Follow-Up Visit (Zen's POV)

431 2 0
                                    

The following day, pinuntahan ni Zen ang boarding house ni Ludwig. Madali niya itong nakita dahil isang deretsong kalsada lang ang byahe kung manggagaling sa Chill-Out Bar. Iniwan niya ang dalang kotse sa tapat ng tindahan.

Inabutan niyang nagkakabit ng CCTV camera si Ludwig. Nasurpresa ito sa bigla niyang pagsigaw ng "Pabili po, Kuya!"

"Sa'yo 'to?" tinuro niya ang motor na nasa unahan ng kanyang kotse.

"Sa bedspacer ko," agad itong bumaba sa tinutungtungang ladder para pagbuksan siya ng gate.

Napa-"Wow!" si Ludwig nang magkaharap sila. Sinabi nitong ngayon lang ito nagkabisita na kasingganda niya.

"Actually, kaya 'ko pumunta ay para marinig 'yan!" patawang sagot niya.

"Kumain ka na ba?" halatang nataranta si Ludwig. "Naku, wala yata akong pagkain dito."

"Sa lahat ng kilala kong kusinero, ikaw lang ang walang pagkain," pumasok siya sa gate at nadaanan ang open area na may coffee table. Cozy doon, mukhang masarap tambayan.

"Eto 'yung tindahan na na-mention ko," tinuro ni Ludwig ang left side.

Sinilip niya ang tindahan, spacious iyon for a sari-sari store.

"So, heto 'yung isasara mong tindahan kapag nagtrabaho ka na sa'kin?" biro niya.

Ngiti lang ang naging reaksyon nito.

Dumeretso sila sa receiving area. Dinatnan niya ang babaeng tadtad ng tattoo. Nasa sofa ito at nanonood ng TV.

"Si Mahika, bedspacer ko," pakilala ni Ludwig. "Si Zen..." sandaling nag-isip kung paano siya ipapakilala. "future boss ko," mabilis nitong pahabol.

Nag-"Hi!" siya kay Mahika, at nag-nod naman ang babae.

"This is kitchen," binuksan ni Ludwig ang ilaw para mas makita niya. "Ano palang mao-offer ko?"

"Iced coffee," sagot niya. "Nag-breakfast na 'ko, kaya ok lang ako."

Narinig niyang nag-"Good" si Ludwig. Tinuloy nito ang ginagawang house tour.

"Laundry area," lumiko sila pakaliwa nang malampasan ang kitchen.

"Nice!" impressed siya sa space. "Pwede kang mag-party rito."

"Yeah," sang-ayon nito. "Before Christine, dito ang sentro ng ganap."

Kahapon, nag-open sa kanya si Ludwig. Kung paanong iniwan ito ni Christine sa mismong 30th birthday nito - now, she knows everything! Kaya pala gano'n ang estado ni Ludwig nang una silang magkita.

"May back gate 'tong boarding house, pero hindi ko pinapagamit sa bedspacers," tinuro lang ni Ludwig ang direksyon.

"Why not?"

"Past incidents na medyo scandalous," walang ganang paliwanag nito. "Kapag nasosobrahan ng party, ang hirap ng crowd control."

Nag-nod siya as approval.

Pagkatapos sa laudry area, dumeretso sila sa pinakaloob at huminto sa tapat ng tatlong rooms. Sinabi ni Ludwig na ang dalawang big rooms ay para sa bedspacers, at ang maliit na room (sa kanan) ang ginagamit nito.

Again, impressive ang spaces. Malawak ang floor area at maganda ang air flow. Not bad for a boarding house, iyon ang kanyang verdict.

"So, iced coffee?" inulit ng lalaki ang request niya. "Ayaw mo bang ipagluto kita?"

"Akala ko ba wala kang food?"

"Wala nga. Pero pwede tayong mamalengke."

Matigas na iling ang sagot niya.

"Or pwede tayong kumain sa labas," hirit nito. "May masarap na tapsihan akong alam, malapit sa university."

Matigas na iling uli si Zen.

