Chapter 10: Strawberry and Kisses

52 2 0
                                    

“Sir! Sir!”

Brrr… Sobrang lamig. Naalimpungatan ako at nakita kong nakasilip sa akin ang isang matandang lalakin---Aish Shit patay na. Napabalikwas agad ako ng bangon, agad akong gumapang palabas ng tent.

“Sir, ano pong ginagawa nyo dyan? Alam nyo bo pang bawal dito? Hindi po ito camping site.” Kakamot kamot sa ulo yung lalaki

“Manong pasensya na po.” Aish! Bakit ba hindi agad ako nagising para nakatakas agad kami dito. Pano na yan. Putek naman.

“Sir kailangan nyo pong sumama sa amin sa office.”

“Naku manong sorry talaga. Wag mo na naman ako isumbong sa management. Sorry talaga. Wala kasi akong matutulugan e. Promise manong uuwi na ako, hinding hindi na ako baba—“

*yawn*

“Good morning”

Damn. Gumagapang na lumabas si Summer sa tent. Aish wala na, tapos na talaga ako nito.

Tiningnan ako ng masama nung manong at aish anong klaseng ngiti yan?! Aish—

“Naku naku manong mali kayo ng iniisip. Hindi talaga” Hindi ako magkaintindihan pagtanggi kay manong, todo iling ako ng ulo, baka akalain nya may kung anong masama kaming ginawa ni Summer. Aish bakit kasi lumabas pa si Summer eh.

“Alam mo hijo, ok lang naman maging maexperimento kaya lang ako naman ang malalagot pag nalamang pinalusot ko kayo.”

Aish. Anong experimento ang sinasabi ni manong. Naman oh. Aish. Tiningnan ko si Summer at parang wala lang sa kanya ang nangyayari. Naghahalungkat sya sa bag at may kinuhang de lata. Shit! May dala din syang ganun? Aish balak talaga nya magcamping, sana sinabi nya agad. Aaaaaaaaaah ano bang umaga to.

“Manong please, please ngayon lang po. Please wag nyo na po kami isumbong. Wala pong makakakita sa amin, aalis na lang po kami. Please naman manong”

“Mga kabataan talaga ngayon oh.”

“Please manong. Sorry na talaga.”

“ O sige sige basta wag kayo magpapakita sa guard ha”

“Manong salamat po talaga.”

Yes! Mabuti na lang at mabait si Manong. Iniligpit ko kaagad yung tent. Nagmadali ako bago pa man may makakita sa aming ibang staff dito.

“Oi bakit may mga nakapasok na dito? Sarado pa tayo ah”

Aish! Patay na, may guard. Malaking mama, di ko kaya to. Waah makukulong ako or worse baka pagbayarin ako. Aish. Aish.

“Natatandaan ko kayo ah kayo yung pumasok kahapon dito”

Paanong di kami matatandaan ni manong guard e binelatan sya ni Summer kahapon kasi daw pangit sya.

“Aah e hayaan mo na sila Gabo. Naligaw lang yang mga yan.” – Manong

“Anong hayaan? Di pepwede yan, dalhin na yan sa office. Sabi ko na nga ba at parang di ko sila nakitang lumabas”

Naku yan na nga ba ang sinasabi ko.

“Ezekiel Jan”

Aish bakit pa sinabi ni Summer ang pangalan ko.. Nilingon ko sya at nakita kong nakaayos na lahat ng gamit nya at suot na din nya yung bag nya. Nginitian nya ako, Aish hindi ngayon ang oras para magpacute sya sa akin. Ano ba naman yan.

“Takboooooooooooo!!!!!!!!”

Pagkasigaw nun ni Summer ay kumaripas sya ng takbo. Tiningnan ako ng masama nung guard. Patay na. Bahala na. Kumaripas na din ako ng takbo.

Chasing HeavenWhere stories live. Discover now