Athena's POV
Habang nag uusap kami ni Drake, bigla na lang may kung anong pangyayare ang bigla ko na lang naalala ngunit malabo sa aking ulirat ang mga mukha ng mga bata. Sino kaya sila? At bakit Athena ng tinawag nun lalaki sa babae. Hindi kaya ako sya, pero di ko maalala. Isa kaya yun sa nabura noong naaksidente ako? Gusto kong malaman... Sino ba ako dati at sino yung batang yun??
"Athena, nakikinig ka ba?? Ui"tinapik sa akin ni Drake
"Huh? Ano nga yun?" Ako
"Bakit kasi di ka nakikinig?" Drake.
"Wala, hmmmm.. Tatawagan ko lang si Mommy. Wait." sabi ko sa kanya. Tumayo ako at tinawagan si Mommy.*ringing*
Hi, this is Althea. I'm currently out of town. Please leave a message after the beep.*beep*
"Ma, call me once you got this message." yan ang iniwan kong mensahe sa kanya.Sa di kalayuan, may napansin akong ilaw, hindi ako pwedeng magkamali, flash yun ng camera. Nagmadali akong tumakbo patungo sa kinatoroonan ng ilaw. Hindi ko namalayan na may mga lalaki na pala sa likuran ko. Bigla na lang may panyong tumakip sa bibig ko at may kung anong amoy na dahilan ng pagkahilo ko. Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay may naaninag akong mukha ng lalaki.
"P-please, t-tulungan mo ako." ako, habang lahat ay nagblackout na.
***
Nagising na lang ako isang madilim na kwarto. Pinilit kong tumayo ngunit naramdaman ko na nakagapos ang mga kamay at paa ko. May kung anong mabahong amoy ang umaalingasaw sa paligid ng lugar. Nasaan ako?