Nagising si Arthylou dahil sa uhaw. Lumabas siya ng big room at dumeretso sa kitchen. Sa liwanag na galing sa bukas na refrigerator, nakita niyang natutulog sa sala si Ludwig.
Na-curious siyang lapitan ito. Hindi niya alam kung anong kalokohan ang pumasok sa kanya, pero naramdaman niya 'yung urgency na masilip ito. Siguro, gusto niyang malaman ang hitsura ng lalaki kapag tulog. O siguro, gusto lang niya itong makita.
Kanina, nakikinig siya sa kwentuhan about Zen. Lumalabas kasi, napakarami niyang hindi alam kay Ludwig. Katulad lang din siya ng magjowang Polo at Mahika, na nagulat sa biglang appearance ni Zen.
Ang totoo, nakaramdam siya ng selos nang makita ang pictures nina Ludwig at Zen. Ang ganda kasi nu'ng girl, at parang ang saya ni Ludwig habang magkasama sila.
Lately, inoobserbahan niya ang sarili. After the 'panty incident', nag-iba ang pakiramdam niya sa landlord. Nabibigyan niya ng meaning ang ilang bagay sa pagitan nila. Kahit alam niyang hindi naman dapat bigyan ng kahulugan.
Isa lang ang conclusion niya sa mga nangyayari - crush niya si Ludwig!
Mula sa pagkakatayo, pinagmasdan niya ito habang natutulog. Ilang metro lang ang layo, unti-unti pa siyang lumapit para mas lalo itong makita. Mga ilaw mula sa labas ng bahay ang tanging nagbibigay liwanag sa receiving area.
Nase-sense ni Arthylou, may tinatagong problema si Ludwig. Siguro dahil artist siya, kaya nakikita niya ang maliliit na bagay na hindi nakikita ng iba. May lungkot sa mga mata nito, may bigat itong pinapasan. At nahahabag siya rito.
Magsisinungaling siya kung sasabihing ayaw niyang hawakan si Ludwig. Right this moment, gusto niyang ipadama na hindi ito nag-iisa. Na narito lang siya kung kailangan nito ng karamay.
Pero hindi niya 'yon magawa. Nasa katinuan pa naman siya kahit malaking kagagahan 'tong ginagawa niya ngayon. Pinagkasya na lang niya ang sarili na pagmasdan ito.
Paglipas ng ilang minuto, tumalikod siya pabalik sa big room. Pero bago makahakbang, hinawakan siya ni Ludwig at hinila palapit sa sofa. Napaupo siya sa tabi nito. Agad itong bumalikwas para magpantay ang kanilang mukha. Saka siya nito hinalikan sa labi.
Sa simula, mild kiss. Walang pagtutol si Arthylou dahil gusto niya ang landlord. Unti-unti ay naging intimate nang gumapang ang halik sa kanyang pisngi, papunta sa tenga, at pababa sa leeg. Naramdaman niyang tumayo ang kanyang balahibo dahil sa kiliting may kasamang sensasyon. Napayakap siya nang mahigpit sa lalaki.
Naramdaman niya ang kamay nito sa gilid ng kanyang tiyan. Pumasok iyon sa loob ng shirt at ilang segundong humaplos sa kanyang balat. Gumapang unti-unti ang mga daliri, paikot sa belly area, at pabalik uli sa gilid ng tiyan. Minsan, may gigil iyong lumalamutak. Sapat na diin lang naman kaya hindi siya nasasaktan.
Umabot ang kamay hanggang sa ilalim ng kanyang suso. Wala na siyang bra kaya madali iyong nakarating sa ibabaw ng kanyang dibdib. Doon na-realize ni Arthylou kung gaano kahusay si Ludwig pagdating sa ganitong bagay. Ang edad nito ay reflection kung anong kakayanan meron ito. Swabeng-swabe ang galaw ng kamay, may parang mahika iyon na ang dulot ay panghihina. Hindi rin niya namalayan ang bilis ng paglipat niyon mula tiyan papuntang dibdib.
Sumayad ang hintuturo sa gilid ng kanyang dede. Dahan-dahan iyong umikot mula ilalim pataas. Hindi pinapatama ang daliri sa nipple, nanatili iyong nagsi-circulate sa gilid ng suso. Kasabay ang mas mainit at mas malalim na halik nito, halos kinakapos na ng hininga si Arthylou. Bukod kasi sa kiliting dulot mula sa dibdib, natakpan na rin ang bibig niya ng agresibong halik ni Ludwig.
Kahanga-hanga ang nagagawang caress sa kanyang suso - napag-init nito ang buong katawan niya! Kanina lang ay parang pinaghehele siya dahil sa kilig ng kanilang first kiss, pero ngayon, iba na! Ito ba 'yung 'libog'?
Hindi alam ni Arthylou kung itutulak ang kamay ni Ludwig nang hawakan na mismo nito ang kanyang suso. Nanatiling kina-caress siya ng lalaki ngunit lumalamas na ito. Nilalaro rin ng daliri ang tuktok ng kanyang nipple.
