t w o

2.3K 71 21
                                        

t w o

Eye to Eye

It was already 7:30 pm at nandito ulit kami sa may labas ng dorm ng EXO. Nakaupo sa may bench at nakatitig sa kawalan.. Naka coat ako dahil sa malamig na sa labas. Naisipan ko kasing tumambay dito dahil sa bored ako na sa bahay namin at wala si Bani dahil sa umalis sila ng pamilya niya.

Buti pa sila may family bonding. Miss na miss ko na ang mga magulang ko. Parehas silang wala sa bansa para asikasuhin angmkompanya namin.

Mas masaya pang tumambay sa labas ng dorm nila dahil sa pakiramdam ko, malapit ako sa kanila. Pakiramdam ko, sobrang lapit niya at metro na lang ang layo namin sa isa't isa. Sa ganitong paraan ko na lang kasi nararamdaman na malapit kami sa isa't-isa.

Handa kong maghintay na lumabas siya at makita. Handa kong saluhin lahat ng mga paratang at pinagsasabi sa akin ng ibang fans, mapalapit lang ako sa kanya. Lahat gagawin ko. Lahat lahat para lang sa kanya at sa kanila .Ganyan ko sila kamahal.

Gustong-gusto kong maiparamdam sa kanya na nandyan lang ako para sa kanya, na nag eexist ako sa mundo. Parehas lang kami ng mundong ginagalawan. Gusto ko siyang lapitan, pero kahit na anong lapit ang gawin ko, hindi ko pa rin siya malapitan.

Bumuntog hininga ako. Ang bigat ng pakiramdam ko.

Napapikit na lang ako at dinama ang malamig na simoy ng hangin. Fresh air, fresh air lang ang kailangan ko. Naramdaman ko na may tumabi sa akin kaya napadilat ako at nilingon ito. Isang lalaking naka-coat at naka sumbrero.

Tinitigan ko lang siya, nagtataka kung sino ito. Hindi niya ako tinignan, hindi niya ako pinansin kaya hinayaan ko na siyang tumabi sa akin.. Tumingin na lang ako sa direksyon ng pintuan papasok ng dorm.

"Bakit ka nandito?" malamig na tanong ng lalaking katabi ko. Hindi ko siya pinansin.

"Ikaw yung laging tumatambay dito ah? Ikaw yung laging nag aabang dito sa amin." bumuntog hininga siya. Hindi ako makagalaw ng maayos, sino ba 'tong kumakausap sa akin?

"S-sino ka ba?" tanong ko at nilingon siya. Nakita ko siyang ngumisi na lalong pinagtaka ko.

"You know what? I really appreciate all your efforts. Yung pagpunta mo dito lagi para lang abangan kami. Thanks for that" nilingon niya ako. Napatitig ako sa kanya. Takang-taka . Dahan-dahan niyang tinanggal ang sumbrero niya.

"Hi, I'm Kim Jongin" sabi niya at ngumiti sa akin Nanigas ako sa kinauupuan ko. Hindi ako makagalaw, may bumara sa lalamunan ko kaya hindi ako naka-imik, ang tanging nagawa ko lang ay tumitig sa kanya.

Isang Kim Jongin ang kumakausap sa akin ngayon. Isang lalaking pangalawa sa hinahangaan ko.

"And you are?" tanong niya sakin . Hindi pa din ako gumalaw, hindi ma proseso ng utak ko ang mga ngyayari.

"Hey" sabi niya at bahagyang tinapik ang balikat ko. Napakurap ako at napaiwas ng tingin.

"N-Nadia Kim." Nautal pa ako sa sobrang kaba at pinilit ngumiti. Ganon din naman siya.

Katahimikan ang bumalot sa amin. Wala ni-isa sa amin ang nagsalita. Ako naman, hindi pa din makapaniwala. Isang idolo ang kumausap sa akin , natural lang siguro na maging ganito ang reaksyon ko.

"Hindi ka pa ba nilalamig?" tanong niya sa'yo at tumayo sa harapan mo.

"H-hindi pa naman masyado" mahina kong sinabi.

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong niya ulit sa akin Umiling ako lang at pilit na ngumiti

"Ito oh"abot niya sakin ng isang hot pack "Baka kasi lamigin ka dyan" sabi niya sa akin.

"Nga pala, wala si Yeol ngayon dito kaya balewala lang ang paghihintay mo dyan" sabi niya sakin bago siya tumalikod at tuluyang pumasok sa dorm nila sa loob ng malaking building na ito.

Kinausap nya ako?! Napangiti ako sa mga ngyari! Anong suwerte nga naman talaga ang nakuha ko, alam kong hindi si Yeol yun pero masaya ako dahil may isang sikat na tao ang nakapansin sa akin Isang Kim Jongin pa

Mas lalo tuloy lumakas ang loob ko, darating din ang oras na mapapansin ako ni Yeol. Mas lalo akong nagkaroon ng pag-asa na may chance na makausap ko siya, tulad ng pagkausap sa akin ni Kim Jongin.

~~~~

"BANI!" sigaw ko nang matapos ang huling klase ko. Nagsisigaw kaming dalawa at nagtatalon habang magkayakap. Excited na excited na kami para mamaya.

"Nads! Dapat maaga tayo sa fan signing nila, tara na!" kinaladkad ako ni Bani paalis sa school. Dumiretso muna kami sa kanya-kanya naming bahay para kunin ang album na papapirmahan namin. Nang makuha na namin ang lahat ng kailangan namin ay pumunta na kami sa may mall kung saan aganapin ang fansigning.

Madaming tao, sobrang dami kaya nakipag siksikan na naman kami . Maaga kami dumating pero mukhang mas maaga sila kaya ayan. Naunahan kami

Agad a nagsimula ang show. Lumabas na ang EXO at kinanta ang bago nilang kanta. The usual, ang mata ko ay nakatutuok lang kay Yeol. Napangiti ako na parang baliw lalo na nung narinig ko yung rap part niya doon. Ang lalim ng boses. Ang sarap sa tenga.

Matapos nilang kumanta ay may epal na mcee na nagsalita. Sinabi niya ang mga rules. Hindi ako nakinig. Masyado kong excited na malapitan siya at mapirmahan ang album na binili ko.

Nagkukurutan pa kami ni Bani na kalikod ko lang dahil sa sobrang excited namin. Naghiwalay na kami nung pumila na para sa pagpapapirma.

"Hi! Thanks for supporting!"

"Thank you!"

"Kamsamnida!"

Next stop, Chanyeol! Agad kong kinuha ang album sa harapan ni Suho matapos niya itong pirmahan. Nag bow ako saka naglakad papalapit sa table ni Chanyeol.

"H-hi! N-number 1 fan mo ako, Yeol" sabi ko. Nautal pa ako dahil sa kaba. He's the only one who makes me nervous like this!

"Thanks for supporting us." sabi niya habang pinipirmahan ang album. Matapos niya itong pirmahan ay binigay niya ito sa akin Nagtama ang mga mata namin, nginitian niy ako , biglang tumigil ang mundo, Tanging pintig lang ng puso ko ang nairirinig ko. Hindi ako nakagalaw, hindi ako naka-imik. Inabot ko na ang album, marahan akong tinulak ng mga nasa likod ko.

"Ikaw yung babae kagabi ah?" hindi ko pinansin si Kai. Masyadong na-occupy ni Yeol ang utak ko. Hanggang ngayon, ang bilis pa din ng tibok ng puso ko, hindi ako makahinga

"Salamat sa support mo sa amin. Well, mainly kay Yeol pero salamat pa din." sabi niya sa akin. Napalingon ako sa kanya at hindi umiimik. Ngumisi siya sa akin.

"Thank you for staying at our side" sabi niya at binigay na sa akin ang album. Hindi ko siya masayadong naintindihan dahil sa hindi pa din talaga naka move-on sa titigan moments namin ni Yeol.

Ganyan ang epekto ni Yeol sa akin, kaya niyang mapatigil ang sistema ko, kaya niyang patibukin ang puso ko kahit na sa simpleng bagay lang.

Sa mga simpleng bagay na ginagawa niya, hindi niya alam na mas lalo ko siyang minamahal. Alam ko, sa sarili ko na marami akong kaagaw. Hindi ko siya masosolo.

Pero ako yung tipo nang taong hindi agad sumusuko sa laban. Hindi ka agad aayaw ng walang napapatunayan. Ganyan akong tao. Matapang.

Sa larong napasukan ko, Attention ni Chanyeol ang pinaglalabanan.

~~

Loving Park ChanyeolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon