Wanted: Kitchen Staff

482 4 1
                                    

Later that day, pinuntahan ni Ludwig ang sinabing surplus shop ni Red. At totoo ngang nasa tabi ito ng Chill-Out Bar.

Nakabili siya ng used CCTV. Branded ang pinili niya, may one-month warranty kahit luma na. Apat na camera ang kanyang kinuha para ma-install sa labas ng rooms, laundry area, receiving area, at gate. Kinulang ng pera si Ludwig kaya sa sunod na lang ang para sa kitchen at open area.

Nakita niyang may 'Wanted: Kitchen Staff' announcement sa labas ng Chill-Out Bar. Na-curious siya kaya sinubukan niyang mag-inquire.

Pagpasok sa bar, isang napakapamilyar at napakagandang babae ang nakita niya - si Zen!

"Ludwig?!" parehas silang nagulat. Ang transition ng mukha nito from expressionless to joyful ay nasaksihan ni Ludwig. Totoong masaya si Zen sa muli nilang pagkikita.

"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong niya. Nasa harapan kasi ito ng cash register machine.

"Dito ako nagtatrabaho, dude!" hindi kumakalas ang tingin ng babae, hindi pa rin maka-get over sa surpresa.

"Ang tagal kitang hinintay bumalik, alam mo ba?" dugtong nito. "Gabi-gabi akong nasa parking lot, doon na 'ko nagyoyosi."

Lalo siyang naguluhan sa mga sinabi nito.

"Saan ka ba nakatira?" nilabas ni Zen ang phone. "Anong Facebook mo? Anong number mo?" sunud-sunod nitong tanong. "Siraulo ka, hindi ka na makakawala ngayon!" gigil itong umamba ng sampal.

Napansin niyang nakatingin sa kanila ang ilang empleyado. Wala pang customers dahil kabubukas pa lang ng bar, 5 PM to 12 AM ang operating hours ng Chill-Out. Na-conscious si Ludwig, pero walang pakialam si Zen.

"Ano palang ginagawa mo rito?" ibinalik nito sa kanya ang kanina niyang tanong. "Don't tell me, mag-iinom ka na naman?! Ang aga pa, Ludwig!"

"Nakita kong naghahanap kayo ng staff," paliwanag niya. "Mag-i-inquire sana 'ko."

"Talaga?! Dito ka magtatrabaho?!" na-level up lalo ang excitement ni Zen. Lumalabas ang pagiging bata nito kapag sobrang saya.

"Na-curious lang kung uubra ba 'yung kitchen skills ko sa ganitong bar. Hindi naman ako naghahanap ng trabaho."

"Why not?" takang reaksyon nito. "Work is a good distraction to forget. Kung anoman ang pinagdadaanan mo, just make yourself busy."

May point ang magandang babae. But again, hindi siya naghahanap ng trabaho.

"Tara, pakitaan mo ko!" iniwan nito ang cash register at lumapit sa tabi niya.

"Pakitaan ng?" hindi niya gets ang sinabi nito.

"Nang lulutuin mo!"

"Sino bang kakausapin ko kung sakaling mag-apply ako?" iginala niya ang paningin, hinanap ang in-charge sa lugar.

"Batukan kita, gusto mo?" pinandilatan siya nito. "Sa amin 'tong place!"

"No way!"

"Yes way, dude," hinila nito ang braso niya papuntang kitchen. "Igawa mo 'ko ng sisig."

"Maraming klase ng sisig. Anong sisig ang gusto mo?"

"Kahit ano. Basta 'yung sa tingin mong magugustuhan ko."

Ibinaba ni Ludwig ang dalang CCTV cameras na nasa boxes. Inusisa iyon ni Zen, inasar pa siyang 'stalker' dahil sa dami ng camera.

Nagsimula siyang magluto. Iniwan siya ni Zen para makapag-concentrate.

After 30 minutes, prepared na ang pork sisig. Isinilibi iyon ni Ludwig, with presentation pa. Umupo sila sa tapat ng bakanteng mesa.

"So, anong meron dito?" tinikman ni Zen ang luto.

Bedspacer LudwigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon