So Nyeol's POV
Nagsayawan at kwentuhan kami hanggang 12 ng gabi. Pinakilala ko na din ang Bangtan sa family ko. Halos naman magcollapse ang mga pinsan kong babae ng nakikipag shake hands na sila. Palibhasa mga KPOP fan din. Sila Ji Yoon at Shine naman kilala na sila ng family ko, kaya nakipagbonding na lang.
Halos 10 minutes din nag-usap sila Jungkook. Nakakapagtaka nga e. Masyado atang private. Bakit kailangan pang lumayo. At napakatagal ni lang mag-usap ha. Ano yun meeting? Wow ha.
Pero kidding aside, ng lumalim na rin ang gabi. Nagsi-uwian na rin sila. Pero bago matapos ang party, nagtossed pa kami para kala Lolo. Hindi naman mapagkakaila na kahit sosyalin ang Lola ko at sporty si Lolo kahit sa ganun edad. E sobrang mamimiss namin sila.
"Bye Hijo." kiniss naman ni Jungkook si Lola sa pisngi at nginitian sya ni Lolo.
"Good night. Have a safe flight." sabi pa ni Jungkook.
Close? In just 10 minutes, close agad? Palakpakan naman jan.
"Thank you. See you soon Jungkook."
Nagbabye na rin sila Ji Yoon, Shine at pati na rin ang Bangtan.
"Hatid ko na kayo sa labas." sabi ko. Hinatid ko naman sila sa labas. At doon nag-aabang na ang van nila.
"Bye Babes." sabat ni Ji Yoon na agad niyakap ang jowa nya.
PDA! Sakit sa mata.
"At bakit? Di ka uuwi?" maowtoridad kong sabi.
"Na-ah." sabi nya ng nagpapacute pa.
Fine. May magagawa ba ko? Lalo pa't weekend bukas.
"Una na kami So Nyeol. Bye Shine." nagsmile pa si Jin at nagwave samen. Nakita ko naman si Shine na ngumiti din.
Kaloka! May hidden din pala tong pagkatao si Shine. Nagsipasukan naman ang Bangtan sa loob. Pati na rin sila Shine pumasok na rin sa bahay. Kaya ang naiwan dito ay ako at si Jungkook.
"Thanks sa pagpunta ha. Alam ko naman na busy at pagod kayo. Pero pumunta pa rin kayo. Salamat talaga." sabi ko.
"No, it's okay."
"Nga pala. Ininvite ba kayo ni Ian?"
Sabi kasi ni Ian na may ininvite daw sya. (See chapter 17)
"Yeah. Masamang tumanggi." napatawa naman kami parehas.
"Ahmm... Alis na ko." nagnod naman ako. Tatalikod na sana sya kaso bigla ko ulit syang tinawag.
"Ano... kasi... ahm..." utal utal kong sabi. Tiningnan naman nya ako. I try to compose myself. Bumuntong hininga naman muna ako at tsaka nagsalita.
"A while ago... kasi... di ba nag-usap kayo ni Lola? Ano bang... pinag-usapan nyo?" nahihiya kong tanong.
Sorry naman. Dakila at certified chismosa ata to. Nag-uusig ang konsensya ko na magtanong.
"Ah, wala yun. Good night." hinalikan naman nya ang pisngi ko at pumasok na sa van.
Umalis ang van pero heto ako. Nakatulala at hawak ang pisngi ko. Nanginginig ang tuhod ko at feeling ko nagwawala na ang puso ko dahil sa kilig.
"Kyahhhhhhhhhhhhhhh." sigaw ko.
***
Nagising naman ako ng maaga dahil ihahatid namin sila Lolo. Sasama rin daw sila Ji Yoon at Shine. Nagbihis na ako at pumunta sa kwarto ni Ian dahil MALAMANG hanggang ngayon tulog pa yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/20755380-288-k813737.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving Him (Jungkook / BTS Fanfiction) -REVISION-
ФанфикMinahal ko sya mula sa malayo. Mas minahal ko sya ng maging akin sya. Ngunit.. Paano kung may hihigit pa saken. Hihigit, hindi sa pagmamahal kundi sa POSISYON. Posisyon na alam kung wala akong binatbat. Ipagpapatuloy ko ba ang pagmamahal ko sa kanya...