Naghanda ng chicken adobo at carbonara si Ludwig. Paborito iyon ni Christine - ang girlfriend niya. Bumili rin siya ng pizza at ice cream para magmukhang celebration ang kanyang birthday. At syempre, hindi mawawala ang beer (para sa kanya) at wine (para kay Christine).
Lumipas ang 6 PM nilang usapan, wala pa rin ang babae. Saka pa lang nadiskubre ni Ludwig na blocked na siya sa Facebook nito! Maging ang number ay hindi niya mapag-ring!
Agad pinuntahan ni Ludwig ang office ni Christine. Alam niyang tapos na ang working hours pero nagbaka-sakali siya. At isang surpresa na naman ang nalaman niya! Resigned na pala ito, last week pa!Dama ni Ludwig, wala na siya sa tamang wisyo. Sobrang overwhelming ang kanyang mga natuklasan. Hindi niya mapigilan ang sarili na mag-isip ng kung anu-ano. Gano'n din ang pagbugso ng samu't-saring emosyon.
Nakatanggap ng text message si Ludwig, mula sa unregistered number. Si Christine iyon at nakikipaghiwalay na. Sorry raw kasi nataon pang sa mismong 30th birthday niya. At sa dulo ng message ay ang naka-all caps na 'LET'S BE HAPPY FOR EACH OTHER.'
Maraming gustong sabihin si Ludwig, at marami rin siyang gustong itanong. Pwede niyang subukang tawagan ang babae - baka sagutin nito. Pwede rin siyang magmakaawa na 'wag siyang iwan - or at least - 'wag muna ngayon. Kasi sobrang hindi niya ini-expect 'to. Everything is just too much.
Sa huli, lahat ng mga gusto niyang sabihin at itanong ay sinarili na lang. Hindi niya tinawagan ang babae, hindi rin siya nag-reply sa text nito.
Ayaw sanang umuwi ni Ludwig pero wala naman siyang mapuntahan. Naubos kasi ang kaibigan niya mula nang maging 'sila' ni Christine. Isolated ang kanilang relasyon; na tipong silang dalawa lang sa mundo nila. Kaya lumipas ang dalawang taon na mangilan-ngilan lang ang taong pinakisamahan nila. At puro kaibigan pa iyon ni Christine, wala ni isa sa side niya.Pagdating sa bahay, ipinasok niya sa ref ang mga handa. Wala siyang sikmura para kumain, hinang-hina ang kanyang kalooban. Sa totoo lang, hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyari. Pwede palang gano'n lang kabilis mawala ang mga bagay na importante sa'yo.
Napaka-brutal kung iisipin, kasi maraming araw na pwedeng gawin ito ni Christine. Alam ng babae kung gaano kaespesyal sa kanya ang pagiging trenta anyos. Itinuturing iyong milestone ni Ludwig, pero binalewala ni Christine. Naisip niyang napaka-heartless na regalo ito mula sa babaeng pinakamamahal.
Pinahid ni Ludwig ang luhang pumatak sa mukha. Ayaw niyang umiyak, pero putang ina, kanina pa siya nagpipigil ng emosyon. Ramdam niyang lalo ang kirot ngayong mag-isa na lang. At ang katahimikan sa paligid ay tila nakabibinging ugong sa kanyang pandinig.
"Fuck it!" nagpasya siyang lumabas ng bahay. Hindi niya kakayanin maging solo sa lugar na tanging si Christine ang nagbibigay kulay. At least not now, or not tonight.
Birthday pa rin naman niya. At kung kailangan niyang lunurin ang sarili sa alak, so be it. Basta makalimot lang. O kahit mamanhid.
BINABASA MO ANG
Bedspacer Ludwig
General FictionAng kwentong ito ay tungkol kay Ludwig - ang lalaking nagsimulang muli matapos iwan ng kanyang girlfriend. Habang itinatayo ang sarili, matutuklasan ni Ludwig ang mga bagay na makapagbabago sa kanyang pagkatao.