A / N : This chapter is dedicated to @LesterArga31 and @JendraBendita. Thank you for voting.
-
So Nyeol's POV
Isang buwan na ang nakakalipas ng marelease ako from the hospital. Isang araw lang naman ako dun kasi nga ayaw ko dun tsaka ayos na rin naman ako. Isang buwan na rin ang nakakaraan ng mag Final exams kami. And praise God, nakaraos rin. Malapit na rin ang Graduation namin. Ang bilis ng panahon.
"Hey Frenny." bungad saken ni Ji Yoon sa locker room.
"Hi." bati ko sa kanilang dalawa.
"Finally, tapos na klase." sabay sara ng locker ni Ji Yoon.
"Mami-miss ko ng sobra ang Highschool life." sabi ko naman.
"Oo nga e. Pero ika nga nila, Life must go on."
"Kaja. Drama nyo." singit ni Sinag tsaka kami naglakad papuntang room. Di na lang namin sya pinansin tsaka sumunod sa kanya.
Si Shine ang naging Valedictorian ng batch namin. At last, sya rin ang nanguna. Sa huli, sya rin pala. Si Shine din ang nanguna sa Final exams. At biruin mo yun Ji Yoon got the 7th place and me on the 8th place. Pero yun nga, over all grades ang kinuha kaya si Shine pa rin ang nanguna. At least, sya. Hahaha.
Pagkarating namin ay agad din kaming umupo. Nagcellphone na lang ako. Pero nagtaka ako ng bigla tumahimik ang room tsaka biglang umingay.
"Kyahhhhhhhhhhhh." tilian yan ng mga babae.
Di ko na lang sila pinansin kasi normal naman yan sa kanila. Tinuloy ko na lang ang ginagawa ko.
"Hindi mo man lang ba ako titingnan?" napatigil ako sa pagpindot pati rin ata ang pagtibok ng puso ko tumigil.
'That voice.'
Unti unti akong napatingala at halos lumuwa ang mata ko sa nakikita ko. Pitong lalaki. Pitong 'sikat' na lalaki. Matagal ko rin di sila nakikita. Pero ang mas naka-agaw ng pansin ko ay ang taong nasa harapan ko.
Unti unti akong tumayo, di alintana kung naka nganga man ako. Kung muka man akong tanga sa harap ng mga kaklase ko. Kung muka man akong baliw dahil sa unti unti kong pagtayo. But, who cares!
Hindi ba pwedeng magulat kasi may pitong lalaki bigla na lang susulpot sa harap ko. Tapos itong isang lalaking to parang cool na cool pa. Nakashade pa ang loko.
"Don't you miss me?" sabay tanggal nya ng shades.
"Kyahhhhhhhhhh." tilian ulit ng mga kaklase ko. Di ko mawari kung kinikilig ba sila o anytime ay susugurin na nila ako dahil sa pinagsasabi ng idol nila saken.
Pero, Hala ka! Anong sasabihin ko. Yes, I missed you. O kaya naman No! Why would I? Kapal naman ng peslak mo.
After ng pag-uusap namin sa hospital ay di na sya ulit ng nagpakita. Ni Ha ni Ho, wala na akong narinig. Di ko na sya nakita, kahit anino nya wala. Oo, masakit. Kasi nag-assume ako na magiging masaya na kami. Kasi nagawa na nya ang mga signs ko.
Pero akala ko lang pala. Nag-assume ako e. Wala, ako rin ang tanga sa huli. Naghintay ako ng isang buwan sa kanya pero nabigo ako. Akala ko napagod na sya. Akala ko meron ng iba. Kaya nagdecide ako na unti unting mag move on. Pero ganun pa rin. Bawat galaw ko naaalala ko sya. Nakaka letche lang.
Ramdam ko ang pagngilid ng luha ko pero pinipigilan ko ang sarili ko. Ayokong makita nya ko ng ganto. Baka akalain nya na patay na patay ako sa kanya. Yuck!
![](https://img.wattpad.com/cover/20755380-288-k813737.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving Him (Jungkook / BTS Fanfiction) -REVISION-
Fiksi PenggemarMinahal ko sya mula sa malayo. Mas minahal ko sya ng maging akin sya. Ngunit.. Paano kung may hihigit pa saken. Hihigit, hindi sa pagmamahal kundi sa POSISYON. Posisyon na alam kung wala akong binatbat. Ipagpapatuloy ko ba ang pagmamahal ko sa kanya...