Chapter 5 : Ferris Wheel

69 1 0
                                    

*toktoktoktok*

Aish. Ang aga aga. Sinong istorbo naman kaya to?

*blag*

Si Summer ba yun? Anakngpusa! Agad akong nagsuot ng tshirt at binuksan ulit yung pintuan. Nakasimangot sya at direchong nagmartsa papasok ng apartment ko.

“Bakit andito ka? Kasama mo si Rian?” nagpasilip silip ako pero wala namang ibang tao sa labas. Aish. Pano naman kaya nya nalaman kung saan ang bahay ko.

“Aish wag mong pakialaman yan”

Nag ligpit ako ng kalat ng wala sa oras. Ano ba naman yan. Ibinato ko lang lahat sa loob ng kwarto ko.

“Wala ka bang pagkain?”

Aish. Pumunta ba sya dito para makikain? Syempre ako namang uto uto, nagluto. Aish ang bagong pamili kong bacon at ham sa babaing ito mapupunta.

“Aish lumabas ka dito. Kwarto to ng lalaki. Summer naman!”

“Ang panget ng kwarto mo”

Ha. Ha. Ha. Pasensya ka na ha, hampas lupa lang ako.

“Lumabas ka na dun. Magpalobo ka dun ng bula.”

“Aish sabi ko lumabas ka. Wag kang humiga sa kama ko. Naku naman, asan na ba cellphone ko”

Isusumbong ko na lang kay Rian tong ate nyang may toyo sa ulo. Aish chekop. Ano ba naman yan.

“Magbihis ka. May pupuntahan tayo”

“Kung magsasayaw na naman tayo sa mall, mag isa ka na lang.”

Bigla syang lumuhod sa harapan ko. Aish! Baliw talaga. “Ano ba naman Summer!”

“Sabi mo sasakay tayo ng ferris wheel”

Aish. Nagulo ko ang buhok ko sa sobrang inis sa kanya.  Bigla naman syang tumayo ulit at humiga sa kama ko.

“Aish oo na! Pupunta na tayo, wag ka lang mahiga dyan. Nam—“

What the hell. Bigla na lang nanghalik ang babaing yun. Aish. Mas lalo kong nagulo ang buhok ko. Makaligo na lang.

Binuklat ko ang wallet ko. Ang huling apat na libo ng buhay ko. Ha. Ha. Ha.

Andito na kami sa Enchanted Kingdom.  Ang daming tao. Si Summer nakasuot ng putting bestida, ok na sana kaya lang may suot pa syang pakpak.

Nauna na sya pagkapasok na pagkapasok namin. Hindi naman sya masyadong masaya? Una naming sinakyan yung barkong parang tanga. Anchors away daw. Enjoy na enjoy sya samantalang ako masusuka na. Aish ano bang masaya sa ganito.

“Gusto ko ng sumakay dun”

“Magintay ka kita mo ng may pila eh” Isang oras na yata kami nakapila makasakay lang sa space shuttle na yun

“Aish tumayo ka nga dyan”  Parang bata, naku naman talaga. Nakasimangot pa sya

“Sige na sumakay na tayo dun”

“May pila nga di pa pwede dyan, sa iba na lang tayo sumakay.”

“Eeeeeeeeeeh gusto ko dun”

Aish. Nakakahiya na pinagtitinginan na kami. Itinayo ko sya pero umuupo pa din. Aish kahit kailan. Itinayo ko na lang ulit pero bigla syang umakbay sa balikat ko.

“You’re  my horse” Nakangiti nyang sabi sa akin.Pumunta sya sa likuran ko at Inilagay nya ang dalawang braso sa leeg ko.

Nasasakal ako pero hinayaan ko na lang kesa naman umupo sya. Magaan lang naman kasi sya, para tuloy lalo akong kabayo na nakasabit sya sa likuran ko. Aish. Nagngingitian na lang sa amin yung mga kasunod namin sa pila. Pero ang gaan nya talaga..

Chasing HeavenWhere stories live. Discover now