Chapter 34 ♡

1K 30 3
                                    

So Nyeol's POV

Pumasok ako sa bahay nila Ji Yoon ng may ngiti sa muka. Actually, hindi naman nawala ang ngiti ko kanina pa. Haaaay! I am really in love. Isn't it?

"Yieee! Nami-miss ko na agad ang labs ko." Ungot ni Ji Yoon na kasalukuyang nakasalampak sa sofa.

"Ngek! E kakakita nyo lang, di ba?"

"Syempre iba naman yun So Nyeol. Kahit na kakakita lang namin e nami-miss ko na agad sya."

"Teenager ang peg?"

Nilagay ko naman sa sink ang mga tupperware na pinaglagyan ng pagkain kanina. Di ko naman alam na sinundan pala ako ni Ji Yoon sa kusina. Kumuha na lang ako ng juice na in can para mainom namin.

"Walang teenager teenager sa love. Basta in love, in love!"

Napangiti na lang ako. Binigay ko sa kanya ang juice at naki-upo rin sa stall. Di bale nakaharap ako sa kanya.

"Bakit So Nyeol?! Di ka ba masaya na nakita mo ang Jungkook mo? Dapat nga e kinikilig ka na ngayon."

"Syempre masaya. Sino bang hindi?"

"Yieeee! Yun pala e. Bat hindi mo na lang ako samahang kiligin."

Napatawa naman ako. Muka kasi syang teenager kung kiligin. Namumungay ang mga mata nyang habang nagkukwento kung anong nangyari sa kanila kanina. Mula sa simpleng hug, kiss sa cheek at kahit yung pagtawag sa kaniya ng 'babe' hindi nya pinalampas. Kinikilig talaga sya. Sabagay, kahit ako rin naman ay walang paglagyan ng kilig. Hindi lang siguro ako sanay na mag-share ng kilig moments ko. Pakunti kunti, siguro masasanay rin.

"E kayo? Kumusta, huh?"

Napatigil naman ako sa pag-inom at napatingin sa kanya. Ano nga bang nangyari kanina?

"Sabi nya mas masarap daw ako kesa sa pagkaing dinala natin." Wala sa sarili kong sabi. Nanlaki naman ang mata ko ng ma-absorb ko ang masabi ko.

"Jjinja?! Sinabi nya yun? Ayiiiiiiie. Kinilig ako sa hirit na yun. Biruin mo, masarap ka daw. Haha." Pinagdiinan nya pa talaga ang 'masarap ka daw'. Nakakahiya!

"Tss. Pervert sya!"

"Pervert? Hindi pervert yun. Pagmamahal yun." Sabay taas baba nya ng kilay nya.

"Huh? Pagmama---"

Napatigil ako ng dumating si Shine at wala sa sariling kumuha ng tubig sa ref. Pinagmasdan lang namin sya. Okay lang ba sya? Tulala sya at parang hindi alam kung anong ginagawa nya.

Loving Him (Jungkook / BTS Fanfiction) -REVISION- Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon