Rian. Naman. Pero kung andyan na si Rian eh di..

“Oist san ka pupunta?”- Tom

Aish muka akong tanga na nakabantay dito sa harap ng classroom ko. Nakasandal ako sa pader at iniintay si..

“Summer!” Aish ang ganda nya ngayong umaga.

Pinilit kong wag mapangiti. Kinapa ko yung bulsa ko, 3 lollipop. Aish baka mawirduhan nya ako pag 3 binigay ko. Takte aman!

“Lollipop mo.” Aish bakit hindi pa nya kunin. Daig ko pa ang babaeng teenager dito na kinakabahan. Aish ano ba nababakla na ba ako.

“Aish kunin mo na nga. Sige na may klase pa ako”

Ako na mismo ang naglagay sa kamay nya nung lollipop. Pagpasok ko ng classroom, nagsitawanan yung dalawang gago. Aish muka akong tanga.

“Tumahimik nga kayong dalawa baka masapak ko kayo”

“Hahaha pare namumula ka, Tangina pare nakakatawa ka.” – Tom

“Ahaha talo mo pa yung gf ko kung magpacute ka dun. Haha pare tsundere ka” – Andrei

“Aish tigilan nyo nga ako.” Aish. Ano ba tong nangyayari sa akin.

“Oi pareng Rian, magsalita ka naman dyan”– Andrei

“Oo nga pre’ ano ba naman yan” – Tom

Aish. Problema pa si Rian, di ba sya boto sa akin? Naman oh malapitan nga.

“Pare. Pasensya ka na talaga, wag naman pati tropahan natin e apektado. Di ko naman papaiyakin yung kapatid  mo eh”

“Haaaa??!” – Tom & Andrei

Tiningnan ko ng masama yung dalawa. Bumuntung hininga si Rian.

“Alam ko naman yun e baka nga haay..Wala lang manlilibre sa inyo eh” – Rian

“Yown! Sus naman pre akala ko may PMS ka e haha-- aray!” – Andrei

“Gago!”

“Teka, anong di mo paiiyakin. Kayo na ba ni ate Summer?” – Tom

Fck. Natigilan ako. Kami na ba? Aish putakte. Ang tanga ko. Bakit di ko natanong. Pero di ko pa naman sya niligawan, aish pano ba ligawan ang isang katulad ni Summer.

“Waw pare’ excited ka sa canteen? Gutom na gutom ka na ba?” – Andrei

“Gago, wag k na lang sumama”

Aish for some reason daig ko pa ang isang babaeng high school student. Fck naman. Umupo agad ako dun sa madalas na table namin. Inilabas ko kaagad yung baon ko.

Pare’ bakit tatlo yan?” – Tom

“Wala kang pakialam, kumain ka na dyan”

“Baka para sa akin—aray naman” - Andrei

“Tsk wag mo kasi hawakan baka madumihan, di para sayo yan”

“Sus para kanino pa nga ba, nakakadiri ka pare haha ambaduy mo!” – Andrei

“Gago.”

Ang tagal naman ni Summer, nagluto pa naman ako ng paborito nya.  Shit andyan na sya.

“Oist ang tagal mo”

Narinig kong tumawa sila Tom, tiningnan ko lang sila ng masama. Subukan nilang ilaglag ako. Pinanuod ko lang kumain si Summer, parang busog na din ako. Aish ang sama na talaga ng tama ko sa kanya.

Next day:

“Pre si Summer” – Andrei

Agad akong lumabas ng classroom, ang ganda nya ngayon.

“Lollipop mo”

“See yah”

The day after the next:

“Pre si Sum—“

Agad akong lumabas ng classroom, mas maganda sya ngayon.

“Summer, lollipop mo”

“See yah”

The day after that day:

“Pre si-“

Agad akong lumabas ng classroom, ang ganda ganda nya ngayon.

“Good morning, lollipop mo ^_^”

“See yah”

The day after that

“Pre— Oh nasan si Kiel?“

Andito na ako sa labas ng classroom.

“Ahh Summer!! Eto o lollipop mo ^^”

“See yah”

“Pare natatakot na ako sa pagbabago mo araw araw” – Andrei

“Gago, wag ka nga.”

“Lakas tama ka na tol.” – To

“Sus di ah, ayoko kasing makita syang kumakaway kaway dyan sa labas. Eengot nyo.”

Nagtawanan lang yung dalawa. Aish hindi ko din alam eh, hindi ko na mapigilang di sya hanapin sa tuwing pumapasok ako.

“Ah pre tres pala kayo sa Mechanics”

Aiish. Si Rian talaga oh makasingit lang kamalasan pa. Naku naman wala na naman akong binatbat nito kay kuya. Lagot na naman ako kay papa. Ah teka yayain ko kayang magdate si Summer. Aish ano ba naman yan, bigla na lang sya sumusulpot sa isipan ko.

“Rian,me klase ba si ate mo bukas?” Tinaasan nya ako ng kilay. Aish di na lang sumagot.

“Anong date bukas?” - Rian

“Aish bakit mo tinatanong pa? 21 bakit?”  Ayan na naman mystery mode na naman sya, aish bakit ba nasama sa tropa namin to.

“21 huh.” –

Parang may malalim syang inisip. Hindi ko alam pero parang may alam sya na di ko alam.

 “May klase ba o wala?”

Tiningnan nya lang ako at bumalik na sa upuan. Nakakapikon na to ah. Aish. Lagi na lang ganun magsalita. Aish labo kausap, nilayasan pa ako. Ano bang meron pag 21?

Chasing HeavenWhere stories live. Discover now