Chapter 7: Stars

54 1 0
                                    

Apat. 4 na plates pala ang kulang ko. Kaya naman pinatawag ako ni Sir Ortega  para ayusin yun kundi ibabagsak daw nya ako. Aish buti na lang kung sa ibang prof un malutong na 5 agad ang katapat ko. Si Summer kasi eh. Aish!

“Wag ka ng lumapit pa sa kanya! *pak*”

Woah may nag aawayan sa tabi ng faculty.

“Tigilan mo na nga yang pagpapacute mong babae ka. *pak*”

Hindi ko na lang tiningnan, ayoko ngang makakita ng nagsasampalang babae.

“Summer, hindi lang yan ang aabutin mo s akin pag di ka umayos babae ka”

Agad akong napalingon ng marinig ko ang pangalan ni Summer. Aish sya nga!

“May problema ba dito?” – ako

Inirapan ako nung dalawang babae at umalis na. Nakatayo lang si Summer at nakangiti. Aish baliw talaga, sinampal na nakangiti pa. Hindi na lang ako nagtanong. Dyahe.

“Bili mo ko lollipop. Strawberry and cream. See yah”

Akmang aalis na sya ng hinawakan ko sya sa braso. Aish! Bakit ba sya inaaway ng mga babaeng yun. Niyakap ko na lang sya bigla.

“May nagalit na naman sa akin. Sa tingin mo ba mapupunta ako sa heaven?”

Aish. Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko. Bakit ba pag nagsasalita sya parang sumasakit ang dibdib ko.

“San ba tayo pupunta?”

He. He. He. Nauto na naman ako ni Summer. Ang plates ko. Mukhang pagpupuyatan ko na lang mamayang gabi. Aish bahala na.

Kanina pa kami lakad ng lakad, akala ko sa bahay nila kami tutuloy pero pagtigil sa tapat ng village nila, umikot kami sa likuran at dumaan sa damuhan.

Hindi pa pala fully renovated yung likod ng village nila, puro damo lang at konting puno.

“Tadaaa!!” Sabi nya pagkaakyat sa tuktok ng maliit na burol ba to o tambak ng lupa? Ah ewan. May isang malaking puno dun.

 “Anong gagawin natin dito? Aish aish anong ginagawa mo?”

Aish nahubad na nya ang polo ko at inilatag saka inupuan. Haiszt dudumi masyado, sayang sa sabon.

“Anong gagawin natin dito?” ako sabay upo din

“Basta mag intay ka na lang”

Aish ano pa nga ba magagawa ko. Tiningnan ko yung pisngi nya, mapula pa din. Naku naman oh, bakit ba sya nagpapasampal.

“Oist bakit ka inaaway nung mga babae kanina?”

“Ah yun ba? Nilapitan kasi ako nung Gorilla.”

“Boyfriend mo ba yun?”

“Haha isa lang ang boyfriend ko no.” Nakaramdam ako ng inis

“Sino naman?” Tiningnan nya lang ako

“Clue.” Nginitian ko sya ng pilit kahit nababadtrip ako

“Buenavista.”

“Aish ano bang pinagsasasabi mo!”

Di ko na ulit sya tiningnan. Aish nababaliw na talaga. Ako lang naman ang kilala nyang Buenavista. Aish. Nagulo ko na lamang ang buhok ko.

“Matagal pa ba yung iniintay natin?”

Naiinip na kasi ako. Hapon na at nakaupo lang kami dito sa burol na to. Wala namang tanawin kundi damo, Aish ano ba tingin nya sa akin? Kambing? Naman talaga oh

“Summer, ayan na. Sunset na!”

“Bakit ko naman iintayin ang sunset?”

Aish ano ba namang babae to. Yun yung napapanuod ko e, hindi ba sunset? Ano kayang iniintay namin dito. Aish. Madami ng lamok mamaya magkadengue pa to. Aish.

“Summer, madilim na pano na tayo uuwi.”

“Wag kang magulo, ayan na yung iniintay ko.”

“Asan?”

Hindi sya sumagot bagkus itinuro nya ang isang star. Inintay namin star? Aish pakawirdo.  Isinandal nya lang ang ulo nya sa balikat ko. Aish bakit ganun pakiramdam ko?

“Oist wag kang humiga dyan, mamaya may higad dyan”

Hindi nya ako pinansin at nahiga na ng tuluyan sa damuhan. Aish, bakit kahit madilim e nakikita ko pa din ng maliwanag ang mukha nya. At ano bang meron at lagi nyang itinataas ang kamay nya. May inaabot ba syang di ko nakikita?

“Malapit na tayong magkita..”

“Pinagsasabi mo”

Aish! Eng eng talaga. Hinayaan ko na lang. Parang kahit dito na lang kami hanggang bukas parang.. okay lang?

Tiningan ko ang relo ko, alas 8 na.

“Oist Summer, uwi na tayo. Summer—“  Sinilip ko ang mukha nya. Aish tulog na.

“San kayo galing?” – Rian

“Pre’ eto kasing ate mo eh”

Kinuha nya mula sa akin si Summer, isinakay ko lang naman sya sa likuran ko at inilakad hanggang sa kanila.

“Pre’ salamat sa pagahatid kay ate Summer” – Rian

“Ok lang yun pre’ uwi na ako ah”

Akmang tatalikod na ako ng magsalita si Rian.

“Pre’ wag kang maiinlove kay ate”

“Sus, di yun. Sige na pre”

Aish bakit ba ako kinabahan bigla. Bahala na nga.

“Pre yung fan mo kaway ng kaway sa labas” – Tom

Kahit na may 4 na plate akong tinatapos e di ko natiis at nilabas ko si Summer. Aish uto uto talaga ako.

“Strawberry and cream?” ewan ko ung bakit ko pa tinatanong e alam ko namang yun lang ang kailangan nya. Kinapa ko yung bulsa ko, Aish wala nga pala akong nabili.

“Sandali lang ah bibili lang ako”

“Eto oh”

“Binibigyan mo ako ng lollipop?”

Parang di makapaniwalang tanong ko sa kanya. Ngumiti lang sya ng malapad at isinubo sa akin yung lollipop.

“Aish di nga ako kumakain ng matamis e”

“See yah”

Aish. Wirdong babae talaga. Eng eng kahit anong gawin ko. Naku! Yung plate ko!

“Pre’ binully mo si ate? Bakit kinakain mo yang lollipop nya?” – Andrei

“Wag mong sabihing naisubo na nya yan? – Aray naman!” – Tom

“Gago ka kasi eh. Wag na lang kayong magulo kita nyo ng busy”

 “Busy daw” – Andrei, Tom

Di ko na lang sila pinansin. Aish bakit ko ba kinakain tong lollipop na to, muka akong tanga. Pero bakit napapangiti ako. Aish sorry pareng Rian, nagkakagusto na ata ako sa ate mong may toyo sa ulo.

Chasing HeavenWhere stories live. Discover now