Chapter 6
Jonathan's POV
"I already talk to those employees of your father na nakakakilala sayo. I order them na isekreto ang pagpunta mo rito. Lalo na ang muli mong pagbabalik at ang katotohanang buhay ka. Naintindihan naman nila." Sabi ko sa katabi ko na kanina pa hindi umiimik magmula ng sabihin kong liligawan ko sya.
"Look, If you're thinking about what I said earlier..."
"Good, nang sa ganun ay hindi sila magulat oras na makita nila ako." Kampante nyang sabi. Napabuntong hininga nalang ako. I think she doesn't like the idea of me courting her.
Bababa na sana ako para pagbuksan sya ng pinto nang pigilan nya ako at hawakan ang kamay ko.
"You can court me, but you can't stop me from being you bodyguard tulad ng napagkasunduan natin noon." Seryoso nyang sabi pagkatapos ay bumaba na sya at iniwan ako sa loob na napatulala.
"Now what? Tutunganga ka na lang ba dyan Mr. Ramirez?" Pinagtaasan nya ako ng kilay. Great, tinarayan pa ako samantalang sya ang may kasalanan kung bakit ako natulala. Bumababa na ako at sinundan sya sabay hawak ng kamay nya holding hands while walking.
Kaira's POV
It's been 2 weeks magmula ng pumunta kami sa Ramirez Empire, sa CresMoon Inc. and courting thingy of Jonathan, it's been 2 weeks narin magmula ng magstart ako as Jonathan's bodyguard and it's been 2 weeks narin mula ng maging sweet sya sa akin. Simula palang naman ay sweet na sya sa akin but he is sweeter than before.
And I am here inside his office, ganto na ang set up namin mula ng magstart ako as bodyguard. Nandito lang ako sa office nya malamang kapag nandito sya Ramirez Empire. Kahit pag nasa meeting sya ay dito nya ako iniiwan. He said I'm his bodyguard pero hindi nya ako hinahayaan na sumama sa meeting nya. Pagtinatanong ko naman sya ang rason nya ay marami daw syang kaboard member na lalaki at ayaw nya na may ibang titingin sa akin na lalaki bukod sa kanya. He is so damn possessive. Anyway, kahit sa mga kalahi ko they are so possessive with their mates.
Kakabalik nya lang from board meeting and here he is nakatutok sa mga papeles nya. Aside from seating on the couch habang nag 'babantay' sa kanya, kung hindi ako naglalaro ng fishing diary sa phone ay tumatayo ako sa likod nya kung saan ay may malaking salamin. Iyon ang nagsisilbing Bintana doon kahit na hindi nabubuksan. Kita ang mga tao sa baba at mga sasakyan. Nasa 15 floor ang office nya at sa 16 floor naman ay ang pent house.
Habang nakatingin at nagmamasid sa baba ay may nakita akong kumikinang sa kabilang building. Gamit ang kakayahan ko bilang dating shewolf ay pinatalas ko ang aking paningin at kita kong may sniper doon.
"Damn it, Dapa Jonathan." Sigaw ko ditto pero hindi ko na hinintay na dumapa sya. Dahil mula sa pwesto ko sa bandang kanan nya ay tinakbo ko na ang distansya namin at natumba kami sa bandang kaliwa nya. Sakto pagbagsak namin ay narinig kong nabasag ang salamin ng office nya.
Agad akong tumayo upang Makita kung nandun pa yung tao. Nakita kong mabilis nyang nililigpit ang kanyang mga gamit. Naramdaman kong humapdi ang binti ko. Pagtingin ko ay may tumama palang basag na salamin doon. Tsk ilang araw ko nanaman itong pagagalingin.
"Damn, find that person now. And bring him to me." Madilim na wika ni Jonathan. Paglingon ko sa likod kung nasaan sya ay nakita kong nakatingin sya ng seryoso sa akin. At unti-unti syang lumakad papalapit sa akin. Tsaka ako niyakap.
"Damn, your hurt because of me. I shouldn't came up with the idea of you being my bodyguard. Kung alam ko lang na sobrang tigas ng ulo mo." Wika nya habang yakap ako. Gumanti naman ako ng yakap sa kanya.
"It's okay, I can handle it. Besides I want this, atleast I can be with you hindi yung nasa bahay lang. Wala din naman akong gagawin doon. Baka gawin pa akong clown ni tita." Nakanguso kong sabi sa kanya.
"Come with me. Gagamutin ko ang sugat mo." Nagulat ako ng buhatin nya ako ng bridal style at tinungo ang elevator papuntang pent house.
