Drake's POV
Nagising ako nang may narinig na ingay mula sa labas ng pintuan. Napatingin ako sa kama ni Athena at nakita kong wala sya.
"Nasaan kaya ang babaing yun??" bumangon na lang ako sa hinihigaan ko at lumabas upang hanapin si Athena.
"Athena?" tawag ko sa pangalan nya ngunit hindi sya tumutungon. Nilibot ko ang buong pasilyo ng 1st floor ngunit wala sya. Kinakabahan na ako dahil alam ko na matatakutin si Athena. Ilang ulit ko na ring tinatawagan ang kanyang telepono ngunit out of coverage area ito.
"What the Fuck?! Nasaan kaya sya?!" pagmumura ko. Nagpasya akong libutin ang buong dormitotyo ngunit walang Athena sa kahit saang lugar.
"Nasaan ka na ba Athena?"muli kong pinilit na tawagan sya ngunit hindi ko pa rin sya makontak. Hanggang isang bagay ang nakatawag ng aking pansin.
Papunta na ako sa Room 102 nang may napansin akong kumikislap ng bagay sa sahig. Nang nilapitan ko ito ay don ko napansin n iyon ay isang bracelet. Pinulot ko ito at laking gulat ko...
"Kay Athena tng bracelet na to. Paano to napunta dito. Bakit nya to iniwan?" maraming tanong ang nabuo sa isip ko. Mas nasindak ako nang napansin basa ito... Pumasok ako sa Room 102 at nagpasyang buksan ng ilaw. Laking gulat ko na ang bracelet ni Athena ay puno ng dugo.
"Athena, nasaan ka na ba???"