Chapter 19: HAPPY ENDING

76 1 2
                                    

“Pare gising na. Iniintay ka na ni Summer”

Nagmulat ako ng mata. Gabi na. Eto talagang si Rian kahit kailan istorbo sa pagtulog. Kinuha ko ang mga gamit ko at lumabas ng kotse. Isang taon ko ding di nakita si Summer. Kumusta na kaya sya?

“Pare naman dala mo pa din yang garapon na yan?”

Si Andrei ganun pa din saksakan ng reklamador at kulit. Hindi ko na lang sya pinansin, nagpatuloy ako sa paglakad sa masukal na damuhan.

“Oi lollipop boy..ang mahal nung benta mo sakin nung painting ha! Itong kuripot na intsik intsikang ito.”

Si Tom. Mahilig pa din magregalo ng painting sa mga babae nya.

“O ayan na pala si Summer eh, sige pre dun muna kami sa damuhan kakain kami ng damo. Meeeeeeee meeeee meeee” – Andrei

“Summer. Kumusta ka na? Hindi ko nakakalimutan ang pangako ko sayo.”

Binuksan ko ang garapon na bitbit ko. Lumabas dun ang napakadaming alitaptap. Pumalibot sila sa akin pagkatapos ay umakyat sa itaas ng puno.

“Pasensya na hinuli ko kayo, malaya na kayo ngayon. Bring with you my happiness and in exchange heed my wish.”

Tatlong taon na simula ng mawala sa akin ang babaeng pinakamamahal ko. Masaya na sya ngayon kasama si Kuya Marcus. Ako? Fine arts student na ako ngayon. Nakahiligan ko ang pagpipinta at pagdodrawing. Isa lang ang subject ng lahat ng gawa ko. Heaven. Alam ko, kung magiging mabuti akong bata at magiintay makakarating din ako kung nasaan man si Summer. Makikita ko din sya at balang araw mayayakap ko syang muli. Pero hindi ko kayang gawin yun. Hindi ako mabuting tao. Isa pa, hindi ko kayang makita sila sa langit o makasama sila. Hindi ko kayang maging masaya para sa kanila. Hindi ako nararapat sa langit o sa kahit na anong kaligayahan sa mundo. Kaya isinusuko ko na ang kaligayahan ko, sana kapalit nito ay tumatawa si Summer sa langit. Sana hindi na sya nasasaktan. Sana dalhin ng mga alitaptap na to ang kaisa isang bagay na gusto ko. Ang maging masaya. Dahil ngayong wala na si Summer, hindi ko na din kailangang tumawa. Ibibigay ko sa kanya lahat kahit di ako ang pinili nya.

“Pano ba yan babaeng eng eng..aalis na ako. Babalik ako sa isang taon at pinapangako kong bibigyan ulit kita ng supply ng happiness dyan sa langit. Oo alam ko di mo na kailangan kasi kasama mo na si kuya pero sana tanggapin mo. Mahal na mahal pa din kita. See yah.”

Naglakad ako palayo sa lugar na yun. Malaki at mas mayabong ang nag iisang punong nakatayo sa tuktok ng burol na yun. Napapalibutan yun ng mga alitaptap kaya mukhang nagliliwanag. Bitbit ang garapon ko, tumingala ako sa langit. May isang bituin na angat ang kinang sa kanilang lahat. Alam ko, si Summer yun, ang pinakamasayang anghel sa langit. Naalala ko ang ngiti nya, nadudurog ang puso ko pero walang luhang tumulo sa mata ko.

Dumukot ako sa bulsa ko. Strawberry and cream. Isinubo ko yun. Ahh strawberry.. Gusto kong umiyak pero walang luha. Parusa ko siguro ito dahil tinangka kong agawin ang di sa akin, dahil sinubukan kong kunin ang di dapat. 

“Pare tara na ambagal mo. Tsaka ano ba yan di mo pa ba titigilan yang pagkain ng lollipop na yan? Bulok na ngipin mo dy—aray! Hanggang ngayon ba babatukan nyo pa din ako?” – Andrei

“Oo gago ka kasi. Ikaw nga hilig hilig mo sa ice cream eh.” – Rian

“Ai naku bilisan na may date pa ako.” – Tom

“Andyan na..”

