Chapter 2
Kaira's POV
'Patayin ang sino mang manlaban.' Wika ng isang lalaki na may takip sa mukha at may hawak na baril. Ring kong may sumigaw sa labas ng pack house. Nagsikilos na ang lahat upang mailigtas ang mga matatanda, kababaihan at mga bata na pinangungunahan ko. Dahil may biglaang paglusob na naganap. Ngunit hindi ito nagmula sa mga rogues. Kundi sa mga lapastangang mga tao.
Kahit na kalahating tao at werewolf ako ay taglay ko paring ang kakayahan ng aking ama na isang werewolf. Dahil narin siguro sa kakaiba kami ng kakambal ko.Dahil anak kami ng isang alpha at special na taong naging katawang tao ng legendary wolf.
Pagkatapos kong matiyak na ligtas na ang mga kasamahan namin ay agad akong sumunod sa labsa upang makipaglaban at maipagtanggol ang pack namin. Ngunit paglabas ko ay isang kahindik hindik ang aking nakita.
Marami sa mga kalahi ko ang nasawi, nakahiga sa lupa at duguan. Ang iba naman ay pilit nanakikipaglaban sa mga taong lumusob sa amin. Sa labis na galit na naramdaman ko ay hindi ko na alam ang aking ginagawa, basta ay pinapatay ko ang lahat ng mga kalaban na aking nakakasalubong. Napahinto nalamang ako nang maaninag ko ang aking kakambal na duguan na nakasandal sa isang malaking puno. Kaya agad ko itong nilapitan.
'Shaun, sinong may gawa nito sa iyo?' naluluha kong tanong ditto kahit alam kong hindi nya masasagot ang aking tanong dahil nanghihina na sya. Naririnig ko ang unti-unting paghina nang pagtibok ng puso nya.
'No, Shaun, please don't. Don't leave me please.' Umiiyak akong hinahaplos ang kanyang pisngi na may bahid ng dugo. Halata mo sa kanya na sobrang sakit nang kanyang nararamdaman. At malalim rin ang sugat na natamo nito sa kanyang tyan at sa kanyang dibdib. Dahil nakasaksak parin sa kanyang dibdib ang kutsilyong naging sanhi nang kanyang panghihina.
Nag-angat ng tingin sa akin ang kakambal ko. Nangmasiguro nyang ako ang nasa harapan nya ay bahagya itong ngumiti at nagsalita.
'I'm glad, your safe.' Nanghihina nyang sabi at ilang Segundo palang ang lumipas ay nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Sa sobrang sakit ay napasigaw nalamang ako.
~
"NOOOO" napabalikwas ako ng bangon at hingal na hingal. Ang bangungot na paulit ulit kong napapanaginipan. Ang bangungot sa aking buhay na sadyang nakakasuklam.
"Ngayong wala na ako sa puder nyo, sisiguraduhin kong uubusin ko kayong lahat. Pagsisisihan nyo ang ginawa nyo sa pamilya ko." Napupuot kong sabi na tila nasa harap ko lang aking kausap. Naramdaman ko nalang na basa na pala ang aking pisngi dahil sa aking mga luha. Tumayo ako at humarap sa salamin na nasa gilid lamang ng higaan. Ngayon ko lang muli nakita ang aking itsura sa salamin after 3 long years.
I have this long and curly black hair, pale skin like a vampire, at halata sa katawan ko ang pangangayayat. Ikaw ba naman ang 1 or 2 times lang kumain sa isang buwan sa loob ng 3 years? Sinong hindi papaya? Pale lips, medyo matangos na ilong and a pair of brown and silver eyes. Isang palatandaan na wala na ang kalahati ng aking buhay.
"Shaun, Ipinapangako kong ipaghihiganti ko ang inyong kamatayan nila mama at papa. Buhay ang kinuha nila, Buhay rin ang kapalit." Dahil sa galit na aking nararamdaman at pagnanais na makapaghiganti ay hindi na sumagi sa isip ko kung nasaan ako ngayon. Nagulat na lamang ako nang may magsalita sa aking likuran.
Jonathan Ramirez's POV
It's been 5 days magmula nang dalhin ko ang babaeng iyon dito sa mansion. At hanggang ngayon ay hindi parin sya gumigising. After kong uminum ng kape ay nagtungo na ako sa kwarto kung saan sya namamaligi.
Pagbukas ko ng pinto ay hindi ko sya nakita sa higaan nya. Nang akmang Magtatawag ako ng tao upang hanapin sya ay narinig kong may nagsalita kaya hinanap ko ang boses na iyon. Isang napakalamig na boses na nagmumula sa may gilid ng higaan. At nakita ko syang nakaharap sa salamin at tila napupuno ng galit ang expression ng kanyang mga mata.
