Natagpuan ni Ludwig ang sarili na nasa parking lot ng isang bar. Hawak niya ang bote ng beer, at tumatakbo sa isip ang napakaraming bagay. Nakaupo siya sa sementadong bumper, yuko ang ulo para maitago ang paminsan-minsang pagluha. Halu-halo ang kanyang emosyon: naroon ang galit, ang lungkot, ang pangungulila. Shock pa rin siya. Hindi niya kailanman naisip na mangyayari ang ganitong bagay. Nagkamali siya ng pagkakilala kay Christine.
Hindi maiwasang mag-self-reflect ni Ludwig. Naisip niya ang possibility na kaya nangyari ito ay dahil unemployed siya. Nang makilala niya si Christine, wala siyang pinapasukang trabaho. Pero that time, may boarding house at sari-sari store siyang pinapatakbo. In short, may income siya. Ang location kasi ng bahay niya ay malapit sa university.
Nang maging 'sila' ni Christine, sa kanya ito umuuwi. Ang dalawang big rooms ay okupado ng bedspacers, kaya sa small room silang magjowa. Naging isyu iyon kay Christine dahil bakit daw kailangang magtiis sa maliit na kwarto. Kahit anong paliwanag, hindi ito nakinig. Isa-isang pinaalis nito ang bedspacers. Kesyo wala silang privacy, kesyo maingay, kesyo marumi, kesyo wala silang security - maraming kesyo.
Noon pa man, ayaw ni Ludwig na maging financially dependent kay Christine. Sa ginawa kasi nito, nawalan talaga siya ng source of income. Pero nagpatangay siya sa matatamis nitong salita at lambing. Hindi raw magiging problema ang pera dahil maayos naman ang tinatanggap nitong sweldo. As long na napu-provide niya ang bahay at siya ang nagluluto, sapat na ambag na raw iyon sa kanilang relasyon. Sakto dahil may bahay si Ludwig at kitchen skills.
Naging masaya naman ang babae nang ma-solo nila ang bahay. At kung masaya si Christine, masaya na rin siya.
Fast forward two years, hindi nila namalayan ang paglipas ng panahon. During that time, tanging sari-sari store lang ang mina-manage ni Ludwig. Kumikita rin ang tindahan, pero maliit kumpara sa boarding house.
Ngayong wala na si Christine, parang sinampal ng reyalidad si Ludwig. Napatunayan niyang mali ang pagsunod niya sa mga kapritso nito. Naiwan siya ngayon sa ere na nag-iisa, walang pera, at walang direksyon. Kung paano ang buhay niya sa mga darating na araw, isang malaking 'ewan' ang tangi niyang maisasagot.
"Bossing?"
Narinig ni Ludwig na may papalapit sa kanyang pwesto. Nanatili siyang nakayuko para maitago ang namumulang mata.
"Ok ka lang ba?" boses iyon ng babae.
"Ok lang ako," pa-simpleng iwas niya. "Konting privacy lang."
"Makiki-lighter lang ako boss kung meron..." nahinto ito at biglang napa-"Oh, fuck!"
Sigurado si Ludwig, nakita nito ang kanyang mukha. Narinig kasi niya ang mabilis nitong "I'm sorry!".
Tumayo siya at tinungga ang beer, wala na siyang pakialam kung makitang namamaga ang kanyang mata.
"Wala akong lighter," walang ganang hinarap niya ito.
"Broken ka ba, kuya?" hawak ng babae ang maliit na cigarette case. Hindi inaasahan ni Ludwig ang magandang hitsura nito. Naka-black shirt at maong shorts ito.
"Mukha ba 'kong broken?" tanong din ang naging sagot niya.
"Mukha kang namatayan," prangkang sagot nito.
"Pwede ring namatayan ako," napakibit-balikat siya. "Gano'n din halos sa pakiramdam, e."
Umiling sabay smirk face, hindi kumbinsido ang babae. Hindi maiwasang titigan ni Ludwig ang mukha nito, ang sabihing maganda ay parang understatement. Ang lakas nitong makahatak, very attractive ito.
"Zen," pakilala nito, with handshake. Tinanggap ni Ludwig ang handshake at nagpakilala rin.
