Chapter 4: The SleepOver

14 2 0
                                    

Drake POV

Nang nareceive ko ang text ni Athena ay agad ko syang nireplayan..

To: Athena
Wala ka nang magagawa, nasa dorm mo na ako, hinihintay na kita.

Natatawa akong isinend iyon sa kanya. Maya maya pa ay tumawag sya.

"Hello Athena." sagot ko sa tawag nya.

"Hoy gago ka, bat ka sa dorm tutulog? Bawal ang lalaki dun."Gigil na gigil na sabi nya.

"Aba, nagpaalam ako sa mayordoma nyo at pumayag sya." bago palang kasi sya tumawag ay tinawagan ko na ang mayordoma nya.

"Lintik ka talaga. Bat mo ginawa yun?" inis na sabi nya pero pumayag na rin sya kasi wala na syang magagawa pa. Haha

Naghihintay ako sa labas ng Room 102, ang kwarto ni Athena. Ang tagal ng bruhang yun ah, nang biglang may narinig akong ingay mula sa katabing kwarto, Room 101. Ano kaya yun? Sisilip sana ako sa may pintuan nang dumating ang bruha.

"Hoy, anong ginagawa mo jan?" Athena

"Wala, bat ang tagal mo? Kanina ka pang labas ah." Ako

"Aba, traffic po boss at bakit ka naninilip sa kabila hah?" nakangising sabi ni Athena.

"Hindi ako naninilip ui." pagtangi ko.

"Napatingin lang ako." ako

"Talaga ba?"Athena

"Oo, halika na nga. Napagod ako kaiintay sayo." Sabi ko sa kanya

Binuksan ni Athena ang pinto ng kwarto nya.

"Ano 'yang dala mo?" sabi ko sa kanya.

"Pagkain malamang. Alam ko kasing hindi ka pa kumakain. Kain tayo." Athena

"Ang bait talaga ng bestfriend ko. Gutom na nga ako eh." sabi ko sa kanya.

Habang kumakain kami ay may narinig akong yabag ng paa mula sa hallway ng inuupahan nya.

"Athena, sino yun?" Tanong ko sa kanya.

"Naku, Drake lagi na lang ganyan yung nasa kabila. Minsan nga ay kumakatok pa sa pinto ko o kaya nagbabasag ng gamit. Nahirapan ako matulog kagabi." sya

"Kinausap mo ba ang mayordoma niyong dormitoryo?" Ako

"Hindi ko nga sya maabutan sa opisina nya." sya

Muli naming narinig ang mga yabag at parang tumigil ito sa tapat ng kwarto ni Athena. Isang malakas at sunod sunod na katok ang amin narinig. May paghikbi ba ng babae parang may humahabol sa kany. Nang lumapit ako upang buksan ay bigla na lang may nakabibinging ingay ang maririnig mula sa kabilang kwarto at ilanng segundo ay nawala iyon. Pagbukas ko ng pintuan ay walang tao sa hallway. Ni bakas ng kung sino ay wala. Napatingin na lang ako kay Athena at umiling.

Room 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon