Alas nueve pasado ng gabi, nasa open area si Ludwig at umiinom ng beer. Simula nang mawala si Christine, dito siya palagi nagpapalipas-oras. Praktikal din dahil nababantayan niya ang tindahan.
Alam ni Ludwig ang mga pagkukulang sa dating relasyon. Hindi niya ipagtatanggol ang sarili, marami rin siyang kapintasan. Baka hindi na nasapatan si Christine sa kanya, sa buhay nila, at sa ibinibigay niya. Kaya ganito ang naging ending.
Nalamukos ni Ludwig ang mukha, heto na naman ang self-pity. Nasa ganitong eksena siya nang dumating si Arthylou.
"Ok lang po kayo?" mabuti na lang at galing sa loob ang babae. At least, nakatagilid siya.
"Yeah, ok lang," maayos na umupo si Ludwig. "Kumusta ang first night mo?" Ngayon kasi ang nang gabi ni Arthylou sa boarding house.
"Ayos lang po. Konting adjustments."
"Pwede bang i-drop mo na 'yung 'po'?" nakangiting request niya. "Hindi pa naman ako gano'n katanda."
"Ilang taon na po ba..." nahinto ito. "Ilang taon ka na ba?"
"Kate-thirty ko lang."
Hindi nito naitago ang pagkagulat. "This whole time, akala ko magkasing-edad lang tayo. Kaya nga hirap na hirap din akong mag-'po'."
"So don't."
"Pero siguro, dapat kitang 'kuyahin'."
Natawa si Ludwig.
"It's up to you. Pero kung tayong dalawa lang, 'wag mo na 'kong tawaging kuya."
Nag-nod ito as approval.
"Upo ka," tumayo siya para mag-give way sa bakanteng upuan. "Meron akong beer, coffee, Coke - ano pa ba?" napaisip si Ludwig kung ano ang pwedeng i-offer.
"Ok lang ako," dumaan ito sa tabi niya at umupo sa kabilang chair. "Gusto ko lang ma-experience 'tong open area."
"Yeah, masarap dito. Mahamog nga lang."
Nakita ni Ludwig na may bumibili sa tindahan kaya sumaglit siya doon. Pagbalik, dala niya ang light beer.
"Tara," inabot niya kay Arthylou ang beer. "I-cheers natin 'tong first night mo sa boarding house."
Hesitant ang tsinitang babae.
"Kapag hindi mo 'to kinuha, ako rin ang iinom nito," nangungunsensya ang tono niya. "Ikaw ang sisisihin ko kapag lumaki ang tiyan ko."
Saka lang nito tinanggap ang beer. Sabay silang nag-"Cheers!".
"Umiinom naman ako pero occasional lang," paliwanag ng babae. "Ayoko lang magkaroon ng early bad impression sa landlord ko."
Matigas na napailing si Ludwig.
"Una, no judgment. Pangalawa, drop the landlord title," disgusted ang kanyang reaksyon. "Kinikilabutan ako, e."
Tinawanan siya ng babae.
"Well, sabi mo, umiinom ka occasionally. This right here is an occasion," swabeng justification ni Ludwig.
Napa-nod uli si Arthylou as approval.
"By the way, may kasabay ka dapat kanina. Pero last minute, nagpa-resched siya ng meeting. Instructor siya sa university."
"Babae?"
Umiling siya. "Lalaki. At mas matanda pa sa'kin. Nasa 40's siguro."
Napangiti si Arthylou.
"O, ba't mukhang masaya ka?" takang tanong niya.
"Happy lang ako kasi hindi babae. Ayoko pang magka-roommate, e."
"Akala ko happy ka dahil nasa 40's 'yung instructor."
"Grabe ka sa'kin!" inirapan siya nito. "Akala ko ba, no judgment?"
"Nang-aasar lang," tumungga sa bote si Ludwig. "So, why fine arts?" iniba niya ang topic.
Napa-shoulder shrug ang babae.
"Siguro dahil ma-visual ako. Kahit noong bata pa, drawings and illustrations lang ang gusto kong gawin," huminto ito para uminom. "Ikaw ba?"
"Interest? O college course?"
"Both."
"Interest ay cooking, college course ay Business Management. Pero hindi ko natapos, kinulang ako ng tatlo o apat na subjects."
"Paano nangyari 'yon?" na-curious ito.
"Long story, e. Pero sabihin na lang natin na nasobrahan ako ng party noong college."
"Ilang subjects na lang 'kamo 'yung kulang. Ayaw mo bang balikan?"
Umiling siya. "I don't know if this makes sense, pero nawalan na 'ko ng interest. Kung gusto ko lang ng college degree, sure akong hindi Management ang ipu-pursue ko. Probably, culinary."
"Naiinggit ako na party life ang college days mo," uminom ang babae. "Mine was boring."
"Paano naging boring?"
"Nag-aral akong mabuti, e. Gusto ko talagang matuto."
"Astig," sincere na paghanga ni Ludwig.
"Thanks," napangiti ito.
"No boyfriend during college?" biglang naalala ni Ludwig ang sinabi nito kaninang umaga.
"Nagka-boyfriend naman. Pero ilang months na lang kasi, graduation na," natawa si Arthylou sa sariling statement. "Kaya super busy rin."
"Nasa'n si Boyfriend?"
Clueless expression ang babae. "Like I said, super busy ako that time."
"Hindi ko ma-gets," napailing siya. "Saan ka super busy? May iba ka bang guy, like third party?"
Tumayo si Arthylou para hampasin ang balikat niya.
"Anong pinagsasasabi mo?!" nakasimagot ito.
"Sorry, hindi ko talaga ma-gets 'yung kwento."
"Busy ako kasi graduating, 'di ba?" dinahan-dahan nito ang paliwanag. "It means, hindi ko nabigyan ng tamang oras at attention 'yung relasyon namin."
Napa-"Ah!" nang malakas si Ludwig.
"Third party talaga?!" dismayado si Arthylou. "Grabe utak mo!"
"Sorry na!" panay-tawa niya.
"Ikaw?" ang tsinitang babae naman ang nagtanong. "May girlfriend? Asawa? Anak? Pamilya?"
"Kung ise-share ko sa'yo, mauuwi lang tayo sa drama," alanganin pa ring mag-open si Ludwig. "Pero single ako, 'yan 'yung sagot sa tanong mo."
"I don't mind drama," walang malisyang sagot nito. "Pero kung ayaw mong pag-usapan..." huminto ito na parang sinasabing "I get it."
Inubos ni Ludwig ang laman ng beer.
"I'll tell you one day," tumayo siya at sinabing kukuha ng panibagong round. Tumanggi na ang babae at sinabing may pasok pa ito bukas.
BINABASA MO ANG
Bedspacer Ludwig
General FictionAng kwentong ito ay tungkol kay Ludwig - ang lalaking nagsimulang muli matapos iwan ng kanyang girlfriend. Habang itinatayo ang sarili, matutuklasan ni Ludwig ang mga bagay na makapagbabago sa kanyang pagkatao.