Drake's POV
Bumili ako ng pagkain namin ni Athena habang natutulog sya. Naalala ko pa rin yung lalaking hinatid si Athena sa kwarto kagabe. Napakamisteryoso nya. Hindi rin nya sinabi kung bakit walang malay si Athena. Ang tanging nalaman ko lang ay napauntog daw ang ulo nya sa dingding malapit sa kwarto kaya nawalan ito ng malay.
"Waaaaaah" Isang sigaw ang narinig ko mula sa kwarto ni Athena. Nagmamadali akong pumasok sa pinto.
"Anong nangyare sayo?" usisa ko kay Athena. Nababakas sa mukha nya ang takot.
"May masama akong napanaginipan. May babae... G-gusto nya akong patayin." nauutal na sabi ni Athena sa akin.
"Panaginip lang yun ok. Kumain na tayo." iniganda ko ang pagkaing binili ko nang bigla na lang nya akong niyakap.
"Dito ka lang sa tabi ko hah. Wag mo akong iiwan." sabi nya habang yakap Ako.
"Oo naman. Dito lang ako." nakangiting sabi ko sa kanya.Someone's POV
Inaayos ko na ang lahat ng mga kakailanganin ko bago ko sya makuha. Inalisan ko na rin ang kama ng aligabok at nilinis ang mga nakalagay sa grills nito. Ngayon naririnig ko na ng iyak at daig ng taong dadalhin ko sa lugar na ito. Matagal tagal na rin na panahon na hindi ko nagagamit ang lugar na 'to.
"Humanda ka na. Dahil malapit na kitang mapasakamay. Konting oras na lang." nakaguhit sa akung mukha ang malademonyong ngiti. Lumabas ako ng silid at pinagmasdan ang Room102.