So Nyeol's POV
Matagal na rin simula ng pagtawanan namin ang sapakan at selosan. Mahigit kumulang isang buwan na rin.
Nakakatawang isipin na nasapak nya pala si Ian dahil sa pekeng kiss. Nagseselos sya dahil sa laging kaming magkasama noon. At higit sa lahat, nagawa nya ang lahat ng yan dahil hindi nya alam na pinsan ko si Ian.
Nakakatawang isipin di ba? Pero nakakatuwang isipin na ang isang Jeon Jungkook na lihim kung gusto ay nakukuhang magselos sa mga taong nasa paligid ko.
Oo, kinikilig ako. Sino ba namang hindi. Kahit sinong babae na crush ang isang lalaki. Tapos malaman nilang nagseselos yung crush nila. Sino ba namang hindi matutuwa.
Sa loob ng isang buwan, marami ng kulitan, pilosopohan, kwentuhan at tampuhan ang nangyari. Pero at least, buo pa rin ang maliit naming barkada.
"So Nyeol your spacing out." napatingin naman ako sa kaharap ko. Si Jungkook.
"Ow? I'm sorry."
Nasa canteen kami. Nagpapalipas ng oras. May practice kami mamaya maya. May event kaming gagawin sa Theather Hall.
"Tara na nga lang sa Hall." yaya ni J-Hope. Nagsitayuan naman kaming lahat at pumanhik sa 3rd floor para pumuntang hall.
Naupo kami agad. Katabi ko si Shine tapos sa kabila si Jin. Halata namang gusto ng dalawang tong magkatabi pero itong si Ms. Manang Shine, pakipot. Tss. Puputi na lang ang uwak pero di pa rin matitibag ang pusong bato ni Shine. May gamot ba sa pusong bato?
"Hi?" rinig ko sa itaas.
Si Jungkook. Kinakausap sya or rather tinatangkang landiin sya nung babae.
"Can I sit beside you?" Napalingon naman kami sa likod.
Tinuturo nung babae yung katabi ni Jungkook. Which is... nerd kung tawagin. Katabi naman ni Jungkook sa kaliwa si J-Hope, Ji Yoon at Suga. Nasa harapan naman nya ako.
"But---" rereklamo pa sana yung lalaking nerd kaso pinanlakihan sya ng mata ng kwago. Bat andaming hayop sa lugar na to?
"Thank you." nagflying kiss pa sya dun sa nerd na nakatungong umalis.
'Tss. Flirt.' isip isip.
Sabagay, di naman sya papatulan ni Jungkook. Matino naman sya e.
"Musta?" panimula nung babae.
Halata ba?! Okay sya. OKAY. Humihinga at buhay. Nakaupo pa nga sya sa tabi mo. Tapos tatanungin mo kung Okay? IKAW OKAY KA LANG.
'Okay, chill. Selos ka na naman.' bulong ng boses sa isip ko.
Niyugyog ko naman ng unti ang ulo ko para mawala. Hindi ako magseselos sa kwago na yan. Tss.
"Okay lang. Busy this past few days." halos bumagsak ako dito sa kinauupuan ko dahil sa naririnig ko.
Yayyy. Akala ko di sya papatol. Akala ko di nya papansinin. Akala ko di nya kakausapin. AKALA KO LANG PALA. WAHHH.
"Ah, oh I see." nakikiramdam lang ako kung anong nangyayari sa likod ko. Ganun pa rin. Usap sila. Tawa. Bulingan. Tss.
'Uyy~ sya selos.'
Ano ba isip. Makisama ka. Hindi ako nagseselos. Okay? Sadya lang naiirita ko sa mga flirts. Pwede naman yun a.
Akala ko titigil na dahil sa alibi ko. But I was wrong. Nagtatalo pa rin kami ng isip ko. Pwede ba yun? Pero Oo nagtatalo kami. Grabe. Halos magsapakan na kami. Wahhh, OA.
![](https://img.wattpad.com/cover/20755380-288-k813737.jpg)
BINABASA MO ANG
Loving Him (Jungkook / BTS Fanfiction) -REVISION-
أدب الهواةMinahal ko sya mula sa malayo. Mas minahal ko sya ng maging akin sya. Ngunit.. Paano kung may hihigit pa saken. Hihigit, hindi sa pagmamahal kundi sa POSISYON. Posisyon na alam kung wala akong binatbat. Ipagpapatuloy ko ba ang pagmamahal ko sa kanya...