Si Arnold ang ex-boyfriend ni Arthylou.
Ok sila ni Arnold kahit tapos na ang kanilang relasyon. In fact, Facebook friends pa rin sila. Kalahating taon sila as couple. Tingin ni Arthylou, kaya nila nagagawa na maging casual sa isa't-isa ay dahil hindi sila naging malalim.
Nagkukumustahan sila through chat. Paminsan-minsan, may mga surpresang dalaw ang lalaki. Kapag sumulpot si Arnold (sa kaniyang workplace), aayain siya nito ng lunch o dinner (depende sa oras ng pagpunta). Pinagbibigyan niya ito kasi una, wala pa naman siyang boyfriend. At pangalawa, ok naman talaga si Arnold. Ito 'yong tipong concerned palagi. Hindi ito nakakalimot na kumustahin siya.
Pero one time, nagkapikunan sila. Gusto kasi nitong makita ang nilipatan niyang boarding house. May tinatago raw ba siya? Bakit hindi raw niya maituro ang tinutuluyan? Ganoon ang mga tanong nito na pakiramdam niya ay atake sa kanyang personal space. Doon sila nagkainitan.
Minsan kasi, nakakalimot si Arnold. May mga pagkakataon na umaasta ito na parang 'sila' pa rin. Na parang boyfriend pa rin niya ito na may karapatan sa kanya. Sa pikon ni Arthylou, hindi na siya nagparamdam.
Ang dahilan kaya ayaw niyang ipaalam ang boarding house ay dahil siguradong mapapadalas ang pagpunta nito doon. 'Yung occasional na pagdalaw ay kaya niyang i-tolerate. Pero kung magiging regular na, invasion of privacy na 'yon. Kilala niya si Arnold at ang tendency nito na maging insensitive. Isang reason siguro 'yon kaya na-off siya rito.
Lunch break niya and finally, nahimasmasan na siya sa 'panty incident'. Buong umaga ay iyon ang kanyang concern, pero ok na siya ngayon. Kung anomang isipin ni Ludwig sa nangyari, wala na siyang pakialam.
Sa newsfeed ng kanyang Facebook, nakita ni Arthylou ang latest post ni Arnold. Gitara iyon at may caption na 'Missing the person who owns this.'
Alam ni Arthylou, desperado na si Arnold. Ginamit na nito ang huling baraha - at iyon ay ang gitara niya.
May acoustic guitar kasi siyang naiwan dito. Ayaw nitong isoli kasi ang katwiran, iyon na lang daw ang huling alaala sa kanilang relasyon.
Magkabanda kasi sila dati, both guitarist (rhythm si Arthylou at lead si Arnold). Parehas ding nagsisimula sa 'A' ang pangalan nila kaya't palagi silang niloloko ng mga kabanda. "Meant for each other" daw, paulit-ulit ang mga tanga! Hanggang isang araw, nanligaw na nga si Arnold. And after two months, naging 'sila'.
Gusto niyang makuha ang gitara dahil sa sentimental value. Unang musical instrument niya 'yon, at sa mismong gitara na 'yon siya natuto.
Pinag-isipan muna ni Arthylou ang pros and cons bago i-chat si Arnold. Sa huli, matimbang sa kanya ang gitara. Kung hindi pa rin nito isoli, then wala nang dahilan para mag-usap sila.
"Makikipag-ayos lang ako kung ibabalik mo ang gitara ko," sa wakas, nag-reply siya sa mga chat ni Arnold.
"Grabe naman! Ayaw mo ba talagang iwan sa'kin 'yon?" mabilis nitong sagot. "Pwede naman kitang ibili ng bago, e."
"Hindi ko kailangan ng bago. 'Yang gitara na 'yan ang mismong gusto ko. Unang gitara ko 'yan, e!"
Nag-sad emoticon si Arnold saka nag-reply ng "Eto kasi 'yung bridge kaya naging tayo".
Totoo ang sinabi nito. Palaging hinihiram ni Arnold ang gitara, pero paraan lang iyon para maligawan siya.
"Kung hindi mo ibabalik sa'kin 'yan, sige sa'yo na. Pero hindi na kita kakausapin."
Sandaling hindi nakasagot si Arnold. Mukhang tumalab ang binitawan niyang ultimatum. Saka ito nag-reply ng "Sige, isosoli ko na".
Late afternoon, nagkita sila ni Arnold. Tinupad nito ang pangako, dala na ang gitara.
Kumain sila sa labas, siya ang nagbayad kahit tutol ito. Pakunswelo niya 'yon kasi alam niyang malungkot si Arnold. May sentimental value rin kasi ang gitara sa lalaki. Magkaiba nga lang sila sa tinitignang value.
After nilang mag-dinner, nangulit pa rin ito na malaman ang tinutuluyan niya. Still, napanindigan niyang i-keep ang pribadong buhay.
Madilim na nang naghiwalay sila.
BINABASA MO ANG
Bedspacer Ludwig
General FictionAng kwentong ito ay tungkol kay Ludwig - ang lalaking nagsimulang muli matapos iwan ng kanyang girlfriend. Habang itinatayo ang sarili, matutuklasan ni Ludwig ang mga bagay na makapagbabago sa kanyang pagkatao.