Hanggang sa sunod na taon ulit Summer. See yah katulad nga ng lagi mong sinasabi.

“Araaaaaaaaaaaaaayyyyyy!!! Aray! Aray!”

Bata? Bakit may bata dito? Napatingin kaming lahat sa isang batang babaeng nakatago sa ilalim ng upuan namin.

“Sino ka??”- Tom

“Ikaw? Sino ka din?”

“Ahh pare di ko pa ba napakilala sya sa inyo?” - Rian

Umiling kaming tatlo.

“ Si Winter nga pala. Little sister ko, ang cute nya no?”

“I hate you stupid oniichan. Go die”

Napanganga lang kaming tatlo. May kapatid pa pala tong gago na to. Bigla naman syang napatingin s akin. Ngumiti sya ng napakalapad at dumamba papunta sa akin.

“How cool! Hey can you be my boyfriend?”

Right then and then I knew. Lahi talaga ng me toyo sa ulo ang pamilyang ito.

“Oi oi oi bata batuta isang baldeng muta, magpatubo ka muna ng dibdib” – Tom

“Arrray! Bakit ako ang binatukan mo?” – Andrei

“Ikaw malapit eh” – Rian

Bumaba na lang ako ng van. Maglalakad na lang ako, kung san ako papunta? Bahala na. Kahit san ako makarating basta may lollipop ako, pakiramdam ko kaya ko pang mabuhay ng isa pang taon pa.              

“Ate sino ka po?”

“Ahh ehh andyan ba si Marcus?”

Unang beses kong makakita ng isang babaeng taga maynila nuon. Galing kasi ako sa probinsya at nagbabakasyon lang dito kila Mama. Kay lola kasi ako nakatira. Maganda sya. Maputi at parang prinsesa.

“Wala si kuya eh, bakit?”

Pero umiyak bigla yung prinsesa. Siguro kasi iniwanan sya ni kuya at di sya isinama. San ba kasi nagpunta si kuya eh.

“Wag ka na umiyak. Gusto mo tong lollipop ko?”

Iniabot ko sa kanya yung lollipop na ibinigay sa akin nung kalaro ko. Ayoko kasi ng matamis e tsaka sabi ni lola magdiet na daw ako kasi ang taba taba ko na daw.

Masaya ako nung tinanggap ng prinsesa yung lollipop at ngumiti sya sa akin. Napakaganda nya.

“Iniwan ka ba ni kuya? Wag kang mag alala, andyan lang yun. Magkikita din kayo pramis prinsesa”

Natutop ko ang bibig ko sa pagsabi ko ng prinsesa. Hindi ko naman sinasadya baka magalit sya.Pero tumawa sya.

“Mukha ba akong prinsesa? Haha so si kuya mo ang prinsepe?”

Nalungkot ako, gusto ko kasi sana ako na lang pero dahil tumatawa sya at hindi na sya umiiyak masaya na ako.

“Oo. Ako na lang yung kabayong puti na sasakyan nyo.”

“Summer!!!”

Ahh si kuya andyan na. Muhang tumakbo din si kuya. Naghahanapan ba sila? Naglalaro ba sila ng tagu taguan?

“Andyan na ang prinsepe ko, Mr. White Horse. Salamat sa lollipop. Paano mo nalamang paborito ng prinsesa ang strawberry? Di bale, ito na lang lagi ang kakainin ko. See yah.”

Tumakbo ang prinsesa kasama ng prinsepe. Masaya sila. Mula sa malayo pinanuod ko silang tumakbo ng magkahawak kamay.Kung may naiimagine man ako pag sinasabing happy ending sa kwento ni lola, ito yata yun. Lumingon sa akin ang prinsesa at ngumiti.

Nahanap na nya si kuya. Nagkita na sila ulit. Happy ending na ang prinsesa at prinsepe. At ako, na isang kabayo ay maglalakad ng maglalakad at hahanapin ang piraso ng nadurog kong puso.

Chasing HeavenWhere stories live. Discover now