Chapter 15 ♡

1.7K 80 3
                                    

Jungkook's POV

Sh*t. Paksh*t talaga. Ano bang ginawa ko? Anong bang sumapi saken at nagawa ko yun? Nakakainis. At ano na namang iisipin ni So Nyeol? Galit sya saken. Obvious ba? Ayaw nya nga akong kausapin. Lumalayo sya paghahawakan ko. Obvious pa ba para saken ang lahat?

Nakakag*go. Langya. Kung pwede lang bawiin ang nagawa ko. Pero hindi. Isang malaking pagkakamali ang masapak ko si Cristian.

Pero bakit hindi sya lumaban? Kahit na mukang galit sya. Hindi pa rin nya magawang manapak. Pangiti ngiti pa.

Bakit?

Mahal ba nya si So Nyeol? Sila na ba? Mahal din ba sya ni So Nyeol? Ano ba sya sa buhay ni So Nyeol?

Ughh! Nakakafrustrate. Anong gagawin ko? Bwisit. Bwisit.

"Uyy." tawag sakin ni Jin. Nasa labas ako ng Dorm. Umiinom ng beer. Pero don't worry. Dalawa lang naman binili ko. In can pa.

"Inom tayo." sabay abot ko nung isa. Tinanggap at binuksan naman nya.

Gabi na rin. May mga bituin na naman sa langit. Ang kinang nila tila'y walang kaproble-problema. Ang dami nila.

Pero kahit anong libang ko sa sarili ko. Langya. Di ko magawa. Iniisip ko pa rin sya. Si So Nyeol.

"Good friends are like stars. They are so far away, but you know they are always there to give a twinkle during your darkest days. Like us. Me." sabay ngiti nya saken.

"I know. Thanks Hyung." sabay tap ko sa balikat nya.

At least. May mga tao palang nakapalibot saken na di ako hinuhusgahan. Sila, kahit anong gawin kong kag*guhan. Anjan sila para makinig sa paliwanag ko.

In this case, di pa nga ako nagkakapag-explain. Naniniwala na sila. How lucky I am?

They believe me. Thanks to them.

"If you don't stand for something you will fall for anything." sabi nya na agad akong napalingon. "Bakit mo sya sinapak?"

"I. I don't know. It just happen. Nung nakita ko sila sa parking lot. Nagblur ang paningin ko."

Oo, totoo. Nagdilim ang paningin ko ng makita sila.

Nauna kasi ako nun umalis sa Resto. Andun sila nagbabayad. Ng makarating ako dun, nakita ko naman si So Nyeol na nakalean sa kotse. Nagtago ako sa may halaman. Para di ako makita. Nakita ko naman si Cristian na sobrang bagal maglakad.

Nagsalita naman si So Nyeol ng makarating si Cristian. Ngumiti pa. Ang mga ngiting yun. Tumayo naman si Cristian sa harapan nya at namulsa.

Maya maya pa may kumalabit sa likod ko. Dumating na pala sila Jin. Tumingin naman uli ako sa dalawa. Unti unting naglelean si Cristian kay So Nyeol. And they kissed. Ewan ko kung anong nangyari. Next thing I knew. Nakabulagta na si Cristian sa sahig at may dugo sa labi.

Galit saken si So Nyeol. What will I do?

"Maling mali ka." sabi ni Jin na agad ko namang sinang-ayunan.

"I know. Pero... may magagawa ba ko? Nangyari na. Problema na lang ay... pano ako mage-explain kay So Nyeol. Galit sya. Malamang magagalit." napatawa naman ako sa sarkastikong paraan.

"Wala ka naman dapat e-explain. Kasi bakit pa?"

"Pero. Kaibigan ko sya. Iniisip ko rin naman ang nararamdaman nya."

"Kaibigan? Talaga?" tumingila naman sya sa langit at ngumiti. "Bakit mo nga ba sya sinuntok? Dahil lang na sa nagblur ang paningin mo?" agad naman syang napatingin saken.

Loving Him (Jungkook / BTS Fanfiction) -REVISION- Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon