Athena's POV
Nagising na lang ako isang madilim na kwarto. Pinilit kong tumayo ngunit naramdaman ko na nakagapos ang mga kamy at paa ko. May kung anong mabahong amoy ang umaalingasaw sa paligid ng lugar. Nasaan ako? Pinilit kong sumigaw ngunit walang boses na lumalabas sa bibig ko. Naramdaman ko rin na parang kumikirot ang aking mga paa, marahil ay dahil sa higpit nang pakakagapos sa akin. Nangingiilid ang luha ko, pinilit kong lumingon sa paligid kahit na humihigpit ang kadena sa leeg ko. Tulungan nyo ako.. Please. Yan na lang ang naiisip ko.
Nakarinig ako ng mga yabang papalapit sa kinaroroonan ko.
"Nasaan sya?" tanong ng pamilyar na boses.
"Nasa kwarto po na yun." lalaki
"Magaling, nasaan na ang pinahanda ko sa inyo?" muling tanong nya.Hindi na malinaw ang mga pangyayare. Pagkahilo at panghihina ang nararamdaman ko sa mga oras na yun. Bago ko maipikit ang mata ko. Isang malakas na sampal ang dimapi sa aking pisngi.
"How are you my darling?!" isang nakakapangilabot na ngiti ang sumalubong sa akin. Hindi maaari... Bakit sya? Anong ginawa ko sa kanya? Yan ang mga tanong sa aking isipan. Mga tanong na hindi ko alam ang kasagutan.
"Matagal ka nang iniintay ng lugar na to. Ang lugar kung saan mo ako pinabayaan. Hindi mo ba matandaan, Athena" bakas sa mukha nya ang pagkapuot.
"Nang araw na yun, ipinangako ko sa sarili ko na maghihiganti ako sa ginawa mong pang iiwan sa akin. Hinanap kita. Inalam ko ang lahat tungkol sayo. Lahat ng pinupuntahan mo. At nang nalaman ko na naghahanap ka ng bagong uupahan, di na ako nagdalawang isip pa. Nagpanggap akong babae at kinuha ang tiwala mo. Ang dali mo ring mauto. Hahahaha. Ako rin ang may kagagawan ng dugo sa CR ng kwarto mo, ang paghampas sa ulo mo. Lahat ng yun. Ngayon wala na pakiamero kong pinsan at kakambal para iligtas ka. Ngayon, mararamdaman mo ang sakit ng paghihiganti ko." sabi nya sa akin. Bigla na lang nyang inalis ang takip sa aking bibig.
"Sino ka ba hindi kita kilala. Wala akong alam sa sinasabi mo!" sigaw na sagot ko sa kanya. Isang sampal muli ang natanggap kk na halos lumuwa ako ng dugo.
"Ako si Clyne Delgado. Ako yung kalaro mo na iniwan mo para mamatay. Iniwan mo ako sa lugar na to. Nagmakaawa ako na wag mo akong iwan pero iniwan mo pa rin ako." Clyne
"Wala akong matandaan... Hindi ko matandaan...." ako