Bago siya makapagpasya sa kung anong gagawin, kumalas si Ludwig mula sa kanyang labi at tinaas nito ang kanyang shirt. Agad nitong sinubo ang kanyang utong, damang-dama niya ang mainit na laway nito! Ang mabagal na paggalaw ng dila na umiikot sa tumigas niyang nipple ay ramdam ng kanyang kamalayan. Hindi niya napigilang masabunutan si Ludwig, kasabay ang hindi ring inaasahang pagliyad.
Niyakap niya ito nang mahigpit. Gusto niyang tumigil sila pero paano? Hindi niya alam kung ano ang gagawin, o ano ang sasabihin. Iba ang binubulong ng kanyang isip sa kinikilos ng kanyang katawan.
Naglakbay pababa ang isang kamay ni Ludwig at huminto sa ibabaw ng kanyang shorts. Dahan-dahan iyong sumalat, hinanap ang mismong hiwa niya. Nang matagpuan, tumigil ang daliri sa tapat ng tinggil. Nagsimula iyong humaplos kahit may nakaharang pang tela.
Nakarating ang kamay sa singit, sa ilalim ng shorts iyon dumaan. Sa loob ng panty, naramdaman niyang sasayad na ang daliri sa kanyang puke. Basang-basa siya! Ngayon lang siya nabasa nang ganito sa buong buhay niya!
"Please, stop." Nasabi niya kahit halos wala na siyang lakas na tumutol. Ang totoo, hindi rin siya sigurado kung iyon ba talaga ang gusto niya.
Hindi siya narinig ni Ludwig, tuloy pa rin ito. Naramdaman na lang niyang lumapat ang daliri sa basang puke niya. Napa-"Aaaaaah!" si Arthylou sa sarap na naramdaman. Umakyat pa ang daliri sa mismong clitoris, at bahagyang dumiin doon. Lalong napalakas ang unggol niya, kasabay ang mas mahigpit na pagyapos sa ulo ni Ludwig.
Mula sa suso, bumalik ang lalaki sa kanyang mukha at humalik uli. Halos kainin ang kanyang bibig, torrid kissing sila. Ramdam niya ang gigil nito - at may gigil na rin siya! Natagpuan niya ang sariling lumalaban at nakikipagpalitan ng mainit na halik. Na parang tinutulak siya na maging wild dahil sa impluwensya ng libog.
Pumasok ang daliri sa loob ng kanyang puke, wala na siyang lakas para pigilan ito. Nang kumalahati ang lalim, naramdaman niya ang sakit. Nanigas ang kanyang katawan at bigla siyang napa-"Ah!". Halos mapunit ang mukha ni Arthylou sa hapding naramdaman.
"What's wrong?" worried si Ludwig, biglang napahinto.
"Dahan-dahan lang," nakangiwi pa rin siya nang sumagot.
"Sobrang dahan-dahan na 'ko," depensa nito. "Virgin ka ba?"
Tumango siya.
"Akala ko nagka-boyfriend ka?"
"Oo. Pero hindi kami umabot sa ganito."
"Saan kayo umabot?" nasa mukha nito ang duda, hindi yata naniniwala.
"Kiss lang. Saka sa dibdib lang," nahiya si Arthylou sa pag-share ng personal experience.
"Seryoso?" dismayado ito at lalong hindi kumbinsido.
"Teka, bakit ganyan ang reaksyon mo?" umatras siya para magkadistansya. Mabilis niyang ibinaba ang nakaangat na shirt, at inayos din ang shorts at panty.
"Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi mo. Hindi mo naman kailangang magpanggap na virgin-"
"Hindi ko talaga kailangang magpanggap!" agad niyang bara. "Sinasabi ko sa'yo ang totoo!"
"Ba't hindi mo binigay sa ex mo?" hindi talaga makapaniwala si Ludwig.
"Hindi ko alam," deretso niyang sagot. "Sa totoo lang, hindi ko rin alam," dagdag pa niya dahil napaisip na rin siya.
"Imposibleng hindi mo alam!" napalakas ang boses ni Ludwig. "Halos kalahating taon kayo ng ex mo tapos sasabihin mo, walang nangyari?"
Hindi siya umimik, walang sense makipagtalo rito. Maaaring lasing lang ito dahil umaalingasaw ang amoy beer nitong hininga.
"Kung ayaw mong maniwalang virgin ako, fine," disappointed siyang napailing habang nakatitig kay Ludwig. "I don't even think na magiging big deal ito."
"Hindi big deal ang virginity sa'kin, Arthylou. Ang big deal ay 'yung kailangan mo pang mag-pretend."
"'Wag mo 'kong kausapin!" pasigaw niyang sagot saka siya umalis.
Narinig pa niyang nagmura ito at sinabing "An'labo!"
BINABASA MO ANG
Bedspacer Ludwig
General FictionAng kwentong ito ay tungkol kay Ludwig - ang lalaking nagsimulang muli matapos iwan ng kanyang girlfriend. Habang itinatayo ang sarili, matutuklasan ni Ludwig ang mga bagay na makapagbabago sa kanyang pagkatao.