Drake's POV
Nakita ko na kinakabahan sya dahil sa sinabi ko, dagdag pa doon ang ingay mula sa Room 101. Tumayo sya at pupuntahan na sana nya ang kabilang kwarto nang bila ko syang hinila at isinandal sa dingding.
"Drake, bakit?" tanong nya sa akin habang iniiiwas ang mga mata.
"Dito ka lang, yaan mo na syang mag ingay dun." ako habang nakatitig pa rin sa kanya. Her eyes, her face, and damn her lips..
(Drake matauhan ka, bestfriend mo yan)
Oo na, bff ko na sya pero nahuhulog ata ako.(Matagal ka nang nahulog)
Nabigla ako sa reaksyon ng katawan ko, bigla ko syang hinalikan sa labi. Nakita ko na nanlaki ang mata nya sa ginawa ko.Her soft lips damn they taste so sweet.Nang natauhan ako ay agad akong lumayo sa kanya. Sya naman ay nakatulala lang na parang hindi alam kung ano angnanyare. Nakita ko na natauhan sya at dumiretso sa CR.
(Hoy Drake ang tanga ko, bat mo hinalikan si Athena ha??)
Oo na mali na ako, nabigla lang ako. G*go ka Drake. Habang kinakausap ko sng sarili ko (baliw ka kasi) bigla na lang sumigaw si Athena."Waaaaaaaa!" may halong takot at pagkabigla ang sigaw nya.
Anong nangyare? Nagmamadali akong pumunta sa CR nya at pinilit iyong buksan.
"Athena, ba---" laking gulat ko nang bigla kong nakita ang duguang salamin at may bakas ng kamay sa dingding ng CR nya. Mukhang bago lang ito. Nilibot ko ang paningin ko ngunit wala akong nakitang kahit ano,(ano bang hinahanap mo?) paano nagkadugo dito eh lagi namang wala si Athena. Nakita ko na lang na nanginginig si Athena sa takot. Shit! Takot nga pala sya sa dugo.