Chapter 12: Mystery Guy

10 1 0
                                    

Third Person POV

Lumabas sya nang kwarto para mapahangi. Alam kasi nya na natutulog na ang lahat at ayaw rin nya na may makaalam ng kanyang presensya sa lugar. Habang naglalakad ay may napansin siyang ilaw na papalapit sa kinaroroonan nya. Agad itong nagtago sa storage room ng lugar.

Nang makaalis ang naturang dalaga sa lugar ay may kung anong nagtulak sa kanya na sundan ito. Marahil ay dahil sa natatakot ito sa pwedeng mangyare kapag may ibang taong makasalubong ang dalaga.

Marahan syang naglakad at pakubling sinusundan ang dalaga. Bigla na lang sa kung anong dahilan ay napahandusay ang nasabing dalaga sa sahig. Alam na nya na may nasa labas ng kwarto. Agad syang nagmadaling tumungo sa kinaroroonan ng dalaga at binuhat ito palayo sa kinasadlakan nya. Tinignan nya ang maamong mukha nito. Hindi pa gasinong nawawalan ng ulirat ang dalaga at hinawakan nito ang kanyang mukha Bago tuluyang mawalan ng malay ay nakapagsambit pa ito ng mga salita...

"Tulong...!" ani ng dalaga bago tuluyang mawalan ng malay. Tiniyak na muna niya na wala nang ibang nilalang sa pasilyo at binuhay niya ang dalaga sa bukas na silid.

Ngunit lingid sa kaalaman nya ay may matang nakamasid sa mga ikinikilos nya mula pa kanina ng lumabas sya.

Room 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon