***"Uwi na tayo. Nakakatakot dito." tinig ng batang lalaki na habang hawak hawak ang kamay ng kanyang kalaro.
"Ang duwag mo naman. Dapat kasi di ka na lang sumama. Tsssk. Umuwi ka mag isa mo bahala ka jan." matapang na sagot ng batang babae sa kanyang kalaro. Dahil ayaw ng batang lalaki na iwanan ang kanyang kaibigan ay sumama ito papasok sa tinaguriang "DEVIL'S PARADISE", isa kasi itong slaughterhouse ngunit ayon sa mga kwento ay hindi baboy ang kinakatay sa naturang lugar, kundi nga tao.
Nang nakaliban sila sa bakod ay agad tinungo ng babae ang front door. Kataka-taka na bukas ito, para bang hinihintay silang pumasok sa loob."Wag na nating ituloy. Umuwi na tayo." muling panghihikat ng lalaki sa kasama nito ngunit sa halip na umalis ay lalo pa itong naingganyong pumasok sa loob. Kaya walang nagawa nang batang lalaki kundi ang sumunod sa kaibigan. Nang nakapasok sila sa loob, nakasusulasok na amoy ang sumalubong sa kanila. Bigla na lang silang may narinig na ingay mula sa di kalayuan. Ingay ng kadena na wari nila ay papalapit sa kanila. Walang ano-ano ay may biglang humawak sa balikat ng mga bata,itinali sila nito sa katayan ng baboy, ang kanilang kamay, leeg, at sa dalawang paa ay nakagapos ng mahigpit sa katayan. Nagpupumiglas ang batang babae hanggang nakawala ito sa pagkakagapos ngunit sa halip na tulungan ang kanyang kaibigan ay iniwan nya ito nang marinig ang malakas na ingay na nagmumula sa chainsaw ng lalaking nanggapos sa kanila.
"WAG MO AKONG IWAN DITO...TULUNGAN MO AKO'" pagtangis ng batang lalaki. Ngunit sa halip na tulungan ang kaibigan ay nagmamadali itong tumakbo palabas ng pinto.
"TULUNGAN MO AKO..... ATHENA!
***
"Athena, nakikinig ka ba?? Ui"tinapik ni Drake ang braso ni Athena..
"Huh? Ano nga yun?" sagot naman ni Athena.
"Bakit kasi di ka nakikinig?" Drake.
"Wala, hmmmm.. Tatawagan ko lang si Mommy. Wait." Athena