Chapter 18: Savior or Not

7 1 0
                                    

Someone's POV

Nakita ko sila na binuhat si Athena at isinakay ito sa van. Sigurado ako na ang kakambal ko ang may kagagawan nito. Ganon na lang kasi ang galit nya kay Athena. Kailangan kong iligtas si Athena lalo na ang kapatid ko. Sumakay na ako sa sasakyan at sinundan ang van na dumukot kay Athena. Kaya ba talaga nyang gawin yun? Maraming mga tanong ang tumatakbo sa aking isipan. Halos paliparin ko na ang sasakyan para maabutan sila.

Pumasok ang sasakyan sa isang abandonadong slaughter house. Nagpasya akong tawagan ang kaibigan ni Athena. Oo, may number ako ni Drake, dahil si Drake ay pinsan namin.

*ringing*

"Hello Drake, si Clyde to. Pumunta ka sa abandonadong slaughter house malapit sa dorm. Pinadukot nya si Athena." binaba ko na ang cellphone ko. Alam ko kasi na kailangan ko ng tulong.

Nagmanman na lang ako sa lugar habang hinihintay si Drake. Habang naghihintay ako may dumating na kotse at alam ko na si Clyne ang sakay ng sasakyan. Hinintay ko sya makapasok sa loob. Nasaan na ba si Drake? Baka kung anong mangyare kay Athena.

Room 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon