Every 6 AM, gising na si Arthylou. Habang nagkakape, preparing breakfast na rin. Simula ng lumipat, hindi pa niya nakasabay sa umaga si Ludwig. Ang alam niya, 12 midnight ito nagsasara ng tindahan. So probably, nagbabawi ito ng tulog.
Kagabi, na-meet niya si Red. Bukod sa mas matanda kay Ludwig, mas matangkad din ito. Almost 6 feet na yata si Red, samantalang nasa 5'9 si Ludwig. Mukhang harmless si Red, at hindi nito tinatago ang pagkabading.
Pagkatapos kumain, dumaan siya sa laundry area para kunin ang mga sinampay. Ibinukod ang blue panty at blue bra, iyon ang napili niyang gamitin. Bumalik siya sa big room para maligo.
Sa loob ng CR, naghubad si Arthylou sa tapat ng malaking salamin. Katamtaman ang laki ng kanyang dibdib, proportion sa kanyang body frame. Pagkatapos ay tumagilid siya para silipin ang gilid ng kanyang pwet. Hindi magsisinungaling ang mirror reflection, tayung-tayo ang kanyang butt. Kung may sexual asset man siya, ito na siguro 'yon.
Sabi ng kanyang ex, she has sexy lazy eyes for a tsinita. Syempre, gusto niyang paniwalaan 'yon. Pero nuknukan ng bolero ang kanyang ex-boyfriend. Kaya ewan kung totoo ngang may sexy lazy eyes siya.
After maligo, magsusuot na siya ng underwear. Doon niya napansing nawawala ang kanyang panty.
Nakatapis lang ng twalya, bumalik siya sa laundry area dahil kumpyansa siyang doon iyon naiwan. Agad naman niyang nakita ang hinahanap pero hindi niya inaasahan ang eksena. Hawak kasi ni Ludwig ang blue panty niya!
"Sorry," maging si Ludwig ay nag-alangan din sa sitwasyon. "Nasa sahig kasi kaya pinulot ko."
Hindi maisip ni Arthylou ang magiging reaksyon. Basta ang nangyari ay mabilis niyang kinuha ang panty at agad tumalikod. This is too awkward para patagalin pa.
Pagbalik sa big room, tsinek niya kung may butas ba o maluwag ang garter ng panty. Laking pasalamat niya kasi ok naman.
"At 'tong blue pa talaga?!" gigil sa inis si Arthylou, kinakausap ang sarili. "Sa dami ng panties ko, ito pa talaga?!"
Kung alam lang niyang mangyayari ang awkward na eksena, sana pinili niya ang pinakamagandang underwear.
"Pero bakit kailangang pinakamaganda?" isang bahagi ng isip niya ang napatanong.
"Para hindi ka nakakahiya, tanga!" mabilis niyang sagot. "Bente tres anyos, regular cotton panties pa rin ang sinusuot?!"
"What's wrong with regular panties? Dapat bang silk or thong kahit papasok lang sa trabaho?" nanghihingi ng lohika ang makulit na boses sa kanyang isip.
"Natural, hindi! Ang sinasabi ko, kung alam kong mangyayari 'to, sana 'yung mas presentable man lang."
"Presentable o seductive?" playful criticism ng kanyang kunsensya.
Natigilan si Arthylou at mas lalong napaisip. Presentable nga ba o seductive? Ano ba talaga ang isyu niya? Nahihiya ba siya dahil hindi sexy underwear ang nakita ni Ludwig? At bakit kailangang sexy?
Kinabahan si Arthylou sa naramdamang malisya patungkol kay Ludwig. Kung may pinakaayaw siyang mangyari sa buhay-boarding house niya ay magkaroon iyon ng komplikasyon.
BINABASA MO ANG
Bedspacer Ludwig
General FictionAng kwentong ito ay tungkol kay Ludwig - ang lalaking nagsimulang muli matapos iwan ng kanyang girlfriend. Habang itinatayo ang sarili, matutuklasan ni Ludwig ang mga bagay na makapagbabago sa kanyang pagkatao.