Chapter 15

51 1 0
                                    

*pak*

Isang malakas na suntok ang dumapo sa kanang pisngi ko. Masakit pero wala ng mas sasakit pa sa nalaman ko.

Bata pa lang ako, si kuya na ang magaling. Sya lang ang matalino. Sya lang ang paborito ni papa. Ipinadala pa nga nila ako sa probinsya sa lola ko para alagaan pero si kuya kasama nila. Tanggap ko na naman yun eh. Tanggap kong wala kong silbi kay Papa pero pinipilit ko. Ipinagpatuloy ko ang pangarap nya para kay kuya  kaya nga andito ako ngayon sa school na to. Pero bakit pati si Summer kanya din? Bakit hindi nya sinabi sa akin na sya ang girlfriend ni kuya Marcus. Yung nangyari sa amin kagabi? Wala lang ba yun sa kanya? Ginago lang ba nya ako? Pinaglalaruan lang ba nya ako? Limang taon na simula ng mamatay siya, mahal pa ba nya si kuya? Kaya ba umiiyak sya kapag hinahalikan ko sya?  Kaya ba nya ako nilapitan kasi kamukha ko sya. Si Summer lang ang gusto ko. Si Summer na lang ang meron ako, bakit sya pa ang girlfriend na naiwan ni kuya.

“Gago ka pare! Sinabi ko sayo wag mo pababayaan si ate Sum—*pak*”

Gumanti ako ng suntok. Galit ako. Galit na galit ako. Nabagsakan nya ang mga upuan.

“Pare minsan lang ako umasa sayo, alam mo ba—“

“Shut up. Alam mo diba?” Tiningnan ko sya ng masama. Gusto kong mambugbog. Gusto kong isuntok itong mga kamay kong  parang manhid na.

“Alam mong sya ang girlfriend ng kuya ko diba?” Sa reaksyon pa lang nya alam kong tama ako. Ginago din pala ako ni Rian. Pumayag syang gawin akong laruan ng ate nya. Pamalit sa kuya ko. Taga aliw nya. Tangina.

“Si—“  - Rian

“Tangina!” putol ko sa kanya “Wag na wag mo akong kakausaping gago ka”

“Pare pag usapan natin to” – Andrei

“Tanggalin mo yang kamay mo sa balikat ko kung ayaw mong madamay ka”

Umalis na ako. Tumakbo. Hindi ko alam kung san ako pupunta. Minsan lang ako nagmahal olats pa ako. Tangina. Bakit lahat na lang kay kuya, wala bang para sa akin?

“Pare’ ikaw pa talaga nagyaya ah at nanlibe nito lahat, anong meron?” – Andrei

“Wala, Sorry nung nakaraan pare, mainit lang talaga ulo ko”

“Yown pare sus wala yun. Si Summ—aray!” - Andrei

“Daldal mo talaga! Oi pre gustuhin man kitang damayan dyan sa pagluluksa mo e may klase ako bukas ng maaga” – Tom

“Ako din pare eh, pasensya na pwede nextym?” -  Andrei

“Sige ayos lang.” Buti na lang wala akong sched bukas

“Pre’ si Rian ilang araw ng—nevermind. Basta pare andito lang kami” – Tom

“Bye pre. Kaya mo yan” – Andrei

Kinawayan ko na lang sila habang papalabas sila ng apartment ko.

*toktoktok*

“Ui pre may kapalit na pala kami e” – Andrei

Si Rica lang pala.

“Si Rica pala, si Andrei at si Tom classmates ko”

Nagngitian lang sila pagkatapos ay binigyan ako ng kakaibang ngiti ni Andrei at umalis na.

“Ahh e nagdala lang ako ng pagkain” – Rica

“Salamat.” Walang emosyon kong sabi

“Ah may problema ka ba?”

“Wala naman. Sige ah salamat dito”

“Ah..uh.sige mauuna na ako. Wag ka sana masyado uminom masama kasi yan eh.”

Ako na ang gago. Hinayaan ko lang syang umalis na, mas gusto ko talaga mapagisa. Sabi nila pag uminom ka daw malilimutan mo lahat ng problema mo, ginagago din pala nila ako eh.  Ilang araw ng di pumapasok si Rian, si Summer di ko na nakita pa ulit. Akala ko mas madaling hindi ko sya makita pero wala e, mas masakit. Gustong gusto ko syang makita kahit na galit na galit ako sa ginawa nya sa akin. Ah siguro nababaliw na talaga ako. Sana malasing ako agad. Sana makalimutan ko kaagad tong nararamdaman ko.

*toktoktok*

Si Rica na naman. Kung sa katulad nya lang sana ako nagkagusto e d wala akong problema. Bakit ba ganun, bakit mas gusto kong masaktan.

“Ok la—“

“Ezekiel Jan!”

There she is. Showing me that smile again. Parang walang nangyari. Parang hindi ako nasaktan. Gusto ko syang yakapin, ipakita sa kanya na akin na sya, na hinding hindi ko sya pakakawalan. Na limang taon ng patay si  kuya, hinding hindi na nya maagaw si Summer sa akin. Gusto ko syang angkinin, ikulong sa braso ko, parusahan sa sakit na nararamdaman ko. Gusto kong marinig na mahal na nya ako.

“Galit ka ba?”

Ha. Galit ba ako? Kinapa ko ang dibdib ko, galit nga ba ako? Dahil sa hindi nya sinabing ex sya ng kuya  ko o dahil sa nakita ko sa mga mata nya ng makita nya si mama.. Na pagkatapos ng limang taon,

“Wag ka na namang magalit oh, gusto ko kasing mapunta sa heaven.”

Wala man lang ba syang awa sa akin. Tinalikuran ko sya, mas mabuti nga siguro na di ko muna sya makita at marinig.

“ Please, baka hindi na ako makapasok dun. Andun pa naman si Marc—“

“Summer!! Summer okay ka lang?”

Agad kong nasalo si Summer. Nawala ang tama ng alak na ininom ko.  Mainit sya pero mas mainit ang pakiramdam ko. Ng mga mata ko. Kailan pa ako naging iyakin ng ganito? Tangina. Kailan ko pa sya minahal ng ganito? Talo ako.. Talong talo ako sa labang ito.

Chasing HeavenWhere stories live. Discover now