Chapter 11

75 4 0
                                    

Chapter 11

Kaira's POV

Today is finally the day I will help Jonathan to end the Black Organization. Lahat ay handa na sa pagsugod mamaya. Maging ako ay nakahanda na. Ang tanging inihanda ko ay ang Katanang nakita ko sa loob ng weapon room sa mansion. Ayaw pa nga sana akong pasamahin ni Jonathan ngunit pinilit ko ito dahil narin sa kagustuhan na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko at ang pagsira nila sa pack namin. 

Habang nasa byahe patungo sa location ay hindi ko maiwasang kabahan sa hindi malamang dahilan. 

'Zhein, what do you think will happen?" I asked her.
'Hindi ko batid Kai, pero ramdam ko rin na may hindi magandang mangyayari.'  She said.
'We need to be there. Jonathan need us.'  I said to her. Na tinugunan nya lamang ng 'hmmm' bilang pagsang-ayon.


Dumating na kami sa tamang location kaya naman kanya-kanya na ang lahat sa pagkilos ayon sa plano. At ako, heto kasama si Jonathan. Naalala ko tuloy ang sabi nya kanina bago kami umalis.

'You stick with me. Wag na wag kang lalayo. Naiintindihan mo ba Love?' He said.
'Nahihibang ka na ba? Paano ka makakakilos ng maayos kung lagi akong nakadikit sayo?' Pagtutol ko.
'You will do as I say or maiiwan ka dito at maghihintay ng tagumpay namin?' Saad nya, kaya wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon na lamang.

That's explain why we are now moving like a ninjas na magkahawak kamay. Kung wala lang kami sa gyera ay baka sinapian na ako ng kilig dahil magkahawak kami ng kamay. Bigla ko namang naramdaman ang pag-init ng mga pisngi ko sa aking naalala. Ang espisyal na gabing naganap sa pagitan naming dalawa. We already did the mating process ngunit hindi ko sya magawang markahan. 

Natatakot ako, baka hindi nya tanggapin oras na malaman nya ang tunay kung pagkatao. Gayong batid ko na naghihinala na sya at nakakaramdam na may kakaiba sa akin. Pero ni-hindi ko manlang ito sinabi sa kanya sa dami nang pagkakataon na maaari ko itong ipagtapat sa kanya.

But this is not the right time for that. Kailangan kong magfocus sa laban tonight. Hindi na maaari pang makatakas o  makaligtas ang mga taga Black Organization sa dami nang mga atraso nila sa akin maging sa ibang tao.

Nang tuluyang makapasok sa teritoryo ng mga kalaban, ang mga naglalaban ang kanilang nabungaran. Mukhang natunugan nang mga ito ang ginawa namingpag-atake. 

"Jonathan, may espiya sa mafia. Mag-iingat ka." Sabi ko sa seryosong boses habang marahang pinisil ko ang kanyang kamay na nakahawak sa akin. Nakita ko na napatiimbagang sya dahil sa natuklasan.

"I will, Love. I just want to keep you safe now and end this battle." Saad nya at hinalikan ako sa labi. 

"I love you Jonathan. Kahit na anong mangyari lagi mong tandaan yan." I said sabay yakap sa kanya nang mahigpit.

"I love you too. Always and forever." Saad nya.

Hindi nangtagal ay nakisali na kami sa labanan. Nabitawan namin ang kamay ng isa't isa. 

Third Person's POV

Puro putok nang baril ang naririnig sa paligid. Lahat may kanya-kanyang modernong armas na gamit upang lipulin ang magkabilang panig. Liban sa nag-iisang babae na nakikipaglaban gamit ang dalawang katana. 

Kita sa cctv monitor ang liksi at galing sa pakikipaglaban nito. At kapansin-pansin din na sa bawat atake na natatanggap nito ay hindi nito pinapabayaan ang isang binata na pinuno ng Ramirez Mafia. Gayun din ang ginagawa ng binata. Pinuprotektahan nila ang isa't isa.

Nakaramdam nang inis, galit at pagkainip ang binatang nanonood sa monitor. Si Luke Garcia, 
ang ampon ni Lorenzo Lapiz na dating pinuno ng Black Organization na pinamamahalaan nya ngayon magmula nang mahuli ng mga otoridad at pumanaw dahil sa katandaan. Labis ang galit na naramdaman nito nang mabalitaan ang nangyari sa kinilalang ama. Kaya naman gumawa sya nang paraan upang makaganti sa mga nagpabagsak dito.

Noon nya natuklasan at nakilala ang mga taong may kasalanan kung bakit nakulong si Lorenzo at sa hindi nya malamang dahilan ay hindi ito makalabas nang kulungan kahit na sinubukan nito itong piyansahan.

Natuklasan nya kung anong klase ang mga nakalaban nang ama at ang rason kung bakit hindi maaalis sa kulungan. Kaya naman gumawa sya nang paraan upang paslangin at ubusin ang mga ito kahit na alam nya sa sarili na mahihirapan sya dahil hindi normal na tao ang mga makakalaban. Ngunit nagtagumpay sya at nagawa pang magpagawa ng isang project gamit ang nag-iisang nilalang na natira sa clan na tinapos nya. 

Sa pagkainip na naramdaman ng binata ay lumabas na sya sa kwartong kinaroroonan nya at nakisali narin sa labanan. Bawat pag-atake ay si Jonathan ang target nya. Dahil alam nyang ito ang tanging kahinaan ng kanyang dating bihag. Nang taong lobong si Kaira.

Sasaksakin ni Luke si Jonathan ngunit maagap itong nasalag ni Kaira paitaas. Naging sanhi nang pagtalsik nito palayo sa kanila.

May mga galos nang natamo si Jonathan mula sa mga nakalaban nito. Napansin ni Jonathan ang pagtigil ni Kaira sa pakikipaglaban malapit sa kanya. Pansin nya ang tensyon sa pagitan nang dalawang taong magkaharap.

"Kaira!" Tawag nya sa pangalan nang kasintahan. Lumingon naman ito sa kanya. Ngunit binalik nito sa kalaban ang tingin pero umatras ito papalapit sa kanya. 

"That's so unfair don't you think Kaira? Lahat nang mga kasama mo ay may mga pinsala sa katawan maging ang iyung kasintahan. But you, no scratch kahit isa." Nakangisi nitong sabi.

"Let's end this now Garcia." Tiimbagang na saad ni Jonathan habang hinaharang ang sarili upang maprotektahan si Kaira.

"I  actually can end you here easily Ramirez. Ang problema ko lang ay ang babaeng yan. Don't make yourself a cover. She doesn't even need you to protect herself." Halata sa boses nito ang panggigigil.

Biglang bumunot nang punyal si Luke at umatake kay Jonathan ngunit agad itong iniiwas ni Kaira kaya napaharap ito sa may bandang likuran. Tama lang dahil muntik nang mabaril si Kaira kung hindi nya lang naunahan ang pangahas na iyun.

Sinalag ni Kaira ang punyal gamit ang katana. Matibay ang pagkakahawak doon ni Luke kung kaya'y umatake ito muli ngunit iniwasan ito ng dalaga. Humanap nang tyempo ang dalaga upang mapuruhan ito. Na nagawa nya naman nang mapansin na focus ito na patamaan sya nang punyal na gawa sa silver. 

Hinayaan ng dalaga na tamaan sya nito upang mapuruhan nya rin ang lalaki. Natamaan sya nito sa tagiliran samantalang napuruhan nito ang lalaki sa tyan. 

"You were my prison for 3 years. Hindi ko akalain na sa loob ng maiklin panahon ay makakabawi ka kaagad nang lakas." Saad ni Luke habang mahigpit na hinawakan ang sugatang tiyan.

"Nakatakas ka nga sa akin, pero naging matagumpay parin naman ang experiment na ginawa namin galing sayo." Nakangisi nitong sabi na ipinagtaka nang dalaga. 

Napatingin sya sa paligid. Hinahanap ng mata nya si Jonathan. Nakita nya itong nakikipaglaban di kalayuan sa kanya. Nangmapatingin sya kay Luke ay nagulat sya nang makitang may hawak itong bow and arrow na nakatutok kay Jonathan na busy sa pakikipaglaban. 

Walang pagdadalawang isip na tinakbo nya ang distansya nilang dalawa. Tamang tama nang magbitaw ng palaso si Luke patungo kay Jonathan. Tulad nang inaasahan ay poprotektahan ito ng taong lobo.

"BOSS!!!" Sabay sabay na tawag ng mga ito kay Jonathan nang mapansin may tatamang palaso dito. Ngunit nagulat ang lahat nang ang kanang balikat ni Kaira ang sumalo nito. Saktong paglingon ni Jonathan ay nasa harap na nya ang dalaga at agad nya itong sinalo.

"Fuck, anong ginawa mo, Love." Nang-aalala nitong sabi sa dalaga.
"Saving my life." Maikli nitong sagot. Bakas sa mukha nya ang sakit sa natamong sugat. 

Napansin ni Jonathan ang namumulang sugat nito sa kaliwang tagiliran na parang nanggaling sa sunod. Tiningnan nya rin ang palasong nasa balikat nang kasintahan. May usok na lumalabas doon mula sa balikat ng dalaga.

"What's happening to you. It burns." Nagtatakang tanong nang binata.
"It's okay, Love. Malayo ito sa bituka." Biglaang binunot ni Kaira ang palaso. Napamura sya sa kirot na hatid nito.

"Nababaliw ka na ba? Bakit mo biglang tinanggal?"Nag-aalalang tanong ni Jonathan.

"Oh, I see. They didn't know? Tsk tsk tsk. This is getting more exciting." Saad ni Luke at may pinindot sa cellphone na hawak nya.

With that, naramdaman ni Jonathan na natigilan ang kasintahan.

"Y-you, you made a rogues." Rinig nyang sabi nang kasintahan habang inaalalayan nya itong tumayo.

"Enjoy Kaira. Mukhang masisiyahan ako sa palabas na mapapanood ko ngayon." Nakangisi nitong saad na para bang walang iniindang sakit.

Natigilan ang lahat nang mga Reapers nang makarinig sila nang kakaibang tunog. Tunog nang mabangis na hayop.

'Ggggrrrrr' 

~~~~~~~

Good Day Humans

Another Chapter today. :)
Dahil Monday na bukas, hindi ko alam kung kailan ako ulit makakapag-update for next chapter.
Work days nanaman.

Enjoy reading.

Thank you and have a nice day Humans. :)



RM2: Human LifeWhere stories live. Discover now