Bagong lipat lang sa inuupahang kwarto si Athena. Maayos at malinis ang silid tulad ng sinabi ng mayordoma ng dormitoyo. Naimpress din siya sa ganda ng kulay na nakapintura sa buong silid, baby blue ang paborito niyang kulay. Kaya hindi na sya nagdalawang isip na lumipat ng tirahan. Kasama ang kanyang bestfriend na si Drake, naayos nila ang kanyang gamit.
Ngunit lingid sa inaasahan ni Athena, may misteryong bumabalot sa dormitoryong kanyang nilipatan. Maililigtas kaya nya ang kanyang sarili o tuluyang mababalot ng lagim ang kanyang buhay?