"Ilang taon ka na?" hindi niya naitago ang curiosity dahil parang ang bata pa ni Zen. Nasa 5'5 ang height nito.
"Ilan sa tingin mo?"
"Sixteen."
Malutong na tawa ang reaksyon ng babae.
"Mukha kang 16, ok?" biglang bawi ni Ludwig. "Kung tama ang hula ko, ang bata mo pa para manigarilyo."
"Wow, nagsermon agad si Kuya!" diniin nito ang salitang 'kuya' for sarcasm. "'Mantalang ikaw 'tong umiiyak - in the middle of an empty parking lot - tapos ikaw ang sisita sa pagyoyosi ko?"
Hindi siya nakasagot. May point ito.
"Ang seryoso mo naman!" nakatawang asar nito. "Chill lang, Boss Ludwig. 22 na 'ko."
"You look young," ngumiti siya kahit naiilang. Ang ganda kasi ni Zen. Mamula-mula ang kutis nito.
"So, anong problema mo, Boss Ludwig?" mas lumapit ito, talagang intresadong malaman ang kanyang kwento. "Bakit ka nagmumukmok dito sa parking lot?"
Hesitant si Ludwig. Hindi siya sigurado kung kaya ba niyang mag-open sa babaeng kaka-meet pa lang.
"Pero teka, bago ka magkwento..." naalala ni Zen ang sigarilyo. "Hanap muna tayo ng lighter."
"Hindi ba dapat may sarili kang lighter?" tanong niya.
"Meron akong lighter," napailing si Zen, asar ang hitsura. "Pumunta 'ko rito kasi open air. Then I realized, wala na ang lighter ko. Sakto, nakita kitang may hawak na beer. So, naisip kong naninigarilyo ka."
"Kaso hindi ako nagyoyosi."
"Yeah, I know now," disappointed reaction nito. "Hindi ka nagyoyosi pero nagda-drama ka sa parking area.""Grabe ka sa'kin," nahiya si Ludwig.
"Tara, hanap tayong lighter!" tinuro ng nguso nito ang bar. "Ipapakilala rin kita sa mga kasama ko."
******* ******* *******
Hindi nag-overshare si Ludwig kay Zen at sa mga kasama nito. For some reason, hindi niya feel gawin. Siguro kung silang dalawa lang ni Zen, baka nakapag-open siya. Sobrang gulat siguro nito kung malamang 30th birthday niya ngayon.
Isang beer bucket at plato ng chicken wings ang nilagay ni Zen sa mesa. Puro small talk lang ang napag-usapan, maingay kasi sa loob ng bar. Nakilala niya sina Claire at Prince, mga kaibigan ni Zen from college. Si Claire ay may eyeglasses, si Prince naman ay kulot na maraming tigyawat.
Most of his attention goes to Zen. Hindi lang siya nagpahalata pero sobrang nakaka-magnet ang magandang mukha nito. Shoulder-length hair, pinkish skin tone, kissable lips - mukha itong artista. For a brief moment, hindi niya naisip o naramdaman ang kasalukuyang problema. Zen was like a drug na kung nasa tabi niya ay makakalimot siya.
The impressive thing na ginawa ni Zen ay hindi nito sinabi ang awkward meeting nila. Basta ipinakilala lang siya nito as a guy na nakakwentuhan sa parking lot.
Unfortunately, bago maubos ang beer, dumating ang boyfriend ni Zen. Hindi na ito nakalapit sa kanila dahil sinalubong agad ng magandang babae. Then, that was it. Tumawag si Zen kay Claire, apologetic sa biglang pang-iiwan sa kanila. Babawi na lang daw ito next time.
After that, nagkayayaan na ring umuwi sina Claire at Prince.
Naiwan si Ludwig sa bar at tinuloy ang pag-inom. And yes, bumalik siya sa parking area. Gusto niya ang katahimikan dito at ang espasyo.
BINABASA MO ANG
Bedspacer Ludwig
General FictionAng kwentong ito ay tungkol kay Ludwig - ang lalaking nagsimulang muli matapos iwan ng kanyang girlfriend. Habang itinatayo ang sarili, matutuklasan ni Ludwig ang mga bagay na makapagbabago sa kanyang pagkatao.