"Ok na 'ko sa coffee table mo," tinuro niya ang direksyon ng open area.

"Sige, magpe-prepare lang ako," pinauna na siya ni Ludwig sa pwesto.

After few minutes, nagkakape na sila.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit nandito 'ko?" panimula niyang topic.

"Not really," mabilis nitong sagot. "Alam kong papasyal ka kasi tinanong mo sa'kin paulit-ulit 'tong location ko. Hindi ko lang ini-expect na ngayon mismo. Kasi 'di ba, kahapon lang ay magkasama tayo."

"Follow-up visit lang 'to sa napag-usapan natin. So, ano na?"

"Gusto ko 'yung trabaho, Zen. Pero imposible kasi walang magbabantay rito."

"Yeah, I can see now," ngayon niya naunawaan na malabo nga niyang ma-hire si Ludwig.

"I'm very thankful sa opportunity na binibigay mo," humigop ng kape ang lalaki. "Pero mas appreciate ko 'yung friendship natin."

"Why is that?" agad siyang natuwa sa sinabi nito.

"The fact that I can rely on you means everything," seryosong Ludwig ang kausap niya. Eto 'yung Ludwig na una niyang nakita sa parking lot.

"Wala akong sinabihan tungkol sa'min ni Christine. Gusto kong ilabas, gusto kong ihinga, gusto kong i-share - pero hindi ko magawa. Anoman ang reason kung bakit nagawa kong magtiwala sa'yo, hindi ko rin alam."

"Maybe I pushed you," simpleng analysis niya. "Hindi mo lang pansin, pero malakas akong mang-pressure."

"Napansin ko," sagot nito. "Malakas kasi ang karisma mo kaya nagagawa mo 'yon."

"Kasi maganda 'ko!" pagtatama niya. "'Wag nang karisma."

"Lakas, ah!" napailing ito.

"Curious lang, Ludwig. Ba't 'di mo hinabol si Christine?"

"You don't chase. Kasi anong sense ng paghabol kung iniwan ka na?" humigop uli ng kape si Ludwig saka tumayo. Napatingin ito sa hindi pa natatapos na CCTV installation.

"Naalala ko tuloy 'yung advice ng tatay ko," lumingon ito sa kanya. "Ang taong nagmamahal sa'yo ay 'yung taong nasa tabi mo."

"It means hindi ka iiwan ng taong mahal mo, right?" paniguro niya.

"Mismo."

"Don't worry, Ludwig. Hindi kita iiwan," ngiting aso siya.

"Ako na naman ang trip mo, ha?" umakyat si Ludwig sa ladder, hinarap nito ang naiwang CCTV camera. Narinig ni Zen ang malakas na "Hello!" sa kanilang likuran.

"I'm Polo!" nakipag-handshake sa kanya ang kagigising lang na bedspacer. Nagpakilala rin siya kahit bahagyang nagulat.

"Sa kanya 'yung motor, Zen," dagdag info ni Ludwig mula sa kinatutungtungang ladder.

"Oh, nice!" ang nasabi niya.

"Do you ride?" tinatanong ni Polo kung nagmo-motor siya. Hindi kumakalas ang tingin nito.

Umiling siya at sinabing "More on four wheels ako." Tumingkayad agad ito para silipin ang kanyang kotse.

"Are you going to live here?" akala yata ni Polo ay bagong bedspacer siya.

Nangiti siya sa naisip na idea.

"Dinalaw ko lang 'yung boyfriend ko," sabay turo kay Ludwig.

Hindi naitago ni Polo ang pagkasurpresa. Tila nawalan ng buhay ang kanina lang ay palung-palong mood nito; nagpalipat-lipat pa ang tingin sa kanilang dalawa ni Ludwig. Hindi yata matanggap na may magandang girlfriend ang trenta anyos nitong landlord.

Sa ganoong eksena dumating ang babaeng maraming tattoo.

"Kakain na tayo!" iritada si Mahika nang tawagin si Polo.

Naiwang silang nagtatawanan ni Ludwig.

Bedspacer LudwigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon