Chapter 7
Kaira's POV
Isang lingo na ang lumipas magmula na maging kami na ni Jonathan. Nandito ako ngayon sa loob ng opisina nya at hinihintay syang bumalik from his meeting. Nakahiga ako sa sofa at nagbabasa ng mga papeles na galing sa Maxwell Company. Tito Kairo said that I should learn everything sa company ng pamilya ko since mapupunta na ito sa akin sa tamang panahon. At dahil nakahiga ako habang naghihinatay at nagbabasa ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
Nagising ako dahil sa naramdaman kong may dumampi sa pisngi ko. Pagmulat ko ng aking mata ay mukha agad ni Jonathan ang nakita ko. Nakangiti itong nakatingin sa akin.
"Para kang timang jan. " Sabi ko sa kanya sabay upo sa sofa.
"Kain na tayo. Kanina pa kita ginising para sana sa labas tayo kumain kaya lang ang sarap ng tulog mo eh. Kaya nagpabili nalang ako." Paliwanag nya.
"Pasensya na, Ang dami na kasi ng nabasa kong mga documents eh." Nakasimangot kong sabi. Ang hirap pala nito kahit pinag aaralan ko palang ang mga documents na galing sa company. Paano pa kaya kung ako na ang humawak nito? Damn, sigurado akong sasakit ang ulo ko araw araw.
Habang kumakain ay nagkukwento si Jonathan ng mga napagmeetingan nila kanina, gaya nalang problema sa company sa pera dahil nalaman nyang may hindi tugma ang nireremit sa account sa mismong documents na meron sila. Ibig sabihin ay may nagnanakaw ng pera ng company sa Ramirez Empire. Magkakaroon daw sila ulit ng meeting mamayang 4pm kaya naman nagpumilit na akong sumama sa meeting.
Sa kalagitnaan ng lunch namin ay natigilan ako, bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib.
"Ayos ka lang ba Love?" nag aalalang tanong ni Jonathan nang mapansin na natigilan ako.
"Y-yeah, I'm fine, Kumain na tayo ulit." Nahihirapan pero pinilit kong sumagot sa normal na boses.
"You don't look good, namumulta ka." Nakakunot noo nyang sabi.
"I'm fine, Excuse me lang, magbabanyo lang ako saglit." Sabi at sabay tumayo dumeretso sa CR dito sa loob ng opisina nya.
Tiningnan ko sa salamin ang namumutla kong mukha, What's happening? Am I dying? Is it because, I really don't have my wolf anymore? No, it can't be. Naluluha kong tiningnan muli ang sarili sa salamin. I removed my contact lense. My Silver eye is turning to white eye I guess? But why now? I can't be dead soon. Huminga ako ng malalim. Dahil sa tanong na nasa isip ko at panghihina na naramdaman ay hindi ko naramdaman na pumasok si Jonathan sa CR at naabutan nya ako sa gantong posisyon.
Namumutla, pinagpapawisan dahil medyo makirot parin ang aking puso at nakalantad ang kaliwa kong mata. Alam naman ni Jonathan na hindi magkakulay ang mga mata ko. Ngunit ang pagiging puti ng silver eye ko ay hindi na dapat nya nakita pa.
"What happened? How did that turn into white?" nagtataka nyang tanong.
"What? I-its been white all the time Jonathan. What are you talking about?" Ma-ang kong sabi dito. Sana lang ay maniwala sya. Tutal ay isang beses nya lang naman ito nakita dahil gumamit ako agad ng contact lense.
"Tapos ka na ba kumain?" Tanong ko sa kanya para maiba ang topic.
"Ah yes tapos na, pinuntahan na kita kasi ang tagal mo. Gutom ka pa ba?" Tanong nya sa akin. Umiling naman ako tanda na busog na ako.
"Kung ganun ay ililigpit ko an gang pinagkainan natin." Lumabas na ako ng banyo at sumunod naman sya. Akmang hahawakan ko na ang pinagkainan namin, pero pinigilan nya ako dahil ipapaligpit nalang daw nya ito sa secretary nya. Kaya naman ay umupo at sumandal muna ako sa sofa at pumikit.
"Mabuti pa matulog ka na muna. Gigisingin nalang kita pag malapit na ang meeting." Nakangiti nyang sabi sa akin. Gumanti naman ako ng tango at ngiti pabalik sa kanya.
