Chapter 9: Fireflies

49 1 0
                                    

“Pre, si Sum—“

Summer. Alam ko. Nagmadali agad akong lumabas, nakahanda na ang lollipop. Aish, ayokong mangiti sa harap nya. Ano bang gagawin ko sa sarili ko?

“Oist lollipop mo”

Kinuha naman nya..aish nahawakan ko ang kamay nya. Dyahe naman. Tatalikod na sana ako, baka makita pa nyang napapangiti ako eh kaya lang mga gagong tropa ko naman ang nakasilip sa likuran ko. Aish, mga tsismoso talaga.

“Sunduin mo ako sa Friday.”

“Ha? Bakit?”

Aish tingnan mo yun at tinalikuran ako. Friday? Aish magdedate ba kami?

“Ah magdala ka nga pala ng garapon. See yah”

What the hell. Ano na naman kayang plano ng eng eng na yun. Garapon? Aish anong gagawin namin sa garapon. Kumaway kaway pa sa akin si Summer mula sa malayo. Aish ano ba naman kung magdala ako ng garapon. Garapon lang naman eh. Hehehe. Anong araw na ba? Kelan ba ang Friday? Aish!

Hindi naman sinabi ni Summer kung anong oras ako pupunta sa kanila kaya ayun ewan ko ba kung bakit atat ako at ang aga aga ay dumirecho na ako sa kanila.

“Oist Summer dala k—“

“Takbo daliiiiiiiii!!” Anong nangyayari? Bakit tumatakbo si Summer sa hagdanan. Aish naman baka madapa sya.

Mabilis na nakalapit sa akin si Summer, may suot syang backpack, at isa pang bag na hila hila. Kinaladkad nya ako palabas ng bahay nila..

 “Ateeee!” Si Rian sumisigaw mula sa second floor ng bahay nila, nakita ko syang gumagapang o ewan ko kung anong ginagawa nya at nakahiga sya sa sahig. Anong nangyayari? Hindi ba sya makatayo?

“Takbo dali!” Ibinigay sa akin ni Summer yung bag na hila hila nya at sabay na tumakbo. Hindi ko alam pero tumakbo na din lang ako. Aish sorry pareng Rian. Diredirecho kaming lumabas ng bahay nila, tumakbo kami hanggang sa palabas ng village.

“Teka bakit tayo tumatakbo?” Napahinto ako, malayo na natakbo namin. At isa pa ano bang laman  ng bag na to at sobrang bigat naman ata.

“Sasamahan mo ko” Nakangiting sagot sa akin ni Summer

“Saan? At saka anong nangyari dun kay Rian?”

“Dala mo ba ung mga garapon?” Aish ayan na nmang garapon na yan. Anong kaugnayan nun sa tinatanong  ko? Naman!

“Oo” Aish bakit ba nagdala ako ng garapon talaga. Ang mahal mahal ng garapon na to naku ibinili ko pa naman sya ng pinakamagandang garapon. Aish ilang pagkain ang di ko kakainin.

“Okay. Tara na!”

 “San ba tayo pupunta?”

 “Baguio”

“Haha nagpapatawa ka ba?”

Ha. Ha. Ha. Baguio. Takte ano bang kagaguhan ang pumasok sa utak ko at pumayag akong pumunta kami sa Baguio. Aish ang gastos gastos na, ang tagal pa ng byahe. Halos mamatay ako sa daan na sobrang paliko liko at tarik samantalang tuwang tuwa naman si Summer. Ang bagong padalang allowance sa akin, paalam sayo mahal kong pera.

“Masaya ka na? Nalibot na natin lahat ng gusto mong libutin, nalamigan ka na. Umuwi na tayo baka sagasaan ako ng kapatid mo” Inis akong napasulyap sa relo kong suot. Aish gabi na, magsasara na tong park na pinasukan namin.

“Ano na naman ba y—“

Hinigit ako ni Summer patago sa likod ng isang mayabong na halaman. Ano na naman kayang kabaliwan ang gusto nito?

Chasing HeavenWhere stories live. Discover now