Athena's POV
Alas-dos ng madaling araw ng magising ako, naiihi kasi ako. Dahil takot pa akong pumasok sa CR ko ay napagpasyahan kong gamitin ang CR na may hallway. Medyo madilim ang pasilyong nilalakaran ko. Tanging ilaw lang ng phone ko ang nagbibigay liwanag sa buong lugar. Malapit na ako sa CR nang may napansin akong liwanag mula sa basement.Ano kaya yun? Hindi kouna ito pinansin at natungo sa CR. Nang pabalik na ako sa aking kwarto ay may naramdaman akong sumusunod sa akin. Binilisan ko ang aking paglakad hanggang sa bigla na lang may kung sinong pumalo sa ulo ko. Malapit na ako sa Room 102 kaya pinilit kong gumapang.
"D-Drake, t-tulong!" pagsusumamo ko hang pinilit kong katukin ang pintuan. Muli kong narinig ang mga yabag ng paa na papalapit sa kinaroroonan ko.
"Drake!!!!" sigaw ko at bago ako nawalan ng malay ay naramdaman kong may bumuhat sa akin.... San nya ako dadalhin?? Unti-unting nagdilim ang paningin ko...