"Hindi mo naman ako kailangan buhatin, I can walk." Nahihiya kong sabi dito. Nakakahiya baka ang bigat ko tapos binuhat pa nya ako. Nang hindi sya umimik ay tumingin ako sa kanya. Tahimik lang sya at seryosong nakatingin sa akin.
"What? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko dito sabay pahid ng kamay sa mukha ko. Bwisit ayaw nalang kasi magsalita kung may dumi eh.
"Silly, walang dumi. Your facial espression is so cute. Anyway, bawasan mo nga ang kinakain mo dahil ang bigat mo na compare sa unang beses kitang nabuhat sa gubat." Nakangisi nitong sabi. Great nakakuha nanaman sya ng tyempo para mang asar.
"Duh, ikaw kaya ang kumain ng 1 beses lamang sa isang buwan. Sinong hindi babagsak ang timbang? Put me down now Mr. Ramirez." Inis kong sabi sa kanya. Pero hindi nya ako pinansin. Napansin ko nalang na nasa loob na kami nun dahil iniupo nya ako sa isang sofa. It's my second time na makapasok dito. Una ay nung inikot nya ako dito sa opisina.
"Ilan na ang mga babaeng dinala mo dito?" tanong ko sa kanya. It's not like I'm jealous. Gusto ko lang malaman.
"Hmm... mga 10 na siguro, 11 or 12. Hindi ko na tanda." Nakangisi nyang sagot sa akin habang nakatingin.
"Bakit ganyan ka makatingin? I'm just asking. Wag mong bigyan ng ibang kahulugan." Inis kong sabi sa kanya.
"Hahaha, bakit kasi away mo na lang aminin na nagseselos ka by the idea na may babae na akong dinala dito? But to answer you honestly, 1 palang. Iyon ay ang babaeng hawak ko ngayon." Seryoso nyang sabi sa akin habang nakatingin sa aking mga mata.
Damn him, nakakatunaw sya tumingin. Hindi ko naman itinatanggi na may nararamdaman ako para sa kanya eh. I'm just scared, what if malaman nya kung ano ako? Matatanggap nya ba ako? What's with my 'go with the flow' words? Tsk.
"Don't do that Kaira. Baka hindi ako makapagpigil." Tiimbagang nyang sabi sa akin na ikinagulat ko at ipinagtaka, ano nanaman ba ang ginawa ko? This bipolar men.
"What? Ano bang pinagsasabi mo? Baliw ka na ba?" Taas kilay kong tanong sa kanya.
"Yeah, I'm crazy inlove to you." Sabi nya sabay lapit nya ng mukha sa akin. What the hell. Is he teasing me? Tsk, Whatever, I will do what makes me happy for now habang ginagawa ko ang paghihiganti sa mga kalaban.
"You will be crazy inlove with me forever." Nakangisi kong sabi sa gulat nyang mukha sabay tayo at itulak sya pahiga sa sofa. Dumeretso na ako sa kusina nya dito sa pent house.
"Why did you do that?" Nakatulala nyang tanong habang nakatayo sa may bukana ng kusina. Great mukhang hindi nya pa nakukuha ang ginawa ko.
"Ganyan ka mainlove Mr. Ramirez? Natutulala? I can't believe I made the great and colded blooded Ramirez shocked by a kiss. Don't you get it? Or ayaw mo na akong maging girlfriend? Just tell me and I will go out and go somewhere kung saan hiindi mo na ako makikita." Pananakot ko sa kanya. Bigla naman syang natauhan.
"Ito naman hindi na mabiro. Hindi lang ako makapaniwala na sa ganitong pagkakataon ay magiging official in a relationship na tayo." Nakangiti nyang sabi sabay lapit sa aking at hinalikan ako sa labi. Smack lang naman sabay halik din sa noo ko.
"Pangako hindi kita sasaktan, hindi ko ipapangako na hindi kita paiiyakin pero sisikapin kong hindi ka umiyak sa piling ko." Sabi nya habang yakap ako.
"Sana nga, Sana." Mahina kong sagot sa kanya habang yakapa sya. Sana lang ay hindi mo ako iwan oras na malaman mo kung ano ang sekreto sa pagkatao ko. Sana ay matanggap mo parin ako.
YOU ARE READING
RM2: Human Life
ActionI feel like, I am being punished because of my situation and being a She without a wolf. I tried living a normal life like humans. But at the unexpected time, I can't really hide what's the real me.