Arthylou

1.3K 5 1
                                    

May kausap si Ludwig today - si Arthylou. Ngayon ito nagpa-sched para makita ang pinapa-rent niyang bedspace.

Pagbukas ng gate, sumalubong kay Ludwig ang tsinitang babae. Sa tantya niya, nasa 5'3 ang taas nito. Agad silang nagpalitan ng "Hi!", at ipinakilala ang mga sarili.

"Sa university ka?" tanong ni Ludwig kung nag-aaral pa ito.

"Working na po. Malapit lang po rito," si Arthylou.

"Saan?"

"Creative Minds."

"Graphic artist?" alam niyang advertising company iyon.

"Yes po."

Napa-"Wow!" si Ludwig. "Matagal ka na diyan?"

"Kasisimula pa lang po."

"Uwian?"

"Yes po. At hindi ko na kayang mag-byahe," reklamo nito. "Kaya naghanap na po 'ko ng boarding house."

"Well, sana magustuhan mo rito," tinuro niya ang direksyon na lalakaran nila.

Pagpasok sa gate, dinaanan nila ang store na ang katapat ay open space. May coffee table at dalawang upuan sa nasabing space. Tinuro iyon ni Ludwig at sinabing presko ang area kaya pwedeng tambayan.

Then, pumasok sila sa front door.

Receiving area ang unang bubungad kapag nasa loob ng bahay. May black sofa set na nakaharap sa 55-inch LED TV. Sinabi ni Ludwig na hanggang 12 midnight ang paggamit ng TV.

Sa likod ng receiving area ay kitchen (simpleng partition ang pagitan). May malaking ref, 4-burner stove, microwave, at dining table na may-kalakihan.

Nang malampasan ang kitchen, ipinaliwanag ni Ludwig na nasa extension area na sila. Unang madadaanan ang laudry area, bago makarating sa rooms na nasa pinakaloob. Open air ang laundry area kaya perpektong labahan at sampayan. Naroon din ang back gate na ginagamit for emergency exit.

Kung hindi kakaliwa sa laundry area, matatagpuan sa loob ang tatlong rooms. Dalawang big rooms na para sa bedspacers, at isang small room na para naman kay Ludwig.

Pumasok sila sa big room (for females). Ipinakita ni Ludwig ang malinis at maespasyong room. Sa reaksyon ng babae, mukhang impress naman. Na-apprecite nito ang CR na nasa loob mismo ng kwarto.

"Gaya ng nakalagay sa ad, included sa two-five (2,500 PHP) ang wi-fi, stove, washing machine, at Netflix. In other words, pwede kang mag-net, magluto, maglaba, at mag-TV."

"Wala po bang discount kung kukunin ko ang buong room?" tanong ng tsinitang babae.

Sandaling napaisip si Ludwig.

"May iba ka bang kasama?" bilang landlord, kailangan niya itong itanong. "Like friend or boyfriend?"

Natawa ito. "Wala po akong boyfriend."

"So, ikaw lang?"

"Yes po."

"Pwede naman kitang bigyan ng discount. But for now, hindi ko 'yan magagawa," nagsimulang magpaliwanag si Ludwig. "Ngayon lang uli ako nag-operate ng boarding house. Two years akong sarado, and to be honest, you'll be my first bedspacer. Kailangan ko ng cash. Maraming dapat ipagawa rito sa bahay, maraming dapat i-upgrade. Pwede ko namang ibigay sa'yo 'yung room pero you'll pay 10k. Kasi babayaran mo 'yung tatlong bedspace."

"Seven-five?" tumawad pa rin ang babae.

Umiling siya. "Sorry, hindi ko talaga kayang mag-discount ngayon. Pero sige, kapag napuno ko 'yung kabilang room, pwede kong ibigay sa'yo ng seven-five."

"For real po?"

"Sure."

"Dito na po ako sa inyo!"

Nag-nod si Ludwig. "Well, the good news is, solo mo pa naman ang room hangga't wala pang female spacers."

Ngumiti si Arthylou. Nawawala ang mata nito kapag naka-smile.

"12 midnight ang curfew, ako mismo ang magla-lock ng gate. Bawal ang sleepover sa guests, pero pwede sila hanggang 9 PM. Bawal pumasok ang male bedspacer sa room ng babae, and vice-versa. Never use the back gate, for emergency only lang 'yon. Three minor violations, or one major violation, means eviction."

"Sample po ng minor violations."

"Overstaying friends, valid complaints from other bedspacer, late payments," tuloy sa paliwanag si Ludwig. "Major violations are quarrel among bedspacers, theft, and rude behavior."

"Lilipat na po ako today," nilabas ni Arthylou ang phone. "Ok lang po bang i-Gcash ko?"

"Sure," kinuha rin ni Ludwig ang sariling phone. "Add na rin kita sa Facebook."

Bedspacer LudwigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon