Chapter 4

179 12 0
                                    

  Chapter 4

Kaira's POV

Habang nagtetraining kanina ay nag isip isip ako, tutal ay bukal sa loob ng mga Ramirez ang tulungan ako ay lulubusin ko na. I need to know what happened to our university and business. Kailangan kong ma-i-ahon muli ang Maxwell para sa mga magulang ko at sa pack namin na inubos ng black organization.

Nandito ako sa harap ng silid ni Jonathan. Kakatok na sana ako ng biglang magbukas ang pinto at ditto nasilayan ko ang maamo nitong mukha. Nice, panira naman ng moment tong lalaki na ito, sana hindi ko nalang pinigilan ang kamay ko para sa mukha nya tumama ang kamao kong ikakatok ko sana sa pinto. -_-

"Hello Princess, anong maipaglilingkod ko sayo?" Bungad nito sa akin. Lumingon naman ako sa likod ko para tingnan ang princess na sinasabi nito. Wala namang ibang tao kundi ako lang.

"Ako ba ang tinutukoy mo? Kasi kung Oo, ay hindi princess ang pagpapakilala ko sa inyo." Plain kong sagot dito.

"Tsk, I just like calling you princess gustuhin mo man o hindi. So, what do you want? At dinayo mo pa talaga ko rito sa kwarto ko." Tanong nya. Pumasok naman ako sa loob kahit hindi nya ako pinapapasok.

"Unbelievable, you dare to come inside of men's bedroom." Komento nya.

"I'm here to ask a favor, about Maxwell University." I said. Naging seryoso naman ang expression ng mukha nya.

"So, you're a daughter of Michael and Mae Maxwell." Saad nya. Wala naman akong dahilan upang hindi aminin sa kanila ang lahat.

"Yeah, I want to now everything kung anong nangyari sa lahat ng business ng pamilya ko matapos naming mawala. Maaari mo bang alamin iyon?" Tanong ko sa kanya.

"Actually, simula nang biglang naglaho ang mga Maxwell, ay ako na ang humawak nito. You're Dad talk to my father before he and your family disappear, na para bang alam niya na dadating ang panahon na mawawala sya. Ipinaubaya nya sa aking ama ang lahat ng business nya. I am now the acting president but Maxwell is still the owner, which is you." Mahaba nyang paliwanag

"May balak pa ba kayong ipaubaya sa akin ang mga iyon?" Tanong ko sa kanya.

"Ngayon na may tunay na tagapagmana ay Oo. It's not ours and hindi kami sakim sa kayaman, So you're free to have it." Nakangiti nyang sabi.

"Not for now. Nasa mabuting kamay naman pala ang mga ito kaya ipapaubaya ko muna sa pamilya nyo." Sabi ko rito. Tsaka ako naglakad palabas ng kanyang kwarto.

"Where are you going?" Tanong nyas

"I'll visit Maxwell." Plain kong sabi dito at lumabas ng kwarto nya at dumeretso sa kwarto ko at nagbihis. I'll visit my school but I won't let anyone see me. Alam kong may mga tauhan parin ang mga black organization na umaaligid kahit na nasira na ang laboratory nila.

Sa pagkakaalala ko ay ako lamang ang bibisita sa Maxwell University, but as of now, I'm with Jonathan patungo sa University. Paano ako makakakilos ng maayos kung kasama ko sya? Tsk.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Sa pagkakatanda ko, ang sabi ko ay ' I'll visit Maxwell' not 'We'll visit Maxwell'." Bored kong sabi rito.

"Why? Do you think I will let you go alone this late? Eh kung umaga mo napagdesisyunan na pumunta ay baka hinayaan pa kitang mag-isa or I will just let my men na samahan ka. " Nakangisi nyang sabi sa akin.

"Oh, Please just tell me if you have a crush on me, kaya mo ako sinasamahan ay para masolo mo ako." Pabiro kong sabi rito.

"So what if I have a crush on you? You can't even stop me from liking you, duh." Pa-arte nyang sabi na ikinaikot ng mata ko.

"Whatever, para kang bakla. Magmaneho ka na nga lang." Sabay irap ko sa kanya. Ilang minute ng katahimikan ang namayani bago kami makarating sa University namin. Agad ako namang sinuot ang malaking jacket nya na hiniram ko kanina at isinuot ko rin ang hood nito maging ang face mask tska bumaba sa sasakyan at nilanghap ang sariwang hangin.

"I miss this place." Mapait kong saad dahil naalala ko ang mga magagandang alala ng aking pamilya nung kami ay dumadalaw sa paaralang ito ng mga tao napagmamay-ari ng alpha kong ama.

"Maaari mo ba akong kwentuhan kung ano ang nangyari sa loob ng 3 taon?" tanong ko rito.

"After we discover the burned body of your family maging ang mga taong natagpuan naming patay sa lugar ninyo ay agad naming inasikaso ang puntod ng lahat. Dahil batid namin na magkakamag-anak kayong mga nakatira sa compound nyo."

"Wait, what do you mean burned body?" kunot noo kong tanong rito.

"Yes, Sunod ang katawan ng iyong ama, ina at kapatid, sila lamang ang may sunog na katawan pero ang iba ay duguan habang walang mga saplot ang mga katawan." Pagsasalarawan nya sa nasaksihan noon. Nakakapagtaka dahil naiwan sila doon na walang kahit na anong sunog. Liban na lamang kung binalikan sila roon upang sunugin.

"Mga masasamang nilalang. Mas halimaw pa sila sa amin na tinatawag nilang halimaw." Nanggagalaiti kong saad. Ipinapangako kong hindi ako titigiil hanggat hindi ko maubos ang lahat ng nasa black organization maging ang nagpatayo nito.

"Naging maayos naman ang lahat sa pamamalakad ni Dad ditto sa loob ng university maging ang iba pang business ng mga Maxwell. Mahabang panahon ang ginugol namin upang mahanap ang isa pang nawawalang anak nila which is you. Hindi ko akalain na ikaw na pala ang inahanap namin kung hindi naghinala si Dad na ikaw si Zhein Kaira Maxwell." Mahaba nyang paliwanag.

"Sabay nating pabagsakin at tapusin ang kasamaan ng Black Organization na ito, Janothan." Cold kong sabi rito.

"I'll be glad to take them down with you my princess." Nakangisi nyang sabi. Pagkatapos naming mag-ikot ay nag-aya na akong umuwi dahil madaling araw na at sigurado akong may lakad pa sya bukas upang makapag pahinga narin kami.

Nang makarating na kami ay agad akong bumaba sa sasakyan at naunang pumasok sa kanya sa loob ng bahay. Napahinto ako sa tapat ng pinto ng kwarto ko nang may humawak sa siko ko.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Ah, wala. I just want to say Good night princess." Plain nyang sabi. Pilit tinatago ang emosyon sa mga mata nya at pilit ikinakalma ang tibok ng kanyang puso. Kung normal na tao ako ay hindi ko maririnig ang tibok nito.

"Okay, Good night din. Maaari mo nang pakalmahin ang tibok ng iyong puso." Saad ko tska pumasok sa loob ng aking silid.

~~~~~

RM2: Human LifeWhere stories live. Discover now