Nagising ako ng maramdaman kong may pumasok at dumiretso ito sa harap ng table ni Jonathan. May inabot ito sa kanya na brown envelop. Agad namang lumabas ang lalaki at binuksan naman ni Jonathan ang envelop. Nakakunot ang noo nya. Kaya naman ay tumayo ako at nilapitan sya.
"What's wrong Love?" Tanong ko dito.
"Nothing, just a background check with the board members." Sagot nya habang nagbabasa.
"Okay, can I read that after you? You know, para mapag aralan din ang pagkilatis ng tao sa pagbabasa ng Background. Baka sakaling ma-apply ko sa Maxwell soon." Nakangiti kong sabi dito. Pero ang totoo ay tutulong ako sa pag alam kung sino ang nagnanakaw sa company nila.
Ang sabi nya ay may 5 tao syang pinaghihinalaan. Mr. Dang, Ms. Tui, Mr. Donato, Mr. Feing and Ms. Gonzales, Sila ang mga nabasa kong pangalan sa mga papeles na binabasa nya. Binasa ko din ang lahat ng ito wala namang kakaiba na maaaring maging connected sa pagnanakaw na nangyari. Mawawalan na sana ako ng pag asa ng may mapansin ako sa details ng isang tao.
Talagang gumagawa parin sila ng paraan para muling mabuo at lumakas ang organisasyon nila? I won't stop hanggat hindi ko nauubos ang angkan mo. Sinusumpa ko.
"Sir Jonathan, nasa conference room na po ang lahat." Magalang na sabi ng secretary ni Jonathan.
"Alam mo na ba kung sino ang nangahas na magnakaw sa company Love?" Tanong ko dito habang nakadekwatro na upo sa sofa at hinihintay syang tumayo.
"Yeah, Hindi nya matatakasan ang ginawa nyang pagnanakaw sa akin." Nakangisi nyang sabi.
"Well, it's like, Hitting 2 birds with 1 stone." Ganti kong ngisi sa kanya.
Sabay kaming lumabas ng opisina nya at tinungo ang conference room. Pag pasok namin ay natahimik ang lahat, Halatang takot sa taong pumasok dahil ano mang oras or kahit kalian nito gustuhin ay pwede nya silang patayin. There hearts beats fast, pero mas malakas ang tibok ng isa. I'm happy to know that I still have my sense of hearing.
"I already know kung sino ang lapastangang ngahas na pagnakawan ako. So why don't you speak out and reveal yourself bago pa may baling bumaon jan sa ulo mo." Cold na saad ni Jonathan.
"Why so fast Love? Bakit hindi natin pakabahin lalo ang taong yun. Para naman may thrill." Malambing kong sabi kay Jonathan sa harap ng mg board members nya.
"And who are you para magdecide para sa Boss namin?" Nakataas ang kilay nyang saad sa akin na ikinangisi ko pa lalo.
"Bakit tila, naiinis ka Ms?" Kunwari ay hindi ko alam kung sino sya.
"Marita Gonzales, Naiinis ako dahil nakikisawsaw ka sa usapan namin. Sino ka ba? Hindi ka naman kasama sa board members at lalong hindi ka empleyado dito para makialam." Pataas ang boses nyang sabi sa akin. Na lalo ko naman ikinatuwa.
"Love, I did nothing naman sa kanya but look, she's too loud, sinisigawan nya ako." Nakasimangot kong sumbong kay Jonathan. Hahahah
'What a sudden act, love.' Bulong nya sa akin na may kasamang pagkamangha at ngiti. Ginantihan ko lang din sya ng ngiti.
"And who are you to shout at my girlfriend Ms. Gonzales? Anyways, back to topic. As I was saying, I already know kung sino ang magnanakaw and I won't let you go that easy. Ms. Gonzales, kaya ka ba ganyang kung makaasta ay dahil sa guilty ka?" Nakangisi tugon sa kanya ni Jonathan.
~~~
Good evening guys, I'm so sorry, I will try to update tomorrow night.
Thanks for reading. Enjoy and I love you all.

YOU ARE READING
RM2: Human Life
ActionI feel like, I am being punished because of my situation and being a She without a wolf. I tried living a normal life like humans. But at the unexpected time, I can't really hide what's the real me.