Bampira

777 5 0
                                    

Ang sex niya kay Donna ay nagpagising sa natutulog na Ludwig; old version Ludwig ang tinutukoy niya. Iyong Ludwig na walang impluwensya ni Christine.

Parang bampira na nakatikim ng dugo, ganito niya naikumpara ang sarili. Mula sa dalawang taong pagkahimlay, ngayon pa lang siya babangon. At ang dugong natikman niya ay nagpaalala sa kanyang dating pagkatao.

In Christine's credit, napakalakas ng kapangyarihan nito. Napagbago siya ng babae sa mga panahong magkasama sila. Naging stick to one siya - a one-woman man. At nakuntento siya sa gano'ng setup.

But fuck it! Christine was a big scam!

Tumayo si Ludwig at lumabas ng small room. Naisip niyang magbukas ng tindahan kahit maaga pa sa karaniwan. Magkakape na lang muna siya.

Bago makarating sa kitchen, madadaanan ang laundry area. Nang nasa tapat na nito si Ludwig, nakita niya ang asul na tela sa sahig. Lumiko siya para lapitan ang tela, doon niya nalaman na panty iyon.

"Kanino 'to?" hindi sigurado si Ludwig dahil posible rin namang kay Red iyon. Pinulot niya ang panty para malaman ang size. Pero bago niya ma-check, dumating si Arthylou.

Namumutla ang babae at hindi makatingin ng deretso sa kanya. Hinablot nito ang panty mula sa kanyang kamay at agad tumalikod. Wala ni isang salita na lumabas dito.

Very awkward, iyon ang naramdaman ni Ludwig. Lalo na't nagsisimula pa lang ang araw.

Sa tindahan nagkape si Ludwig habang naglilinis. Ini-expect niyang makikita si Arthylou bago pumasok ng opisina, pero hindi iyon nangyari. Mukhang nakadaan na ito nang hindi niya namalayan.

Maaga rin ang gising ni Red dahil sa trabaho. Sandali silang nagkwentuhan about yesterday, humingi ito ng pasensya. Totoong nahilo raw ito sa beer, pero totoo ring nagtulug-tulugan ito. Kursunada raw kasi siya ni Donna. At bilang kaibigan, sumuporta lang daw ito.

Nag-"Thank you" siya kay Red. Nagtaka ang bading pero sinabi niyang appreciate niya ang honesty nito, maging ang generosity.

"Generosity talaga?" biro pa nito.

"You have no idea how much I needed that," makahulugang sagot niya.

"Sex?" takang tanong nito, nasa mukha ang disbelief. "'Yang pogi mong 'yan?"

"Hindi lang sex. The whole experience na rin," simpleng paliwanag niya. "Medyo ma-hassle kasi ang buhay ko lately."

"Wala 'yun," hindi siya sineryoso ng bakla. "Trip ka talaga ni Donna, nasa pintuan pa lang kami."

Natuwa si Ludwig sa kaprangkahan ni Red.

Pagkalipas ng isang oras, solo mode na naman siya sa boarding house.

Pwede niyang papuntahin si Donna, kung gusto lang niya ng kasama. Kagabi pa ito nagtsa-chat, kinukumusta sila ni Red. Work from home si Donna, sa gabi ito online. Kaya kung aayain niya ang babae, daytime ang availability nito.

Pero hindi nag-chat si Ludwig, sanay siyang mag-isa sa bahay. Noong panahon nila ni Christine, ganito na ang buhay niya. Hindi siya masyadong outgoing, mas settled ang pakiramdam niya kapag nasa bahay lang. Music, movies, cooking - kuntento na siya sa gano'n. May pagka-boring kumpara sa typical na lalaki, pero iyon ang kanyang naturalesa. At matagal na niyang tinanggap sa sarili ang ganitong lifestyle.

Biglang sumagi sa isip ni Ludwig ang isang bagay na nami-miss niyang gawin - magluto. Ang huling luto niya ay noong 30th birthday niya; na walang kumain kundi siya (the rest ay tinapon lang). Ngayong may Arthylou at Red na siyang kasama sa bahay, why not celebrate?

Bedspacer LudwigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon