So Nyeol's POV
Pumunta muna akong library para tapusin ang assignment ko. May two hours break kami. Wala kasing teacher sa isang subject namin.
Kaya heto ako. Nag-a-ala-Shine. Naghahanap ng libro. Once in a blue moon ako napupunta dito. Bukod kasi sa *ehem* boring dito, may internet naman kasi. Kaya dun na ko nag-re-research. Kaso nga, dahil may nakalimutan akong i-research. Ito! Taghanap.
"San na ba yun?"
Kanina pa ko hanap ng hanap ng libro na yun pero di ko mahanap. Asan ba yun? Naglibot libot pa ko ng unti. Tingin. Hanap. Tingala. Hanap.
"Ayun." bulong ko.
Sa wakas. Nahanap ko din. Kaso mataas. Hinanap ko naman ang ladder. Kaso gamit pala. Bakit isa lang ang ladder dito?
Malay ko. Once in a blue nga lang ako pumunta dito e.
Dahil di ako katangkaran.
Ay mali!
Talagang mataas lang ang shelf. Tumingkayad ako para maabot ko. Pero wala. Try pa isa. Kaso fail. Halos maputol na ang braso ko kaso wala pa rin.
Tumungtong ako sa may shelf. Siguro nasa pangatlo na ko naka tungtong. Pangatlong hilara mula sa baba. (Intindihin nyo na lang. Basta doon.)
Nang makuha ko na, tuwang tuwa naman ako. Dahil sa tuwa ko napabitaw ako sa hawak.
This is what we called 'Because of katangahan incident'
Napapikit na lang ako at naghihintay ng sahig. Kaso imbes na masakit at malamig na sahig ang maramdaman ko, iba e. Feeling ko dalawang pares ng kamay.
Yata?
Malay ko ba kung ano yun.. nakapikit nga kasi ako di ba?
"Ayos ka lang?" napadilat naman ako at nakita si Jungkook na may pares ng mata na wari'y nag-aalala.
Gusto kong magsalita at magpasalamat. Pero walang nagtatakang lumabas na words sa bibig ko. Masyado akong malapit sa kanya na halos rinig ko na ang kabog ng dibdib nya. Napilipit ang dila ko. Pati na rin yata ang pagkatao ko.
Ramdam ko naman na itinayo na ko ni Jungkook. (Langya! Baka nabigatan sya saken. Grabe. Binuhat nya ko. Hayy..)
"Ayos ka lang ba talaga?" tanong nya at muka atang chinecheck ako.
"A.ayos lang." sa wakas may lumabas din na words.
Bigla ko naman hinanap ang libro. Nakita ko naman sa sahig. Nahulog ata. Yuyuko na sana ako para kuhain ang libro kaso yumuko din sya. Napahawak sya sa kamay ko. Napaharap naman ako sa kanya.
At shocks! 1 inch lang ang layo namin sa isa't isa. Mas lalong malapit kesa dun sa buhat buhat nya ko. Feeling ko lahat ng dugo ko napunta sa muka ko.
Jusko po. Ano pong ginawa kong mabuti at ginagawa nyo saken to? Kung ano man po yun, please po ipaalam nyo saken. Promise gagawin ko lagi.
Oo, KINILILIG AKO. SOBRA. Pwede umiyak?
"Salamat." agad ko namang kinuha ang libro at tumayo.
Spell awkward.
"Okay lang." napahawak naman sya sa batok at nakita kong namumula rin.
Pwew! Pinagpapawisan ako. Malamig naman. Grabe, hoh!
"Ano." sabay naming sabi. Nagpalingon lingon na lang samantalang sya napahawak na lang sa batok.
"So Nyeol / Jungkook." parehas na namang tawag namin sa isa't isa.
"Quiet please!" sigaw ng librarian. Napa 'sshh' naman kami. At napatawa na lang mg mahina dahil sa inaasal namin.

BINABASA MO ANG
Loving Him (Jungkook / BTS Fanfiction) -REVISION-
Fiksi PenggemarMinahal ko sya mula sa malayo. Mas minahal ko sya ng maging akin sya. Ngunit.. Paano kung may hihigit pa saken. Hihigit, hindi sa pagmamahal kundi sa POSISYON. Posisyon na alam kung wala akong binatbat. Ipagpapatuloy ko ba ang pagmamahal ko sa kanya...