Chapter 18: Hill of Wishes

54 1 0
                                    

“Oi gising na ang babaeng eng eng!” Ngumiti sya sa akin ng pilit.

“Kaya mo bang kumapit sa akin?”

“Oo naman..pupunta na ba tayo kay Marcus?”

Iba ang kinang ng mga mata nya kapag sinasabi ang panagalan na yun. Sinubukan kong gumanti ng ngiti.

“Oo dadalawin natin si kuya.”

Dahan dahan ko syang isinakay sa likod ko. Pinagmamasdan lang kami nila Rian at Tita Ellie. Mahirap pero napapayag ko sila. Kasama naman namin si Rian e.

“Teka lang..naihuli  mo na ba ako ng alitaptap?”

“Mamaya ihuhuli kita.” Hindi ko na napigilan ang luha ko. Trinaydor na naman ako mabuti na lamang at nasa likuran ko na si Summer.

“Tita Ellie aalis na po kami, maraming salamat po. Ibabalik ko din po sya mamaya bago magdilim”

“Sige Ezekiel, salamat ha. Mag enjoy ka dun ha Summer, mahal na mahal ka ni Mommy. Kahit na busy si Daddy mahal na mahal ka din nun. Mahal na mahal ka namin anak. Babalik ka agad ha”

Niyakap nya kaming dalawa.

Binuhat ko si Summer sa likod ko. Makulimlim ang panahon. Inilabas pa ni Rian ang sasakyan nya pero sabi ko wag na lang.Nagtaka pa sya nung una pero hindi na nagtanong.

“Oist san kayo pupunta? Waw. Magpipicnic? Ang—aray! Nakakarami na kayo skain ah” – Andrei

“Anong ginagawa nyo dyan sa labas?” – Rian

“Ahh dadalawin si ate Summer, miss na namin yung baliw na kumakaway kaway sa classroom eh” – Andrei

“Gago nyo talaga.” - Rian

“San ba kayo pupunta?” – Tom

Nagkibit balikat si Rian. Nglakad na ako at sumunod naman sila. Malamig ang panahon siguro kasi December  1 na. 5 buwan ko pa lang pala nakikilala si Summer. Naramdaman kong humigpit ang yakap sakin ni Summer, marahil nilalamig na sya. Pero alam ko nakangiti sya. Alam ko masaya sya.

“Andito na tayo. Oist ilatag mo nga yan dito.” - ako

“Yak pare, anong gagawin natin dito? Muka bang matutuwa kami sa damo? Ano kami kambing?” – Andrei

Babatukan sana sya ni Rian pero nakalayo agad sya. Ganun din ang reaksyon ko ng una akong pumunta sa lugar na to. Hindi ko pwedeng ibyahe si Summer pero siguro pwede naman sya dito. Iniupo ko sya sa latag ni Rian. Si Rian bumalik para kunin yung kotse nya, ipaparada n lang daw nya sa malapit.

“Ate Summer, magaling ka na ba?” – Andrei

“Masaya” – Summer

“Aish labo mo talaga kausap. Ano bang meron sa lugar na to ha? Kwentuhan mo naman kami—aray! Bakit ba lagi nyo akong binabatukan nakakainis na tong storyang to ah.” – Andrei

Buti na lang kasama namin si Andrei, ang kulit talaga ng isang to. Napatawa nya si Summer. Hinawakan nya ang kamay ko. Ngumiti lang ako.

“Sige na kwentuhan mo na kami” - ako

Gusto kong bawiin yung sinabi ko pero di ko din naman kaya. Pumwesto na naman sya sa pagitan ng hita ko at sumandal sa dibdib ko.

“Hmn okay magkwekwento na ako.  Itong lugar na to ang pinagtataguan ko kapag magkaaway kami ni Marcus. Ahh pero hindi pa ganito yun..maganda to dati..mas madaming puno. Park to. Alam nyo ba tawag namin dito? Hill of Wishes.”

“Baduy pala yung kuya ni Kiel no? haha” – Andrei

“Aish di ka pa sawa mabatukan? Magkwento ka na lang ate, tamang tama andyan na si Rian” – Tom

Chasing HeavenWhere stories live. Discover now