"Shaun, Ipinapangako kong ipaghihiganti ko ang inyong kamatayan nila mama at papa. Buhay ang kinuha nila, Buhay rin ang kapalit." Rinig kong sabi nya. Her voice is full of hatred. So damn dangerous.
"Kanino ka maghihiganti?" Tanong ko sa kanya na ikinagulat nya. Napatingin naman sya sa akin tila kinikilala ako nito.
"Do I know you? Nagkakilala o nagkita na ba tayo before?" taking tanong nya.
"I don't know, maybe your just one of those fling of mine before." Biro kong sabi sa kanya. Kahit wala naman talaga akong naging ka fling.
"Are you nuts? Sino naming magkakafling sa loob ng laboratory?" Mapait nyang saad. Doon ay bumalik sa akin ang mga katanungan ko.
"Speaking of, gusto kong malaman kung ano ang ginagawa mo sa head quarters ng Black Organization. Pero bago yun ay maligo ka muna upang makakain. 5 days kang tulog at nangangamoy ka na." mapang asar kong sabi dito.
Masama nya naman akon g tiningnan pero hindi ko na lamang iyon pinansin at tinuro ko sa kanya kung nasaan ang banyo sa loob ng kwarto at sinabi kong hihintayin ko nalang sa dinning area. Paglabas ko ng kwarto nya ay binilin ko sa mga nakabantay sa labas ng kwarto nya na dahil sya sa dinning area.
20 mins. ang hinintay ko bago sya tuluyang makarating sa dinning area. Tinuro ko namana ng upuan na nasa harapan ko at sinenyasan syang umupo. May mga pagkain naring nakahain sa lamesa.
"Kumain ka na muna, sigurado akong gutom kana." Pagkasabi nya nun ay agad nyang sinunggaban ang mga pagkain sa table. Sa kilos nya ay halatang gutom na gutom sya.
"Pasensya na, 1 beses lamang akong pinapakain ng mga lapastangang mga taong nasa organisasyon na iyon, kung minsan pa ay after 2 months." Saad nito sapag nagpatuloy sa pagkain.
"Seriously?" Gulat na tanong ni mom na biglang sumulpot na ikinagulat naming dalawa ng babaeng hindi ko pa pala alam ang pangalan. Nakita kong muntik nang maibuga nito ang kinakain dahil sa gulat.
"Seriously? Bakit kailangan nyo hong mang-gulat? Feeling ko ay hindi ako mamamatay sa pilak, kundi sa pagkachoke sa pagkain." Inis na saad nito kay mama. Ngunit hindi naman ito ikinainis ni mom.
"Omo, I'm sorry iha, hindi ko sinasadya. Hindi lang ako makapaniwala sa sinabi mo, at himala dahil nakayanan mo iyon." Bakas ang pag aalala nito. Napansin ko naman na napaiwas ng tingin ang babae.
"Sinwerte lang po siguro." Sabi nito at sumubo ulit. Nababasa ko sa kinikilos nya na may tinatago sya. Mukhang hindi ko makukuha lahat ng sagot sa mga katanungan ko mamaya.
"Wag kang mag-alala ija, malapit nang bumagsak ang mga iyon. At sisiguraduhin namin na hindi na muling mabubuo ang organisasyon na iyon." Buong tiwala na pagkakasabi ni mom.
"NO, Ako ang tatapos at papatay sa mga taong iyon. Ako ang uubos sa mga angkan nila." Pasigaw nitong sabi. Na hindi nagustuhan ang sinabi ni mama.
"Don't you dare na pagtaasan ng boses ang mommy ko. Baka nakakalimutan mong nandito ka sa teritoryo ko." Kahit na medyo nainis sa ipinakita nyang attitude to my mom ay pinatili kong mahinahon ang aking sarili.
"Paumanhin, hindi ko sinasadya. Nadala lamang ako ng aking damdamin." Paghingi nito ng sorry.
"No, it's okay iha. Alam kong napakahirap ng dinanas mo sa kamay nila kaya ganun na lamang ang labis na galit mo." Sabi ni mom dito sabay haplos ng likod ng babae.
My mom is very kind, but also a heartless one. Marunong syang kumilatis ng tao at alam nya kung sino ang dapat at hindi dapat pakitaan ng bait.
Sa pag oobserve ko sa babaeng ito ay hindi sya pang ordinaryo. Mysterious, Silent but dangerous. That's what make her amazing. Hindi na ako magtataka kung bakit sya nagustuhan ng aking ina.
YOU ARE READING
RM2: Human Life
ActionI feel like, I am being punished because of my situation and being a She without a wolf. I tried living a normal life like humans. But at the unexpected time, I can't really hide what's the real me.