t w e n t y

1.1K 25 5
                                        

xx: Long comments please! Sorry for the long no update ah? Tinapos ko kasi yung Playful Kiss. (Try niyo basahin pag may time kayo! :)) Btw,
Hihi. I can see na madami ng shipper ang KaiDia HAHAHAHA! Paano naman ang ChanDia? T^T

~*~*~

t w e n t y

KA-IBIGAN

~

"Nyemas! Nadia! HAHAHAHA! Kilig ka naman?"

"Well,---"

"Sige deny pa!"

Halata naman kung sino ang kasama ko ngayon hindi ba? Kasama ko si Bani dito sa kuwarto, naisipan na naman niyang tumambay dahil bored daw siya kaya naisipan niyang ako ang gambalain niya. Kaya ayon, nasabi ko sa kanya ang mga ngyari sa 'date' kuno namin ni Jongin and BOOM nag wala na siya.

"Shipper niyo na ako. Bawahahaha! Jusko." Sabi niya bago tumawa na parang nauulol. Haay. Humilata ako sa kama ko saka tinignan ang number ni Chanyeol na naka favorite sa cellphone ko. Ano kayang pwedeng i-text sa kanya? Hmm.

"Bagay na bagay kayo sa isa't-isa. Uhhmm. Teka, Nadia"

Ah alam ko na! Hihi. Sana mag reply siya kahit tuldok lang! Huhu.

'Hi Chanie! :)' tinext ko sa kanya habang naka ngiting malapad. Omygawd. Kinikilig ako kahit na sa ganito lang?! WAAAAH. Paano pa kaya kapag nag reply na siya? Juskooooo.

'Chanie! Good morning!' Type ko ulit makalipas ang ilany minutong wala siyang reply.

"Naisipan mo bang tumigil sa pag hahabol kay Yeol at mag hanap na lang ng iba?"

Napatigil ako sa sinabi ni Bani. Gawd. Anong ngyayari sa kanya? Bakit bigla siya nag tanong isang nonesense na tanong?

"Hindi" simple kong sagot. Nalukot naman ang noo niya. Para bang hindi niya gets ang sinabi ko. Which means, kailangan ko pang i-explain lahat! Minsan tagala napaka slow nitong si Bani.

"Hindi. Hindi ko naisipang tigilan siya, na sukuan siya. Alam mo Bani, nag papakipot lang yan si Chanyeol. Sa huli, sa akin din ang bagsak niya!" Sabi ko habang taas noo. Aba't sigurado akong mamahalin din ako ni Yeol. Sigurado akong malalaman niya na may isang taong handa siyang mahalin ng higit sa babaeng mahal niya. Malalaman niyang may isang taong tulad ko na handang mahalin siya mula sa pinaka ugat niya! At ako iyon, wala ng iba.

"Kahit na may mahal siyang iba? Kahit na ang buong mundo niya ay umiikot sa isang babae lang?"

Natamaan ako sa sinabi niya.

"Kahit na ano pa iyan, kung ang ballpen nga nawawala feelings pa kaya? Naniniwala ako na balang araw gigising si Chanie at marealize na lang niya na hindi na niya mahal si Dee at ako, ako na ang mahal niya" sabi ko ulit.

Tumingin ulit ako sa phone ko. Wala pa ding reply. Haay.

'너무 너무 너무 너무 사랑해요' tinaype ko saka pinindot ang send button.

'사랑해요 어빠'

'야 야 야'

'사랑 해요!'

Tinadtad ko ng text si Chanyeol. Sana mag reply na siya! Kahit tuldok lang! Peste. Kahit 3  words lang! Hihi.

"Gad. Bilib ako sa fighting spirit mo! Pero teka nga, wala ka bang nararamdamang 'something' para kay Jongin?" Tanong na naman niya. Dumapa ito sa kabilang bahagi ng kama ko habang ako ay nakatitig sa kisame. Naghihintay ng reply.

Loving Park ChanyeolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon