s e v e n

1.4K 49 26
                                    

S E V E N

Considered as first date

~*~*~

"Can we talk?"

Nakatitig lang ako sa kanyang mukha, pinipilit na pinoproseso ang ngyayare. Bakit naman kaya nya ako kakausapin? Nagiba ang expresyon ng kanyang mukha. Kinakabahan ako.

"Hah?" Sasobrang kaba ko ay iyan na lang ang nasabi ko. Nanatili ang mga mata ko sa kanya. Huminga sya ng malalim at tinitigan ako pabalik.

"Pwede ba tayong mag usap?" sabi niya  habang nakatingin ng diretso sa mga mata mata. May kung anong insekto ang nag rambulan at nagkagulo sa loob ng tyan ko at nanghina ang ang tuhod ko. Ibang klase ka talaga Yeol, binubuhay mo buong sistema ko.

"Bakit naman? Uhmm.. may gusto ka bang sabihin?" tanong ko sa kanya. Umiwas ako ng tingin dahil sa titigan na ito, talo ako. Talong-talo ako dahil sa pag huhuramentado ng puso ko.

"Please. Wag tayo dito. Baka kasi may makakita" sabi niya sa akin.

"Wait" sabi nya sabay tumalikod  at pumasok sa loob ng kanyang kwarto, Pagkalabas niya ay may dala siyang dalawang sumbrero at saka naka coat na siya.

"Wear this. Baka kasi may makakitang reporters, magka-scandal pa" sabi niya at inabot sa sumbrero sakin. Kinuha ko ito at sinuot. First ever kong nasuot ang isa sa mga sumbrero niya. Pilit kong pinakalma ang sarili ang sarili ko.

"Tara na" sabi niya. Tumangoa ako at sabay kayong nag lakad. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Pero wala akong  pakialam, ang mahalaga ay kasama ko siya at sabay kaming naglalakad. Sobrang lapit namin sa isa't isa na tila ba  ay tinatago niya ako sa iba siguro dahil ayaw nya na may makitang reporters. Sa tangkad ba naman nya, tagong tago na nya ako sa lahat.

Sa pagakakataong ito, hinihingi ko na tumigil pangsamantala ang oras. Buong paglalakad namin ay tinitignan ko siya. Gusto kong maalala ang pagkakataon na ito. Gusto kong alalahanin kung paano naka ayos ang sumbrero nya at ang salamin nya. Gusto kong maalala ito habang buhay dahil bihira lang ang makasamang maglakad kasama sya.

Hndi ko namalayan na nasa city of Seoul kami. Tahimik ang lugar sapagkat madaling araw na. Wala ang magulong tao, kakaunti ang sasakyang dumadaan sa pagkakataong ito.

"Tara, upo muna tayo doon" sabi niya at tinuro yung bench malapit sa may drills. Sumunod ako sa kanya nang tahimik.

"Ano nga pala pag uusapan natin?" tanong ko matapos naming maupo. Sinilio ko siya sa dulo ng aking mga mata. Lumingon sya sa akin kaya naman ay lumingon din ako. Ang bango nya. Gusto kong baunin ang amoy nya hanggang sa pag tulog.

"Ah. About what I have said last time" bumontog hininga siya "Sorry"

Napatulala ako sa sinabi niya. Totoo bang ngyayare to ngayon? Kung panaginip lang ito ay sana di na matapos please.

"Sorry sa mga nasabi ko. Nadala lang siguro ako dahil sa pagod ako nun. I didn't mean to say those harmful words" sabay niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Ayan na naman, talong talo ako sa pakikipag titigan sa kanya. Napangiti ako, may pakialam sya sa nararamdaman ko!

"It's okay. I understand. Kasalanan ko naman yun eh kaya sorry din" sabi ko at nag iwas ng tingin. Gusto ko siyang yakapin kaso alam kong bawal. Bakit ba napakahirap bawasan ang distansya sa pagitan namin?

"No. Kailangan kong makabawi" sabi niya at ngumiti sa akin. Yung ngiting iyon, nakakatunaw. Sasabog na ang puso ko sa tuwa.

"No. It's okay, Chanyeol. Ayokong maka istorbo sa'yo. Alam kung busy ka, maaaga pa kayo mamaya" sabi ko at umiling. Kahit naman gusto ko, iniisip ko pa din yung kalusugan nya. Alam kong busy syang tao dahil sunod sunod ang performances nila.

Loving Park ChanyeolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon