Ka-chat ni Ludwig si Zen.
"I-post mo 'yan!" nag-send ng pictures ang babae. Kuha nila 'yon sa parking area.
"Ni wala kang profile display, walang kakwenta-kwenta ang Facebook mo," pinagalitan pa siya.
"'Di ba nga, new account?" depensa ni Ludwig. "Kung maglalagay ako ng profile pic, I'll make sure it's recent."
"Grabe ang start over mo. Hindi ko yata kayang mag-delete ng social media para lang makapag-move on."
"We handle things differently," simpleng sagot niya. "Ayan, na-post ko na."
"You didn't tag me, right?" si Zen.
"Hindi. Baka awayin pa 'ko ng boyfriend mo."
"So, you still remember the guy who fetch me? From the night we first met?" surprised ito.
"Nakita ko lang siyang pumasok sa Chill-Out. Pero hindi ko namukhaan."
"Gwapo 'yon. At mayaman. At busy."
Nag-wow emoticon si Ludwig.
"Sports cars and gym lang ang interests no'n. At maging busy."
"Ok lang sa'yong busy siya?"
"Basta walang monkey business."
"Nahuli mo na ba?" curious siya.
"Hindi pa naman."
"Sad ka?"
"Asar lang."
"Iyan ang napapala ng mahilig sa gwapo," nangunsensya si Ludwig.
"Pa'no mo nalamang gwapo kung 'di mo namukhaan?"
"Maganda 'yung tindig, malapad 'yung balikat - napansin ko 'yon kahit madilim. At saka ikaw na nagsabi, 'di ba? Gwapo 'ka mo."
"Gym boy kasi kaya maganda ang posture."
"Jimboy?" patawa niya.
Nag-haha emoticon si Zen.
"Wide shoulders ka rin naman, Ludwig. Hindi ka nga lang fit," sunod nitong reply.
"Before Christine, may bedspacers dito na nagbubuhat malapit sa university. Sumasama ako sa kanila, twice a week. Pero hindi hardcore ang buhat ko - mga pang-senior citizen level lang."
Nag-haha emoticon uli ang babae.
"So, binago ka pala talaga ng todo ni Christine," si Zen.
"Yeah."
"Anong meron sa kanya?"
Hindi agad siya naka-reply. Magandang tanong iyon.
"Anong meron sa kanya, LUDWIG?!" chat uli ni Zen pero naka-all caps ang pangalan niya.
"Minahal ko, e," reply niya.
Nag-sad emoticon si Zen.
"By the way, pinusuan nina Red at Arthylou 'yung pictures natin," si Ludwig.
"Sila 'yung bedspacers mong hindi ko na-meet? 'Yung tatlo kayo sa photo?"
"Yeah."
"Cute si Arthylou."
"Cute?" inulit niya.
"E, 'di sige, maganda!" tila napilitan ito.
Nag-haha emoticon siya.
"And Red is how old?"
"Forty plus," hindi siya sigurado.
"Si Polo?"
BINABASA MO ANG
Bedspacer Ludwig
General FictionAng kwentong ito ay tungkol kay Ludwig - ang lalaking nagsimulang muli matapos iwan ng kanyang girlfriend. Habang itinatayo ang sarili, matutuklasan ni Ludwig ang mga bagay na makapagbabago sa kanyang pagkatao.